24 Oras: (Part 2) Pandemic levels na July unemployment rate; Lagay ng panahon dahil sa habagat; 1st guest sa GGV, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nalubog sa bahang ilang kalsada sa Metro Manila, kasunod ng malakas na buhos ng ulan kaninang umaga.
00:08Binahang ilang bahagi ng Maynila gaya sa Blooming Treat at Espanya Boulevard.
00:13Sa Quezon City, nag-mistulang ilog din ang kalsada sa Caliraya Street at N.S. Amoranto.
00:20Dahil sa masamang panahon na mga pagbahang naranasan,
00:23sinuspindi ang face-to-face classes kanina sa lahat ng antas sa public at private schools sa Maynila at Quezon
00:31City.
00:32Nag-cancel rin ang klasa ang iba pang lungsod.
00:35Ayon sa pag-asa, habagat pa rin ang nagpapaulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
00:43Balikulungan ang dalawang lalaking nagnakaw-umanon ng e-trike sa Maynila.
00:48Nabawi rin ang e-trike na ibinenta online.
00:51Nakatutok si Jomera Presto.
00:57Sa pool sa CCTV ang pagtakbon ng dalawang lalaki habang hinahabol ng ilang undercover na police
01:02sa bahagi ng Kapulong sa Tondo, Maynila kahapon na madaling araw.
01:06Makalipas ang tatlong minutong habulan,
01:08nahuli rin ang otoridad ng dalawang lalaki na mga carnapper daw pala.
01:12Suspect daw sila sa pagtangay sa isang e-trike na nakaparada
01:15sa bahagi ng barangay 720 sa Malate madaling araw nitong September 6.
01:20Ayon sa 32-anyos na biktima, linggo ng gabi nang malaman niya na nawawala na sa paradahan ng kanilang e
01:26-trike.
01:27Magpapacheck up daw kasi sana sila ng kanyang kinakasama na dalawang buwang buntis.
01:31Yung parking attendant po na nandun, tinanong ko po kung nasaan.
01:35Sabi niya, akala niya po is kinuha ko po para i-charge.
01:39Nandun ko po na pagtanto na nawawala na.
01:42Bago lang po yun, one month pa lang.
01:44May saksiraw na nakakita na itinulak palabas ng mga sospek ang e-trike at na makalayo,
01:49dito na hinatak gamit ang isang tuktok.
01:51Ayon sa Malate Police Station, pagkatanggap ng sumbong,
01:54agad sila nagkasan ang fall-off operation.
01:56Natuntun sa bahagi ng tondo ang getaway vehicle at ang dalawang sospek makalipas sa mahigit limang oras.
02:01Pero wala sa kanila ang e-trike.
02:03Natuntun naman ito sa bahagi ng baragay 108 sa tondo kagabi at naibenta na sa halagang 14,000 pesos.
02:10Sa modus nila, binibenta through online, lalo na yung mga battery.
02:13Mabilisan lang, fast break yung term nila.
02:15Mabilis kasi ibenta yung battery.
02:17Ibig sabihin, nagkakahalagan ng mga 10,000.
02:20Yung body niya naman, pwede mo lang itong tsatsap-tsabihin.
02:23I-pinagpasalamat naman ang biktima na nabawi pa niya ng buo ang kanilang e-trike
02:26dahil ito raw ang service papasok sa eskwelahan ng kanilang dalawang anak.
02:30Base naman sa embesigasyon ng polisya,
02:32napagalaman na dati na rin nakulong ang mga sospek sa kaparehong kaso.
02:36Aminado naman ng mga naarestong sospek sa kanilang ginawa.
02:39Inamin din nila na mayroon pa silang dalawang kasabwat na hindi pa naaaresto sa ngayon.
02:43Bago lang po sa grupo nila, bigan lang po ang 500.
02:47Saan mo mapatawad niyo po kami?
02:49Patuloy ang embesigasyon ng otoridad sa sinasabing kasabwat pa ng mga sospek.
02:53Inaalam din nila kung karnap din ba ang getaway vehicle na ginamit sa krimen.
02:56Baharap ang mga sospek sa paglabag sa R810883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.
03:02Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
03:05Pinaimbestigan na ng Bacoor City Hall ang pagsabog ng isang tubo ng Maynilad
03:12na nagdulot ng hanggang dibdib na baha sa isang subdivision doon.
03:16Inatasan ni Bacoor City Mayor Strike Revillea ang City Engineering Office para ikasa ang embesigasyon.
03:23Sakaling mapatunay ang nagpabaya, maaari raw bawian ang permit at pagbayarin ng danyos ang Maynilad.
