Skip to playerSkip to main content
Aired (September 6, 2026): KUWEBA SA BOHOL, DINADAYO DAHIL KAPAG ITINAPAT MO RAW ANG ISANG BAGAY NA MAY APOY SA BUKANA NITO, KUSA ITONG NAMAMATAY?!

Sa dinami-rami ng kuweba sa Bohol, sa isang yungib nagliyab ang interes ng cave explorer at vlogger na si Menandro. Ang naturang kuweba raw kasi, napaka-misteryoso at tila ayaw raw tumanggap ng bisita?!

Nang tangkain kasi nila itong pasukin, kung anu-anong kakatwang pangyayari ang kanilang nasaksihan. Ang apoy na sinubukan nilang ilapit sa bukana ng kuweba, biglang namatay!

Pero ang may ari ng lupa, may babala. Ang paniniwala kasi niya, may ibang mga nakatira sa kuweba. Ano nga bang lihim ang nagkukubli sa kuwebang ito sa Bohol?

Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Sa Bohol, may misteryosong kuweba na kapag tinapatan daw ng apoy, bigla na lang itong namamatay.
00:13Sa dinami-rami ng mga kuweba sa Bohol, sa yungib na ito nagliyab ang interes ng cave explorer at vlogger
00:23na si Menandro.
00:26Napaka-misteryoso raw kasi para sa kanya ang kuwebang ito. Parang ayaw tumanggap ng bisita.
00:34Katunayan, nang tinangkaraw niya itong pasukin kamakailan, sa bungad pa lang nito, parang meron ng kakatuwang karanasan ang kanyang grupo.
00:43Ang aso namin, walang kuweba na hindi sumama yun.
00:46Matras siya. Umabot na sa time na parang hinihila ko na po talaga siya. Ayaw niya talaga, ma'am.
00:50Doon ko na na-experience yung walang hangin, yung dibdib mo, sumisikip. Iba yung pressure ba?
00:55Mararamdaman mo yung amoy lupa ang sinisingaw ng kuweba.
00:59At nang sinubukan daw ni Menandro na ilapit sa bukana ng kuweba, ang sinindihan niyang palapa ng nyog, ito ang
01:09kanilang navidyohan.
01:11Napakalakas na ka, boy!
01:14Pero pag nilapit ko na siya rito, unti-unti na siyang mamamatay.
01:20Ayan! Wala na!
01:24At nang inilayo naman ito sa kuweba, ang kanyang hawak na palapa, walang kung ano-ano muli itong nagliyab.
01:35Isang kamangamangang discovery. Mga kaidea yan.
01:39Pusibling nga delikado ang kuweba na yan. Doon ako nagkalala.
01:42Pero ang meari ng lupa kung saan na roon ang kuweba may babalak.
01:48Ang paniniwala kasi niya sa kuweba, may ibang mga nakatira.
01:54Mas hindi mo sugot ng taguayana, nagpuyo.
01:57Lamona nga, hindi natin magkapasok.
01:59Doon talaga ako mas kinilubutan sa sinabi ni Tatay Lolo.
02:02Nagkalangan din ako kasi kung anong meron doon sa kuweba.
02:04Napakalakas na ka, boy!
02:06Ano nga bang lihim ang nagkukugli sa kuwebang ito sa buhol?
02:16Si Menandro, isa raw talagang visual artist.
02:20Hindi ako gumagawa ng mga hiyas o sisirain ko ito.
02:23Kasama sa aking mga medium, yung ating mga precious stone dito sa Pilipinas,
02:27meron akong mga proper training din pagdating sa mga bagay kung anong meron sa loob ng isang kuweba.
02:33Manghang-mangharin daw kasi talaga siya sa mga bato.
02:36Kaya ito rin ang nangingganyo sa kanya na mag-vlog at mag-explore sa mga kuweba sa Pilipinas.
02:44Kulay puti.
02:45Ang mga crabs na iyan ay tinatawag na troglobite.
02:50Sa pagpasok sa kuweba, napaka-importante ng experience.
02:55Bukod doon, educational adventure exploration.
02:58Kaya tinuloy-tuloy ko ito talaga.
02:59More than hundreds of caves ang aking napasok.
03:01Mga 20 caves dito sa buhol.
03:03At sa kanyang ang pinakahuling vlog, sinadya ni Menandro na huwag banggitin ang eksaktong lokasyon ng kuweba na kanyang pinuntahan.
