Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 7, 2026
-Mahigit 6,500 na pamilya sa 40 barangay sa Pangasinan, apektado ng baha / Floodgate ng dike, nadiskubreng may tagas kaya bumabaha sa Brgy. Lasip, binabantayan ng mga awtoridad/ Mga alagang baboy at gamit ng ilang residente, inilipat sa mas ligtas na lugar/ Angalacan River, patuloy na binabantayan ng MDRRMO
-Ilang kalsada sa Baguio City, binaha; Newly rehabilitated na Burnham Lake, napuno ng tubig
-Guiguinto, Bulacan, pansamantalang nawalan ng supply ng kuryente at tubig dahil sa masamang panahon/ Kidlat overflow, binabantayan ng mga awtoridad
-Abot-tuhod na baha, namerwisyo sa ilang barangay sa Ilocos Sur
-Presyo ng ilang gulay mula Benguet, tumaas/ Mga gulay mula sa Bulacan at Nueva Vizcaya, hindi pa tumataas ang presyo/ Ilang nagtitinda, dismayado dahil pataas nang pataas ang presyo ng gulay kahit noong wala pang bagyo
-Senado, isinusulong na maalis ang TRO sa P85 wage hike sa Metro Manila/ Resolusyon na imbestigahan ang pagtatayo ng Pax Silica Industrial Hub sa bansa, inihain sa Senado/ Senate Bil No.2361 o pagtatakda ng price cap sa power rates tuwing may state of emergency, isinusulong sa Senado/Extradition ni Pastor Apollo Quiboloy, hiniling ng Amerika ayon sa DFA
-4 sa 18 nagpakilalang dating tauhan ni Zaldy Co, binawi ang alegasyong naghatid sila ng male-maletang pera kina PBBM at Rep. Romualdez/ Unang joint affidavit ng tinaguriang "Maleta Boys," hindi raw sila ang gumawa/ Reaksiyon ng Ombudsman at ni Atty. Baligod na abogado ng tinaguriang "Maleta Boys," kinukuha pa kasunod ng pag-recant ng 4 sa kanila
-VP Duterte sa kaniyang impeachment trial: Klarong may nangyayaring "bending the law"/ Vice Pres. Duterte, natutuwa sa performance ng kaniyang defense team sa impeachment trial/ Vice Pres. Duterte, pinaghahandaan na ang napapabalitang pagsasampa ng kaso ng NBI laban sa kaniya
-Baby girl na tila gigil sa pagkanta ng kaniyang lolo, kinaaliwan ng netizens
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Comments