00:00Bukas na maglalabas ng pasya kung saan dadalhin o ipipiit si dating House Speaker Martin Robbaldez na kinasuhan ng plunder
00:06dahil po sa Flood Control Project Kickbacks.
00:09Pinapatawag ng korte ang apat na doktor ni Robbaldez, pero ang ombudsman gusto na government doctors ang sumuri sa mababatas
00:17kung kailangan ba talagang maospital.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:25Mula sa Cardinal Santos Medical Center kung saan siya nakakonfine, gusto ng Philippine National Police o PNP na mailipat si
00:32dating House Speaker Martin Robbaldez sa PNP General Hospital.
00:36Naglabas pa nga ang PNP ng litrato nang magiging kwarto ni Robbaldez sa kanilang ospital na may isang hospital bed,
00:43aircon at sariling CR. Rehas ang nagsisilbi nitong pintuan.
00:48Bago pa maihayin ang musyon para dyan sa Sandigan Bayan ay inisyohan na ng 3rd Division ng Subpina ang apat
00:56na doktor ni Robbaldez sa Cardinal Santos Medical Center.
00:59Yan ay para dumalo sila at matanong under oath sa pagdinigbukas para matukoy ng graft court kung saan ikukulong si
01:06Robbaldez.
01:07Sila rin ang mga doktor na ayon sa report ng Sandigan Bayan Sheriff ay nagsabing delikadong ibiyahe ang kongresista dahil
01:14sa kanyang iniindang medical condition.
01:16Pinahaharap rin si Robbaldez bukas kung kayanin ang kanyang kondisyon.
01:20Nauna nang naghahein ang motion for hospital confinement ang mga abogado ni Robbaldez na nagsasaad na kailangan ng dating speaker
01:28ng continuous monitoring dahil sa kanyang kalusugan.
01:31Ayon naman kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hihingin nilang isang team ng government doctor ang mag-a-assess kay Robbaldez
01:39para tingnan kung kailangan ba talaga nito ng hospital confinement.
01:43Dahil kung hindi naman, hihingin daw ng prosekusyon na mailipat agad si Robbaldez sa regular na kulungan.
01:49Kaya imbitado rin sa hearing bukas ang warden at doktor ng DJMP Men's Dormitory na maaaring matanong tungkol sa kanilang
01:57kakayahang magbantay ng kalusugan ng isang person deprived of liberty o PDL.
02:03Makipulido, nakatuto, 24 oras.