03:14Binalaan din niya ang kanyang followers kung gaano rito kadelikado.
03:19Kasi kapag magtagal ka talaga doon, hindi mo mamalayan talagang magkukulaps ka na lang biglag.
03:25Pero kung ang may-ari ng lupa kung saan matatagpuan ang kuweba na si Tatay Loloy ang tatanungin,
03:32ang kuweba sa diyaraw mahiwaga dahil di umano sa mga nakatira rito.
03:38Panahon sa nakumbulan, unay magawa sila. Magawa sila magpakita o gusto magpakita sa imuha.
03:45Katunayan, minsan pangaraw na meron nang nagpakita sa kanya.
03:52Panahon na ito nga, 1981, may nakita ko nga matangkad, kapre.
03:58Daga mo kayo yung handlo ko.
04:00Taas ang buhok, maputi ang sinina, yung lumakab, yung pahingon sa kuweba.
04:06Handlo ko, kaya hindi good. Sama na ito nga tao.
04:10Kaya hindi rin daw totoo na hindi napapasok ang kuweba.
04:14Dati raw kasi, labas-masok siya roon.
04:17Ang importante raw, magpaalam muna sa mga di umano bantay ng kuweba.
04:23Ako, katong kababataan ako, nang sulod lang ito sa kuweba, wala na nang head.
04:31Muto'y nahitabo, nagpasa-pasa ang iyahang lawas.
04:35Mananambal ang pato akong lolo, tambalan siya.
04:37Balik nito, pangayaw o pasaylo.
04:41Ang mga pinaniniwalaan ni Tatay Loloy na elemento sa kuweba,
04:46hindi raw kinatatakutan ang mga residente noon.
04:49Katunayan, sa tuwing meron daw okasyon,
04:52ang pamilya ng ngayoy 88 anyos na si Lolo Hill,
04:56dumadayo raw doon sa kuweba para manghiram sa mga elemento ng kubyertos.
05:02Mga pinggan doon, bako sa lang mga baso.
05:05Ano ano, hiram ka ng umaga.
05:07Pagbalik, mayroon na, kalagay na doon.
05:09Walang nakitit na tao.
05:11Sa katagala na, meron nang nyari na humihiram sila ng mga plato.
05:15At saka kulangan ng isa, nakukulang lang ng isa,
05:18dahil nabiak.
05:19Mula noon, hindi na, hindi niya nagpahiram.
05:21Pero sa paglipas ng mga panahon, parang nabaon na raw sa limot ang kuweba.
05:27Hindi na rin daw magawa ni Tatay Loloy na silipin ang loob nito.
05:32Hanggang napanood niya ang mga vlog ni Menandro.
05:36Napakalakas ang aboy!
05:39Pero pag nilapit ko na siya rito,
05:42unti-unti na siyang mamamatay.
05:45Ayan, wala na!
05:47Pero ano nga bang meron sa loob ng kuweba?
05:50Hindi magiging madali.
05:52Mainit ang singaw nito.
05:53Sa bukana pa lang, eh hindi ka napapayagan talagang pumasok dito.
05:57Napakalakas ang aboy!
05:58At bakit namamatay ang aboy sa bukana nito?
06:03Ayan, wala na!
06:04Hindi pa ako nakakarating mga kaidi, ah!
06:08Nitong Webes, pinuntahan ng Cave Assessment Team ng SENRO
06:12o ng Community Environment and Natural Resources Office ang kuweba.
06:17Kasama muli si Menandro.
06:19Sinubukan ulit nilang magsindi ng apoy malapit sa bukana.
06:23Dito pa lang, sa area nito, mapipil mo na na yung hangin iba na.
06:28Mamamatay rin kaya ito?
06:29Gaya sa naunang nakunan ni Menandro.
06:33Ang mga lihim ng kuweba.
06:37Huling papalik kang malakas na apoy!
06:39Bibigyang liwanag na natin sa aming pagbabalik.
06:44Isang kamangamangang discovery!
06:49Parang apoy na kumalat ang balita na ang isang kuweba sa buhol,
06:55nababalot daw ng misteryo.
06:57Nang tangkain kasi itong pasukin ng cave explorer at vlogger na si Menandro
07:03kung ano-anong kakatuwang pangyayari ang kanilang nasaksihan.
07:08Basis sa aking experience, ito na, ang pinakakaibang kuweba sa lahat.
