01:12Microphone din yung naririnig ng taong bayan kung gaano kagarapal ang gobyerno natin ngayon.
01:21Sabi ng BC, pakiramdam niya hindi siya ligtas sa presensya ng mga pulis noon, lalot noong 2023 paaniya may banta
01:29sa kanyang buhay.
01:31Nanghahara sa bahay namin, nanghahara sa akin simula ng 2023, sinusurveillance ako, sinusundan ako.
01:39Hanggang ngayon, pupunta lang ako ng court, nandito pa rin sila.
01:46Kasi ano ba talaga ang gusto naggawin ng administrasyon na ito sa akin?
01:51Sagot ni Secretary John Vic Rimulya ng DILG na may direct supervision sa Philippine National Police,
01:56Gabi pa lang ng biyernes, alam na nila kung nasaan ang bise.
01:59Pero hindi nila pinilit isilbi ang areswaran.
02:02Buelta rito ng bise, tila inamin ni Rimulya na may pattern ng political harassment laban sa kanya.
02:08At pinagtibay ng sinabi ni Rimulya ang matagal na nilang hawak na mga dokumento tungkol sa harassment at surveillance ng
02:16mga pulis at ibang ahensya ng gobyerno laban sa kanya na ilan taon na anyang nangyayari.
02:20Pati kanyang ina at anak gusto raw takutin ng mga pulis.
02:24Depensa ni Rimulya hindi hinaras si Duterte.
02:27High profile person daw ang bise na may warrant of arrest at trabaho ng PNP ang magmonitor.
02:33Dagdag ni Rimulya, wala silang kinontratang hitman para bantaan si Duterte.
02:37Wala rin anya silang video ng pagbabanta sa internet.
02:40Lahat ay sangayon sa normal na polis protocol.
02:44Sabi ng PNP, walang inire-report sa kanilang banta ang bise.
02:47Kahit pa yung sinabi nitong banta noon pang 2023,
02:50wala rin silang namonitor na anumang verified threats laban sa bise at pamilya nito.
02:55Sabi pa ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.,
02:59handa ang PNP na tumanggap ng anumang dokumento, report o pahayag tungkol sa sinasabing banta.
03:04Ang NBI, sinabi na noong Julio sa impeachment trial na dati na nilang inimbitahan si Duterte
03:10tungkol sa sinasabing Oplan Romanov na umano'y banta sa buhay ng bise.
03:15Lagpadala nga po ng Sabina kay Princess Maui at kay Vice President.
03:20Subalit, fortunately, hindi po yata sila dumali dyan.
03:23Narinig ko rin po yung dating director na sinasabi niya ng Oplan Romanov
03:27ay tunay na banta sa pamilya ng mga Marcoses at hindi po kay Vice President Sara Duterte.
03:34Hamo naman sa bise ng tagapagsalita ng prosekusyon sa impeachment trial,
03:38patunayan ang sinasabi niyang banta sa buhay.
03:41Give us the reasons, provide the evidence so that the authorities can also look into it.
03:46Kung seryoso po talaga, eh dapat hindi po siya nagre-request ng mga travel authorities.
03:51Hindi ko rin po maintindihan kung bakit yung nagbabanta ngayon,
03:55ang feeling niya hindi siya safe.
03:57Hindi idinatalik ng bise ang banta raw sa kanya mula 2023.
04:01Ayon sa kanyang abogado, hindi pa nila masabi kung maghahain siya ng report o reklamo
04:05tungkol dito dahil hindi pa sila nag-uusap ng bise.
04:08Para sa unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
04:14Para kay Senate President Sherwood Gatchalian,
04:17dapat seryosohin ang mga pangamba ni Vice President Sara Duterte sa kanyang kaligtasan.
04:23Dapat kung merong banta, kung meron nararamdaman o nakikita ang ating vice presidente
04:31na banta sa kanyang buhay, pamilya, dapat seryosohin natin ito.
04:35Hindi maganda ito. Kahit kung anyone, ikaw man ay vice president o ordinaryong mama yan,
04:42dapat protektahan ng ating pamalan sa mga ganitong banta.
04:46Nanawagan si Gatchalian sa polisya na imbesigahan kung saan ang gagaling
04:50ang sinasabi ng bise na banta sa kanyang kaligtasan.
04:53Naano na sinabi ni PNP Chief Jose Melencio Nartatas Jr.
04:56na sineseryoso nila ang mga agam-agam ng bise tungkol sa kanyang siguridad.
05:01Ilang beses sinabi ng bise na may banta sa kanyang buhay
05:04nang mag-piansa siya sa Quezon City Regional Crown Court nitong Sabado.
05:09Ang piansa ay para sa tatlong counts ng grave threats.
