00:00Bakit nga ba makasaysayan ang unang Bangsa Moro Autonomous Region and Muslim Mindanao Parliamentary Elections?
00:07Balikan muna natin ang kwento sa likod nito.
00:10Matapos ang pagkapatay ng tinatayang 28 hanggang 200 Moro Army recruits sa Jabida Massacre sa Corredor Island noong March 1968,
00:20itinatagi Nur Miswari ang Moro National Liberation Front o MNLF pagdating ng 1969.
00:25Layon daw ng grupo na magkaroon ng malayang regyon bilang tugon sa matagal na umano nilang nararanasang opresyon at displacement
00:34ng mga muslim sa ilalim ng pamahalaang dominado ng mga kristyano.
00:38Ang pagtatatag ng independent banks sa Moro Republic ang naging pangunahing layunin ng MNLF na naging mitya ng armed conflict
00:46sa Mindanao noong early 1970s.
00:48Isang buwan matapos ideklaranin o'y President Ferdinand Marcos Sr. ang martial law inilunsad sa Marawi ang kauna-unahang organized
00:57Moro Counter Offensive.
00:58Dito na rin lumantad ang MNLF at inangkin ang pamamuno sa Moro Secessionist Movement.
01:04Ang kanilang struggle is sovereignty-based yan.
01:06So actually, ang kanilang demand talaga is for an independent state.
01:10Kaya nga sila nag-rebelde.
01:12That is a reaction against control by national government.
01:16Nagkaroon ng pagbabago ng direksyon ng kanilang pakikibaka ng lubagdaang Philippine Government at MNLF.
01:24Sa 1976 Chipotle Agreement, naglatag ito ng autonomy o kapangyarihang mamuno sa sarili nilang regyon para sa mga lugar na
01:32sakop ng kasunduan sa Mindanao.
01:34Alinsunod sa mga prosesong itinadhana ng konstitusyon.
01:38Pero naging kontrobersyal ang implementasyon ito.
01:40Sa halip kasi na isang autonomous region, dalawang autonomous regions ang nabuo.
01:46Sa huli, hindi lahat ng lugar na orihinal na sakop ng claim ng Moro ay naging bahagi ng autonomous region.
01:53Kalaunan, nahati ang MNLF at nabuo ang Moro Islamic Liberation Front o MILF.
02:00Dilagdaan bilang batas noong August 1989 ang Republic Act No. 6734 na nagtatag sa autonomous region in Muslim Mindanao o
02:09ARMM.
02:09Sa kabila ng panawagan ng MNLF at MILF, naiboykot ang plebisito.
02:15Isinagawa ito noong November 1989.
02:17Pero apat na lalawigan lamang ang pumili ng autonomya.
02:20Ito ang Lanao Donsur, Maginarao, Sulu at Tawi-Tawi.
02:24Yung autonomy na yun has always been questioned as not really genuine autonomy, yung sa ARM.
02:33Unang-una, wala silang fiscal autonomy.
02:35Kasi yun ang pinaka-importante kasi kung may autonomous ka,
02:41dapat meron ka rin tinatawag na fiscal autonomy.
02:45Meron kang karapatan, mag-decide kung paano gastusin yung iyong budget.
02:50Pero ipinagpatuloy ng MILF ang armadong paglaban matapos lagdaan ng MNLF
02:56at ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ang 1996 Final Agreement
03:01para sa garap na pagpapatupad ng 1976 Chipotle Agreement.
03:05Noong 2008, pinigilan ng Korte Suprema ang paglagda ng gobyerno at MILF
03:10sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na magpapalawak sa teritoryo at kapangyarihan ng ARMM.
03:17Kasuro dito, sumiklab ang karahasan at displacement bago nagkasundo ang pamahalaan at MILF
03:24sa pagsususpindi ng operasyon ng militar noong 2009.
03:28Noong October 15, 2012, nilagdaan ng gobyerno at MILF
03:32ang Framework Agreement on the Bangsamoro
03:34para sa pagtatatag ng bagong autonomous political entity na papalit sa ARMM.