03:30Sa ngayon ay nilinis na ang pinsala ng pagsabog ng tubo,
03:34kabilang ang pinaguho nitong bako dati iniwan nitong kalat at putik sa mga bahay.
03:41Inaayos na rin ang mga baradong daluyan ng tubig.
03:44Ipinaghanda rin ang pagkain at maiinom na tubig ang mga apektadong pamilya.
03:50Napantayan nitong Hulyo ang antas ng mga walang trabaho o yung unemployment rate na naitala noong June 2022.
03:56Kung kailan mayroong pandemya, 6% yan o mahigit 3 milyong Pilipinong walang trabaho.
04:03Nakatutok si Bernadette Reyes.
04:08Dahil sa sunod-sunod na mga pagulan, natigil muna sa pamamasada ang pedicab driver na si Leopoldo.
04:15Wala tuloy siyang pambayad renta kaya sa pedicab na lang natutulog.
04:19Hirapan po kami mamamasada po kasi gawa nung ulan po, may kasamang hangin.
04:26Dito po ma'am, nagpapahinga muna maman sa sidecar tapos para hindi talaga po mabasa muna.
04:31Kasi para iwas po sa sakit po ma'am.
04:35Ovo, sip on, lagnat, rangkaso po.
04:39Kabina ang mga pedicab drivers sa inihalimbawa ng Philippine Statistics Authority
04:44na nabawasan ang trabaho o pinagkakita ang negosyo nitong Hulyo.
04:49Nabawasan din ang mga nagtatrabahong construction worker nitong maulang Hulyo.
04:53Ayon sa Philippine Statistics Authority,
04:56kabilang sa mga industriyang nabawasan ang mga nagninegosyo o may trabaho sa nakalipas na tatlong buwan
05:01ay ang mga supermarkets, groceries at sari-sari store kagaya nito.
05:06Lalo na pumasok yung ulan, syempre hindi na priority kumain o kumain sa labas.
05:12So ang priority nila, magtipid at sa loob ng bahay, magboks ng delata at laging baha.
05:19Magang mga delikado pa ang buhay ng mga tao, kaya sa loob lang ang bahay.
05:23Katunayan ang antas ng walang trabaho o pinagkakitaan o unemployment rate nitong Hulyo
05:29pumalo sa 6% ng labor force, mas mataas sa walang trabaho noong Hunyo.
05:35Kuling pumalo sa ganyang kalala ang kawalan ng trabaho noon pang June 2022,
05:40kung kailan merong pandemia.
05:42Medyo matagal na natin itong hindi nakita.
05:45The last time na nagkaroon tayo ng 6% was recorded in June 2022,
05:56May and June 2022, kung saan yung ating unemployment rates during the time ay parehong 6%.
06:05Pinakamalalayan sa Metro Manila kung saan 8.2% ang unemployment rate.
06:11Paliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA,
06:14sumabay kasi sa tindi ng sama ng panahon ang pagdami naman ng mga aktibong
06:19naghahanap ng trabaho kasunod ng graduation season.
06:22Karamihan dito ay 15 to 24 kasi I suppose yung nagtatransition mula schooling to work.
06:31Ang nagjoin sa labor market nitong July 2026 mula sa 15 to 24 ay 1.33 million.
06:41So ang total 3.71.
06:44Merong pa mga tulad ni Jessamay na kahit may trabaho na bilang certified public accountant,
06:50naghahanap din ng bagong trabaho.
06:52Masyado mahirap po yung competition between other candidates.
06:56Konti lang po yung available jobs.
06:59Sabi ng PSA, konektado rin ito sa mas mabagal na paglagunang ekonomiya ng bansa.
07:05Ibig sabihin, konti ang panggastos ng mga tao.
07:08Kaya ang mga negosyo, hindi kailangan ng maraming tauhan para lumikha ng mga produkto at serbisyo.
07:13Pag nag-expand yung kumpanya, nag-hire siya ng mga workers.
07:18Pero kung hindi naman mataas yung mabilis yung kanyang expansion o nag-hold back,
07:25nagkakaroon tayo ng problema sa labor market.
07:28Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DepDev,
07:32ngayong mas marami ang gustong magtrabaho, mas kailangan ng mga mamumuhunan.
07:37Kaya mahalag raw na padaliin ang pagnenegosyo sa bansa.
07:40Pinagbubuti naman umano ng Department of Labor and Employment
07:44ang pag-uugnay ng mga naghahanap ng trabaho sa mga nangangailangang employer.
07:49Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
07:57Extra special ang pilot episode ng Gandang Gabi Vice this Sunday sa GMA.
08:02Dahil ang buwan naman ng guest!
08:05Walang iba kundi si Asia's multimedia star Alden Richards.
