Dahil sa mabagal na paglago ng ekonomiya na sinabayan
pa ng masamang panahon kaya raw tumaas ang antas ng mga walang trabaho o pinagkakakitaang negosyo nitong Hulyo. Pumalo 'yan sa anim na porsyento na huling naitala noong panahong may pandemya. 


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa mabagal na paglago na ekonomiya na sinabayan pa ng masamang panahon,
00:04kaya raw tubaas ang antas na mga walang trabaho o pinagkakakitaan ng negosyo nitong Julio.
00:11Pumalo po yan sa 60% na huling naitala noong panahon may pandemia.
00:16Saksi si Bernada Treas.
00:21Dahil sa sunod-sunod na mga pagulan, natigil muna sa pamamasada ang pedicab driver na si Leopoldo.
00:27Wala tuloy siyang pambayad renta kaya sa pedicab na lang natutulog.
00:32Hirapan po kami mamamasada po kasi gawa nung ulan po, may kasamang hangin.
00:38Dito po ma'am, nagpapahinga muna muna sa sidecar tapos para hindi talaga po mabasa muna.
00:44Kasi para iwas po sa sakit po ma'am, obo, sipon, lagnat, rangkaso po.
00:52Kabina ang mga pedicab driver sa inihalimbawa ng Philippine Statistics Authority
00:56na nabawasan ang trabaho o pinagkakakita ang negosyo nitong Julio.
01:01Nabawasan din ang mga nagtatrabahong construction worker nitong maulang Julio.
01:05Ayon sa Philippine Statistics Authority,
01:08kabilang sa mga industriyang nabawasan ang mga nagnenegosyo o may trabaho sa nakalimpas na tatlong buwan
01:14ay ang mga supermarkets, groceries at sari-sari store kagaya nito.
01:18Lalo na pumasok yung ulan, syempre hindi na priority kumain o kumain sa labas.
01:24So ang priority nila, magtipid at sa loob lang bahay, magboks ng delata,
01:30laging baha, magamadelikado pa ang buhay ng mga tao kaya nasolob lang ang bahay.
01:35Katunayan ang antas ng walang trabaho o pinagkakitaan o unemployment rate nitong Julio
01:41pumalo sa 6% ng labor force, mas mataas sa walang trabaho noong kunyo.
01:47Kuling pumalo sa ganyang kalala ang kawalan ng trabaho noon pang June 2022 kung kailan merong pandemia.
01:54Medyo matagal na natin itong hindi nakita.
01:57The last time na nagkaroon tayo ng 6% was recorded in June 2022, May and June 2022.
02:10Kung saan yung ating unemployment rates during the time ay parehong 6%.
02:17Pinakamalalayan sa Metro Manila kung saan 8.2% ang unemployment rate.
02:23Paliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA, sumabay kasi sa tindi ng sama ng panahon
02:29ang pagdami naman ng mga aktibong naghahanap ng trabaho kasunod ng graduation season.
02:34Karamihan dito ay 15 to 24 kasi I suppose yung nagka-transition mula schooling to work.
02:43Ang nag-join sa labor market nitong July 2026 mula sa 15 to 24 ay 1.33 million.
02:54So ang total 3.71.
02:56Merong pa mga tulad ni Jessa May na kahit may trabaho na bilang Certified Public Accountant,
03:02naghahanap din ng bagong trabaho.
03:04Masyado mahirap po yung competition between other candidates.
03:09Konti lang po yung available jobs.
03:11Sabi ng PSA, konektado rin ito sa mas mabagal na paglagunang ekonomiya ng bansa.
03:17Ibig sabihin, konti ang panggastos ng mga tao.
03:20Kaya ang mga negosyo, hindi kailangan ng maraming tauhan para lumikha ng mga produkto at serbisyo.
03:25Pag nag-expand yung kumpanya, nag-hire siya ng mga workers.
03:31Pero kung hindi naman mataas yung mabilis yung kanyang expansion o nag-hold back,
03:37nagkakaroon tayo ng problema sa labor market.
03:41Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DepDev,
03:44ngayong mas marami ang gustong magtrabaho, mas kailangan ng mga mamumukunan.
03:49Kaya mahalag raw na padaliin ang pagnenegosyo sa bansa.
03:52Pinagbubuti naman umano ng Department of Labor and Employment
03:56ang pag-uugnay ng mga naghahanap ng trabaho sa mga nangangailangang employer.
04:01Ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.

Recommended