00:00.
00:02Much agang naghihintay sa labas ng health center na ito si LV.
00:06Kwento niya, buhat ng maaksidente ang kanyang asawa habang nagtatrabaho sa construction site,
00:12malaki rin ang naging gastusin nila sa ospital.
00:15Pero sa tulong ng mga benepisyong mula sa PhilHealth, malaki ang nabawas sa kanilang mga bayarin.
00:20Kung halimbawa po naka-confine siya ng isang araw at sasagutin naman po ng PhilHealth,
00:27malaking tulong po sa amin.
00:29Isa lamang si LV sa mga Pilipinong maaaring makinabang sa ipinakilalang polisiya ng PhilHealth.
00:35Simula September 18, ipatutupad na ng PhilHealth ang pagpapalawak ng coverage
00:39para sa ilang inpatient admissions na wala pang 24 oras.
00:44Kasama rito ang mga miyembro ng PhilHealth at kanilang mga dependent basta't pasok sa mga itinakdang kondisyon.
00:50Kung malubha o nanganganibang kondisyon ng pasyente,
00:53maaaring sakop ito ng PhilHealth Circular kahit hindi umabot sa isang araw ang confinement.
00:57Kasama rin ang mga pasyente ang pumanaw habang nakakonfine ng wala pang 24 oras
01:02at ang mga kailangang ilipat sa ibang ospital o pasilidad para patuloy silang maalagaan.
01:08Ang mga ospital po kasi, hindi po yan magta-transfer ng unstable patient.
01:14Alam po nila yan.
01:16Kung malaki ang chance na ang pasyente ay mawamatay nga during transit,
01:22hindi po yan paalisin ng ospital.
01:25Well, 24 hours is 24 hours.
01:27So the clock starts ticking once nabigyan na ng admitting orders yung pasyente,
01:33kahit na nasa emergency room pa siya.
01:35Samantala, hindi sakop ng pulisiya mga pasyente ang dead on arrival,
01:40mga kasong pronouncement of death lang at walang medical intervention,
01:44mga pag-a-admit na walang sapat na dahilan at ang pangunahing layunin ay para lang sa reimbursement
01:49at mga kondisyong hindi kailangan gamutin mismo sa ospital.
01:53Hindi rin kasama yung mga konsultasyon o outpatient procedure
01:56at ang mga kasong hindi nakatutugon sa itinakdang patient disposition
02:00o yung mga taliwasang paniniwala sa payo ng doktor
02:04o kaya naman ay yung mga bumuti na ang kondisyon.
02:07Ano naman ang mga kailangan para ma-avail ang benepisyong ito?
02:10Kahit anong valid ID ay pwede.
02:13Ayon sa PhilHealth, titignan pa rin ang medical records
02:15para matiyak kung pasok sa mga pamantayan ng admission.
02:18Now, based on the diagnosis, titignan lang natin kung appropriate yun.
02:22So, every day naman po, merong nag-check nun sa ating mga regional offices.
02:29Sa mga pasyenteng pasok sa kwalifikasyon ng pulisya ng PhilHealth,
02:33patuloy na magiging available ang nakatalagang benepisyo
02:36ayon sa kanilang diagnosis o kondisyon batay sa naging pagsusuri ng doktor.
02:41Para naman sa iba pang katanungan tungkol sa PhilHealth benefits at coverage nito,
02:45maaaring tumawag sa mga numerong ito ng P-Cares na available 24-7.
02:50Sheeland Natividad, para sa bayan.
Comments