05:11Kaugnay sa pagbubanta o mano sa Pangulo, sa First Lady at sa dating House Speaker.
05:16Ito rin ang saklaw ng Article 4 of grave threats sa impeachment case laban sa kanya.
05:21Sa bise, ayon kay impeachment court spokesperson Reginald Tunggol,
05:25hindi ito may tuturing na double jeopardy.
05:28Ang nililitisan niya sa regular na korte ay criminal liability,
05:32habang sa impeachment court naman ay accountability at kung dapat pang manatili sa pwesto ang bise.
05:41Maganda umaga po mga kapuso, nagbabalik po tayo rito sa Barangay San Pablo,
05:45dito po sa San Simon sa Pampanga.
05:47At nakapasok na po tayo dito sa may isa sa mga lugar, sa may looban,
05:53kung saan according sa mga residente, eh hindi raw po talaga ito inaabot ng baharat dati.
05:59Pero ngayon makikita nyo, hanggang tuhod ko ang baha at kahit hindi umuulan,
06:04sabi nyo na nga kagawad sa atin dito, apat na araw na po na hindi umuulan dito
06:08pero hindi humuhupa-hupa ang baha rito.
06:11Ito pong lugar po nila malapit po sa palayan na talagang greatly affected din po ng pagbaha yan.
06:17Marami rin pong mga nasira na mga pananim nila dyan dahil nga po sa mga tuloy-tuloy na pagulan at
06:23pagbaha.
06:24At sa punto pong ito, kausapin po natin yung isa sa mga residente rito.
06:28Good morning po ate. Ano pong pangalan nyo po?
06:31Josie Canlas po.
06:32Josie Canlas, good morning po.
06:36Nakita ko nga po dito, ang taas na po ng lugar nyo, medyo pataas na pero binaha pa rin.
06:44Hanggang saan po umabot yung baha nyo rito?
06:46Hanggang dito po saan?
06:48Ayan, yung nakikita nating marka po na yun.
06:50Mas mataas pa po.
06:51Ah, mas mataas pa po.
06:53Kung ikukumpara nyo po, ah ito, ito to.
06:55So, yung pong marka na po na yun, makikita nyo mga kapuso, ayan, umabot na hanggang dyan.
07:00Ganyan din po ba nung panahon ng Undoy?
07:02Hindi po.
07:03Mas mababa pa?
07:04Sa terrace lang po namin umabot yung tubig.
07:07Hanggang terrace lang.
07:08Ayan, so mga kapuso, makikita natin, medyo tumaas po ako dito kasi mataas po yung lugar nila.
07:13Pero kahit na ganito po yung sitwasyon, eh talagang umabot po hanggang doon, no?
07:17So, parang kung nakatayo ako rito, hanggang mga bewang na, no?
07:22Hanggang paglabas mo dito.
07:24Paglabas nyo, hanggang dibdib.
07:26Pero kapag nasa loob kayo, dahil mataas po yung pwesto niya hanggang bewang.
07:29Pero paano po kayo nakaka-hope?
07:32Ano, nung tumaas na po yung tubig, umalis na po kami sa bahay namin, nag-evacuate na po kami.
07:39Okay, buti meron po kayong lilipatan sa evacuation center ba?
07:41O meron kayong ibang bahay na pwedeng puntahan?
07:43Yung may mataas na lugar doon, doon kami nakiusap na lumipat po.
07:49Okay. So, iniindan nyo na lang po na ganito?
07:52Meron po ba kayong panawagan sa mga kinuukulan?
07:54Sana nga po mabigyan action nila yung mga greenies dito, yung mga kanal, tapos yung creek po.
08:05Sana naluluhan na po kayo, ah?
08:06Opo, kasi first time namin talaga back to zero kami, yung mga gamit namin, naglutangan, ah.
08:14Kaya, napakahirap po yung sitwasyon na.
08:19Alam nyo po, kahit papano, alam ko, napakahirap at hindi naman po sasapat itong aming binibigay, pero kahit papano po,
08:26sana makatulong din po itong relief na katid namin po sa inyo.
08:30Pati yung malinis po na tubig, medyo mabigat lang po ito, ate, ha?
08:34Ayan po, kaya po ba? Kaya?
08:36Alright.
08:36Ate, ingat po kayo, and of course, patuloy kaming magbabalita ng inyo pong mga kalagayan dito, no, para maparating po
08:43natin sa mga kinuukulan yung inyo pong kalagayan, ha?
08:45Thank you, po.
08:46Ingat po kayo, ha?
08:47Ayan po mga kapuso, ayan po si Ate Jocelyn, at sa punto pong ito, kausapin din po natin yung kanilang
08:53kagawad na si Kagawad Bunso Garcia, para bigyan lang tayo ng general situation, no?