08:10Check na check sa wishlist ni Meme Vice Ganda, ang pag-guest ni Alden.
08:15Kaabang-abang ang magiging tsikahan lalot noong 2017,
08:19aminado si Vice na nasa starstruck at nag-fangirl siya kay Alden sa isang event.
08:24Sa bagong season, maraming pasabog na guest stars.
08:27At tulad nga ng sinabi ni Meme,
08:29mas malawak na ang usapan dahil mas malawak na rin
08:33ang pwede niyang ma-invite na guests,
08:35lalong-lalo na ang mga kapuso stars.
08:38Lahat ng iyan, abangan this Sunday at 10pm.
08:44Makakapuso sa ating ulat panahon.
08:46Habagat pa rin ang iiral at magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
08:51May mga binabantayan ng pag-asa na
08:53sirkulasyon sa kilagang kanluran ng Philippine Area of Responsibility
08:56at sa kanlurang bahagi ng Luzon.
08:59Patuloy itong imomonitor kung may mabubuong bagong sama ng panahon
09:03sa mga susunod na araw.
09:05Apektado pa rin ang Southwest Monsuno Habagat,
09:07ang Luzon at Visayas, base sa datos ng MetroWeather.
09:10Umaga bukas, may tiyansa ng ulan sa Central Luzon,
09:13Calabarazon, Mimaropa at Bigo Region.
09:15May paminsan-minsang ulan na rin sa Panay Island at Negros Island Region.
09:20Halos buong Luzon na ulit ang ulanin bad ng hapon.
09:23May heavy to intense na ulan kaya maging alerto sa bantanang baka ulan slide.
09:28Madaragdagan na rin ang ulan sa Visayas.
09:30Sa Metro Manila, pusibling halos buong araw ulit maranasan ang mga pag-ulan.
09:34Pwedeng may mga oras pa rin na hihinto pero muli na naman bubuhos
09:39kasambay ng malakas na bugso ng hangin.
09:42Sa Mindanao naman, may chance rin umulan pero maaaring parandalian lamang
09:45sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Tavao Oriental.
09:51Samantala mga kapuso, tapos nang dumaan sa Diagnostic Procedure
09:55si dating House Speaker Martin Romualdes
09:57na nakakonfine pa rin sa Cardinal Santos Medical Center.
10:00Para po sa update, nakatutok pa rin doon live.
10:08At email mga kapuso, nakaabang pangarin ng lahat
10:11kung hanggang kailanman na natin rito sa Cardinal Santos Medical Center
10:16si dating Speaker Martin Romualdes na gusto na pong ipalipat ngayon
10:19sa PNP General Hospital.
10:22At email mga kapuso, sa latest medical bulletin kaugnay ng kondisyon
10:25ni Romualdes na PNP ang naglabas,
10:27sinabi nitong tapos nang dumaan ang dating speaker
10:30sa mga kinakailangang Diagnostic Procedure.
10:32Bagaman patuloy na umiinom na mga iniresetang gamot,
10:35kaugnay pa rin niya na mga dati na niyang medical condition
10:38kabilang na po ang problema sa puso at mataas na blood pressure.
10:42Matapos na rin o natapos na rin ang assessment sa kanya kahapon.
10:46Lunes pa tinalakay ang kondisyon at resulta ng mga test
10:49sa isang medical conference ng mga doktor ng PNP General Hospital
10:52at attending physicians ni Romualdes.
10:55Tumagi munang magbigay ng anumang update
10:57ang mismong mga abogado ni Romualdes
10:59para hindi raw ma-preempt o mapangunahan
11:01ang magiging pagdinig ng Sandigan Bayan 3rd Division bukas.
11:05Kaugnay po yan sa hiling nilang manatili sa ospital si Romualdes.
11:08At email balik dito sa ospital ay patuloy pa rin po ang operasyon
11:13kahit nga po nandito ang isang high profile na case na si Romualdes
11:17at may mga polis po tayong nakikita rito
11:19pero hindi naman po naapektuhan ng regular operations ng ospital.
11:22At yan muna ang latest. Balik muna sa iyo, Emil.
11:26Maraming salamat, JP Soriano.
11:29May mga lugar na wala pa rin pasok bukas, September 10.
11:32Walang pasok sa lahat ng antas.
11:35Sa pampubliko at ribadong paralan sa Kalumpit, Bulacan.
11:39Galing din sa Masantol at Minalin sa Pampanga.
11:42Pati sa buong San Simon, maliban sa Concepcion Integrated School
11:46na may face-to-face classes.
11:48Sa pampanga pa rin, mag-alternative learning naman ang mga taga Santo Tomas
11:53at ilang paaralan sa bayan ng Kandaba.

Recommended