Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Senator Robin Padilla on Monday, Sept. 7, argued that the same immunity from suit that protects the President while in office should also apply to Vice President Sara Duterte, as he stressed that both are impeachable officers with constitutional duties.

READ MORE: https://mb.com.ph/2026/09/07/dapat-din-ilapat-presidential-immunity-should-also-apply-to-vp-duterte-padilla-says

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ako po ay binalot ng mga karimari-marim na balita nitong nakaraang araw.
00:12Ang isang sitting vice president po ay isang impeachable officer.
00:19Ito po ay tahasang nakalagay sa 1987 Constitution, Article 11, Section 2.
00:28Ginoong Pangulo, di ba po ang impeachment ay mekanismong itinakda ng Constitution upang panagutin sa politika
00:39ang isang impeachable officer o ang vice president at alisin siya sa tungkulin dahil sa mga impeachable offenses.
00:49Ako po ay bago dito sa Senado.
00:53Marami lang po akong napanood sa TV na meron pong mga ini-impeach dito,
00:59katulad po kay Pangulong Joseph Estrada, kay Chief Justice Corona, at sa iba po po.
01:08Sa kasong po ng Ombudsman v. Court of Appeals,
01:14malinaw na sinabi ng Korte Suprema na ang pagbabawal sa pagsasampa ng kasong kriminal
01:20laban sa isang impeachable officer para sa parehong mga paglabag na maaring maging batayan ng impeachment
01:28ay umiiral habang siya ay nananatili po sa kanyang posisyon.
01:33Sa makatwid, maaari lamang umusad ang kasong kriminal laban sa vice presidente
01:39pagkatapos lang ng kanyang termino.
01:42Ginuong Pangulo, ang minurya ay nagtatanong.
01:46Ano po ba ang posisyon ng Senado dito?
01:50Malinaw naman po na kapag umalis na sa tungkulin ng opisyal,
01:56nawawala ang proteksyong ito.
01:59Maaring ituloy ang kasong kriminal kahit hindi kailanman nahatulan ang opisyal sa isang impeachment trial.
02:06Partikular na matibay na batayan para sa prinsipyong ito,
02:09ang Estrada v. Desierto.
02:12Walang tahasang probisyon po sa 1987 Constitution na nagsasabing
02:17ang vice president ay immune from suit.
02:21Gayunman, wala rin itong probisyong nagsasabi na hindi sa saklaw ng immunity.
02:26Ang konsepto at layunin ng immunity from suit ay ang protektahan
02:32ang isang impeachable officer laban sa harassment,
02:35distraction at mga kasong maaaring makahadlang sa kanyang opisyal na tungkulin
02:40na muling pinagtitibay ng Korte Suprema sa kaso ni David v. Macapagal-Uroyo.
02:47Kung ang ganitong prinsipyo ay naaangkup sa Pangulo,
02:51dapat din itong ilapat sa vice presidente.
02:54Ang vice presidente ay isang impeachable officer.
02:58May sariling mga opisyal na tungkulin at siya rin ang pangunahing hahalili sa Pangulo.
03:04Kaya makatwirang sabihin na ang parehong dahilan para sa presidential immunity
03:09ay dapat din umiral para sa vice president habang siya ay nasa pwesto.
03:14Sa kaso po mismo ng Duterte v. House of Representatives,
03:20narecognized ng Korte na ang impeachable officer ay nagtatamasa ng certain level of immunity
03:26upang maprotektahan sila laban sa malicious at bothersome suits.
03:32Impeachable officers enjoy a certain degree of immunity while in office
03:39by limiting the grounds for impeachment under Article 11 of the Constitution.
03:45The intent is to shield such impeachable officers from malicious or bothersome suits
03:51that could disrupt the performance of their constitutional duties.
03:55Panginoon, ano ba naman po itong nangyayaring ito sa atin?
04:00Ginoong Pangulo, kailangan po nating malinawan ito
04:04dahil nahahati po ang ating mga kababayan sa nangyayaring ito.
04:08Hindi po ito nakakatulong sa atin.
04:12At inihingi ko po ang posisyon ng Senado sa usapin ito
04:18sapagkat kami po mismo sa minoria ay naguguluhan.
04:23Ito po ay nakasalalay sa inyo, Ginoong Pangulo, sa ating lahat
04:28dahil malinaw po na habang nasa pwesto ang isang impeachable officer
04:34meron tayong konstitusyon na dapat sundin.
04:36May dahilan kung bakit may impeachment.
04:39Hindi natin pwedeng lampasan ang prosesong ito
04:42dahil lamang mas madali o mas convenient ang ibang paraan.
04:46Yun lamang po. Maraming salamat po, Ginoong Pangulo.
04:51Yun lamang po. Maraming salamat po.

Recommended