03:39Siruntan nito ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro noong 2014
03:43o pagbuo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
03:48At noong July 27, 2018, nilagdaan ng Republic Act 11054 o Bangsamoro Organic Law.
03:55Pinalita nito ang dating ARMM at itinatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM
04:02at itinatagdaan nito ang pagkakaroon ng regyon ng parlamentaryong pamahalaan.
04:06Opisyal na pinasinayaan sa Cotabato City noong March 29, 2019,
04:11ang Bangsamoro Transition Authority.
04:13Ito ang itinatag bilang paghahanda sa BARM
04:15para sa kanilang pagboto sa kauna-unahang parliamentary elections.
04:41At ngayon, haharap na ang BARM sa kauna-unahang parliamentary elections ito.
04:46Ito ang magiging kalimang pagtatangka ng Bangsamoro sa regional governance.
04:51Sa unang pagkakataon, pipili ang mga butante na mga magiging kinatawan sa 80-seat Bangsamoro Parliament.
04:57Binubuo ito ng 40 regional parliamentary political party representatives
05:01na ihahalal sa proportional representation system.
05:0532 district representatives nakakatawan sa mga parliamentary district ng BARM
05:10at 8 sectoral representatives para sa non-Moro indigenous peoples,
05:15settler communities, women, youth, traditional leaders, at ulama.
05:20Iyon naman ang ibig sabihin ng peace process
05:23na kung saan magkakaroon ka ang isang political entity
05:28where that political entity will now be autonomous
05:34which means na it will now be the Bangsamoro people
05:38that will not only determine their leaders
05:43but also determine their political future.
05:46Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
05:49malaking bagay na ang mga dating nasa kabundukan
05:51at nakikipaglaban sa government forces
05:53ay nangangampa niya ngayon para maging member ng Bangsamoro Parliament.
05:58Senyalis daw ito na pinipili ang political process
06:02kesa muling humawak ng armas para makamit ang kapayapaan at paghunlad.
06:07Pero ayon sa eksperto, hindi raw dapat nagtatapos sa eleksyon ang peace process.
06:13Ang pinaka-importante nang gawin dyan is
06:16yung decommissioning and normalization.
06:20Yung normalization means yung mga communities ng MILF
06:24ay hindi na sila maging community engaged in armed conflict.
06:30Yung namang decommissioning, wala na rin yung mga base commands ng MILF.
06:34Yung mga decommissioned nila, mga combatants nila,
06:41they will have to turn over their firearms
06:45sa independent decommissioning body.
06:48Hindi lamang peace and order ang nakataya rito.
06:52Ilan sa mga provisyon ng Bangsamoro Organic Law
06:54ay nakatuon din sa rehabilitation at development
06:58ng mga lugar na matagal nang naapektuhan ng armed conflict.
07:02May 5 bilyong piso kada taon sa loob ng 10 taon
07:05o kabuoang 50 bilyong piso
07:08ang nakalaan sa Barnes Special Development Fund.
07:11Kaya ang unang parliamentary elections na ito
07:14ay hindi lamang basta panibagong halalan.
07:17Mahalaga ito dahil bahagi ito ng mahabang proseso
07:20mula sa armadong tunggalian
07:22patungo sa peace negotiations
07:24hanggang sa autonomous na pamamahala.
07:28Kaya ang natawag natin talagang milestone
07:30kasi napakalaki ng papel
07:33ng regular parliament
07:35or regular bangsamoro government.
07:37Kasi yung regular bangsamoro government
07:40hindi lang yan mag-a-address
07:42ng root causes ng conflict.
07:44Kundi yung mga nag-rebelde noon
07:46will now have the opportunity also
07:49to be part of it
07:51pero yun depende
07:52how they will conduct themselves.
07:54At ang maganda naman ito
07:57because they are elected
07:58they are now accountable to the people
08:02and they are not anymore accountable
08:04to Malacanang or to Manila.
08:07Ako si June Van Rasyon
08:08para sa GMI News.
08:24Ako si June Van Rasyon
Comments