07:12Kapag magtagal ka talaga doon, hindi mo mamalayan talagang magkukulaps ka nalang biglada.
07:17At nang sinubukan daw niyang ilapit sa bukana ng kuweba,
07:21ang sinindihan niyang palapa ng nyog.
07:24Napakalakas na nga, boy!
07:27Pero pag nilapit ko na siya rito,
07:30unti-unti na siyang mamamatay.
07:33Ayan, wala na!
07:34At nang inilayo naman ito sa kuweba,
07:37ang kanyang hawak na palapa ng nyog,
07:40walang kung ano-anong muli itong nagliyab.
07:44Isang kamangamangang discovery!
07:46Paniniwala ni Menandro,
07:48posibling ito raw ang kauna-unahang kuweba sa buong Pilipinas
07:53na walang oxygen o yung tinatawag na anoxic cave.
07:58Basis sa aking lalaman,
08:00dito sa Pilipinas, wala akong narinig ng ganong klaseng kuweba.
08:03Pero sa ibang bansa, meron.
08:05Yun nga lang,
08:06ang pag-explore nito ay hindi magiging madali.
08:08Pero para sa me-ari ng lupa,
08:11kung saan naroon ang kuweba na si Tatay Loloy
08:14ang nasa likod ng mga kakatuwang insidenteng ito,
08:17sa paniniwala niya,
08:19mga diumanong elemento na nakatira sa loob ng kuweba.
08:24Panahon na ito nga, 1981,
08:27may nakita ko nga,
08:29matangkad, kapre.
08:32Para bigyang linaw ang misteryo na bumabalot sa kuweba,
08:36sinuri ito ng mga eksperto mula sa Senro.
08:41Kung titignan natin yung pwesto ng kuweba,
08:43talagang mahina yung ventilation.
08:45Gawa pang mayroon tayong maraming puno dito sa paligid ng kuweba.
08:50Ang grupo sunod na nagsinde ng tuyong palapa ng nyog,
08:56ang apoy nang inilapit sa bukana,
09:00namatay rin.
09:08At nang inilayo ang palapa,
09:12ang apoy muling nabuhay.
09:19Ang oxygen ay kinakailangan para ma-maintain ang apoy.
09:22Posible po na mahipagbabago sa komposisyon ng hangin habang papalapit sa cave.
09:27Maaring mas mababa ang oxygen o may ibang gases na present sa area.
09:32Kinakailangan po natin ang proper instrument para ma-determine at ma-analyze ang gas content ng kuweba.
09:40Wala sila roong nakitang mga elemento.
09:44Pero ang aming team,
09:45may namataan na mga buto ng hayop.
09:48Maraming natural possibilities po.
09:50Maaring pumasok ang hayop o namatay dahil sa natural causes.
09:54Kapag sisilipin naman ang kuweba,
09:57makikita na ang flooring nito na puno ng putik.
10:01Ang pinaka-importanting advice namin,
10:03ay huwag muna pong pumasok sa cave hanggat hindi ito properly na-assess ng qualified personnel.
10:10At lalo ilayo muna mga taong walang training sa cave exploration.
10:14Itinuturing ko pa rin itong achievements
10:15sapagkat ang ganitong klase na phenomenon ay pambihira.
10:19Baka mayroon pang mas malalim na dahilan na maaaring makatulong sa ating pag-unlad.
10:24May mga kuwebang hindi basta-basta dapat pasukin
10:29ng walang sapat na kaalaman at pag-iingat.
10:33At sa kuwebang ito sa buhol.
10:36Ayan, wala na!
10:38Namamatay man ang apoy sa bungad.
10:41Lalo namang nagliliyab ang mga tanong.
10:44Isang kamangamahang discovery!
10:46Pero hanggat hindi patapos ang pagsusuri ng mga eksperto,
10:51ang nasa kailaliman nito mananatiling buhay na misteryo.
11:02Thank you for watching mga kapuso!
11:05Kung nagustuhan niyo po ang video ito,
11:07subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
11:11And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
11:16We'll be right back!
11:16Music Trat
Comments

Recommended