00:00Napantayan itong Julio ang antas ng mga walang trabaho o yung unemployment rate na naitala noong June 2022.
00:07Kung kailan mayroong pandemia, 6% yan o mahigit 3 milyong Pilipinong walang trabaho.
00:14Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19Dahil sa sunod-sunod na mga pag-ula, natigil muna sa pamamasada ang pedicab driver na si Leopoldo.
00:25Wala tuloy siyang pambayad renta kaya sa pedicab na lang natutulog.
00:30Hirapan po kami mamamasada po kasi gawa ng ulan po, may kasamang hangin.
00:36Dito po ma'am, nagpapahinga muna maman sa sidecar tapos para hindi talaga po mabasa muna.
00:41Kasi para iwas po sa sakit po ma'am. Ovo, sip on, lagnat, rangkaso po.
00:50Kabina ang mga pedicab drivers sa inihalimbawa ng Philippine Statistics Authority na nabawasan ang trabaho o pinagkakakita ang negosyo nitong
00:58Julio.
00:59Nabawasan din ang mga nagtatrabahong construction worker nitong maulang Julio.
01:03Ayon sa Philippine Statistics Authority, kabilang sa mga industriyang nabawasan ang mga nagnilegosyo o may trabaho sa nakalipas na tatlong
01:11buwan ay ang mga supermarkets, groceries at sari-sari store kagaya nito.
01:16Lalo na pumasok yung ulan, syempre hindi na priority kumain o kumain sa labas. So ang priority nila, magtipid at
01:25sa loob lang ang bahay, magboks ng delata, laging baha.
01:29Magka mga delikado pa ang buhay ng mga tao, kaya sa loob lang ang bahay.
01:33Katunayan ang antas ng walang trabaho o pinagkakitaan o unemployment rate nitong Julio pumalo sa 6% ng labor force,
01:42mas mataas sa walang trabaho noong Junio.
01:45Huling pumalo sa ganyang kalala ang kawalan ng trabaho noon pang June 2022 kung kailan merong pandemia.
01:52Medyo matagal na natin itong hindi nakita. The last time na nagkaroon tayo ng 6% was recorded in June
02:042022, May and June 2022, kung saan yung ating unemployment rates during the time ay parehong 6%.
02:15Pinakamalalayan sa Metro Manila kung saan 8.2% ang unemployment rate.
02:21Paliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA, sumabay kasi sa tindi ng sama ng panahon ang pagdami naman ng mga
02:28aktibong naghahanap ng trabaho kasunod ng graduation season.
02:32Karamihan dito ay 15 to 24 kasi I suppose yung nagta-transition mula schooling to work.
02:41Ang nag-join sa labor market nitong July 2026 mula sa 15 to 24 ay 1.33 million. So ang
02:53total 3.71.
02:55Meron pa mga tulad ni Jessamay na kahit may trabaho na bilang certified public accountant, naghahanap din ng bagong trabaho.
03:02Masyado mahirap po yung competition between other candidates. Konti lang po yung available jobs.
03:09Sabi ng PSA, konektado rin ito sa mas mabagal na paglagunang ekonomiya ng bansa.
03:15Ibig sabihin, konti ang panggastos ng mga tao. Kaya ang mga negosyo, hindi kailangan ng maraming tauhan para lumikha ng
03:22mga produkto at serbisyo.
03:24Pag nag-expand yung kumpanya, nag-hire siya ng mga workers. Pero kung hindi naman mataas yung, mabilis yung kanyang
03:33expansion o nag-hold back,
03:35nagkakaroon tayo ng problema sa labor market.
03:39Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DepDev, ngayong mas marami ang gustong magtrabaho,
03:45mas kailangan ng mga mamumuhunan. Kaya mahalag raw na padaliin ang pagnenegosyo sa bansa.
03:51Pinagbubuti naman umano ng Department of Labor and Employment ang pag-uugnay ng mga naghahanap ng trabaho sa mga nangangailangang
03:58employer.
03:59Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.