09:02Kagawad, alay kayo po rito, good morning po sa inyo.
09:04Good morning po.
09:04Sige, ako na pong hahawak.
09:06Gano po karami yung mga families affected dito?
09:08Apparently, first time po pala kayo na abutin ng ganito kataas na baha?
09:14Yes po.
09:14Oo, kasi parang normally, parang naririnig natin, San Simon, laging binabaha po yan, pero yung inyong lugar, hindi talaga yan
09:19umaabot ng ganito kataas?
09:20Yes po, first time pong nangyari ito sa aming barangay.
09:23Ano po yung sinasabing dahilan? Meron po ba kayong nakuha from PDRRMO?
09:27Actually po, yung pong mga ilog dito ay umapaw po ma'am. Kaya po, kasi po, mababa po yung barangay
09:33namin, naging cast basin po ng tubig.
09:36Okay.
09:36At kaya matagal po, kasi wala po kaming maayos na daluyan ng tubig ngayon. Wala po kaming maayos na flood
09:44control. Kaya po, yan, yan po yung nangyayari sa amin.
09:47Gano'n na po karaming pamilyang affected ngayon sa buong barangay po ninyo?
09:52Almost 90%, ma'am. Baka hindi lang, baka 95 pa.
09:56So, may ginagawa po ba yung barangay? Yung lokal na pamahalaan? Tinutulungan po ba kayo para kahit pa paano maibsan
10:02yung hirap niyo po rito?
10:03Yes po. Sa awa ng Diyos po, yung barangay namin, barangay opisyal, ginamit po namin yung kalamitipan namin kahit pa
10:10paano po makatulong sa aming mga kabarangay na nangangailangan.
10:14So, nagbibigay po kayo ng ayuda o meron po bang financial assistance yan?
10:17Ayuda lang po, mga goods, mga bigas.
10:20Alright. Salamat po. Of course, sa nakikita nating sitwasyon, hindi naman po umuulan pero medyo talagang hindi po humuhu pa.
10:29So, meron po ba kayong panawagan sa national government na po?
10:34Sa national government po, sana po makita niyo po yung sitwasyon ng aming barangay.
10:39At maaksyonan po, number one po kasi yung barangay namin ngayon na nagiging cast basin.
10:44Sana po yung mga flood control namin ay maayos.
10:47Yun lang po yung nakikita kong dahilan. Maayos na flood control po, maayos na daluyan ng tubig upang hindi po
10:53umapaw yung aming mga ilog.
10:54Alright. Maraming maraming salamat po, Kagawad Bunso Garcia, sa inyong panahon at mag-iingat po kayo.
11:01At mga kapuso, mamaya kakausapin din po natin yung iba pang mga evacuees po rito, yung ilang pang mga residente.
11:06At magbibigay pa po tayo ng mga ayuda, konting relief goods po para sa kanila para kahit pa pano makatulong
11:13tayo sa kanilang sitwasyon.
11:14Balik po muna sa studio.
11:16Mga kapuso, pati po sa San Fernando, Pampanga, hindi pa rin po humuhupa ang baha.
11:21May ilang mga kotse na nga po ang nasira matapos malubog sa tubig.
11:25Kasama sa mga pinasok ng baha ang mga tindahan at paggawaan ng parol sa tinaguriang Christmas Capital of the Philippines.
11:33Sabi ng isang gumagawa ng parol, nasa 50,000 pesos na halaga ng panindaang nawala sa kanila.
11:39Ayon naman sa isang tindera, may mga parol siya na kinalawang at nawasak dahil sa ulan at baha.
11:46Gayunman, pilit nagsisikap ang mga tindera para maibango ng kanilang negosyo sa gitna ng krisis.
11:51Ang mga classic at special copies parol, ibinibenta sa halagang 1,800 pesos hanggang 14,000 pesos, depende sa laki
12:00at disenyo.
12:01Ang LED star sets, nasa 1,800 pesos.
12:05Ang poinsettia tail design na parol, 10,000 hanggang 12,000 pesos.
12:11Ang mas maliit na hugis, regalong parol, nasa 1,800 pesos.
12:15Mayroon din po mga hugis reindeer at angel na nasa 3,500 pesos.
12:23Muling nagbuga ng abo ang vulkan Kanlaon.
12:26Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang ash emission.
12:30Pasado alauna kaninang madaling araw, umabot hanggang 500 metro ang taas ng ash plume.
12:35May naitala rin 6 na volcanic earthquakes at nagbuga ng mahigit 800 toneladang asupre o sulfur dioxide ang vulkan.
12:43Na nanatili sa alert level 2 ang Kanlaon, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone
12:50ng vulkan.