00:00Mga kapuso, hindi ulan ang nagpabaha hanggang dibdib sa isang subdivision sa Bacoorcavite,
00:06kundi sumabog na tubo ng Maynilat.
00:09May mga sasakyam pang nagpatong-patong dahil diyan.
00:13Ang sitwasyon doon, alamin sa live na pagkutok ni Jarlene Kahn.
00:16Jarlene!
00:20Emil, patuloy pa rin yung clearing operations dito sa isang subdivision sa Bacoorcavite.
00:25Gumuho nga kasi yung isang bahagi ng pader dito dahil sa matinding ragasan ng tubig na idinulot ng nasirang tubo
00:31ng Maynilat.
00:32Labis na naapektuhan yung mga residente rito.
00:40Malailog na ang agos ng tubig sa isang subdivision sa Bacoorcavite kaninang madaling araw.
00:45Ang tubig mula sa sumabog na tubo ng Maynilat.
00:51Sa loob ng isang bahay, hanggang dibdib na ang level ng tubig.
00:56Pinagtulungan pa nilang hawakan ng pinto para matigilan ang patuloy na pagpasok ng tubig.
01:22Pinabagsak ng matinding water pressure ang pader ng subdivision.
01:26Nag-iyak ka na kami.
01:28Iyan mo, hanggang ngayon basa pa ako.
01:31Wala kami na isalban damit.
01:32Eh syempre natakot kami.
01:34Baka naman umabot sa taas.
01:35Nang tumigil ang ragasan ng tubig, ito na ang tumambad.
01:39Nabasa at nawasak ang mga gamit at appliances ng pamilya ni Estrella.
01:43Paglabas ng bahay, nakitang pumatong ang isang kotse sa kanilang sasakyan.
01:47Natangay ng matinding ragasan ng tubig ang mga sasakyan kaya nagkapatong na at tumama pa sa poste.
01:52So naiintindihan ko na ngayon kung ano yung nararanasan ng mga ano.
01:58Yung naabutan ng baha, ganun pala, kabilis lang ang buhay.
02:05Realization is siya lang talagang tatakboh natin yung nasa itaas.
02:13Um, mahirap.
02:14Mahirap pero sabi ko nga, praise God, ligtas kami.
02:19Nagkumahog ang pamilya ni Joel para maisalba kung ano ang pwede nilang isalba
02:23sa mabilis na tumataas na tubig sa loob ng kanilang bahay.
02:26Pero ito na ang hindi nila naisalba,
02:29ang sasakyan ni Joel na nalubog sa putik at baha.
02:32Sana makahingi kami ng tulong para sa mapalitan yung mga unit namin,
02:37pati yung mga appliances na ginagamit.
02:40Pananagutan din ang panawagan ng mga apektadong residente.
02:44Sana makatulong sa amin yung may accountability, yung liable sila, what happened.
02:53Sa ngayon po nagpapatuloy pa rin yung clearing operations dito sa isang bahagi ng St. Jude Homes.
02:57Bukod dito sa mga nasira at naputikang gamit ng mga residente,
03:01ang inaalis ngayon ng mga tauhan ng Maynilad ay itong mga debris.
03:05Ito po yung nagkapirapirasong bahagi ng pader na gumuho.
03:08Dati ganito po yung itsura niya, pero dahil doon sa sumabog na tubo ay naging ganito na po.
03:15Yan ngayon yung inaalis sa mga tauhan ng Maynilad.
03:18Sa isang pahayag, sinabi ng Maynilad na nagkaroon ng hindi inaasahang pagragasa ng tubig
03:23habang nilalatag ang mga bagong tubo para sa isang ongoing pipeline project.
03:29Iniimbisigahan pa raw nila ang lugar at hindi pa masabi kung bakit biglang rumagasa ang tubig.
03:33Agad naman daw rumispondi sa lugar ang mga tauhan ng Maynilad.
03:36Nagbahay-bahay daw ang kanilang team para tumulong sa paglilinis at pagtatala ng mga naapekto ang ari-arian.
03:42Patuloy daw silang nakikibagunayan sa mga residente, homeowners associations at sa lokal na pamahalaan.
03:48Hindi naman daw apektado ang supply ng tubig sa lugar.
03:56Emil, patuloy daw yung ginagawang assessment ng pamunuan ng Maynilad
03:59para matukoy kung ilan yung kabuang bilang ng mga apektadong residente
04:02at kung magkano yung naging kabuang halaga ng pinsala.
04:06Nangangako raw sila na tutulungan yung mga naapekto ang residente
04:09at bibigyan ng karampatang danios.
04:11At yan, yung patuloy nating babantayan.
04:13Yan ang latest mula rito sa Baco or Cavite.
04:16Balik sa'yo, Emil.
04:17Maraming salamat, Darlene Cai.
04:22Maraming salamat.