Skip to playerSkip to main content
Nabulabog ng pagsabog ang isang junk shop sa Quezon City. Nauga pati ang katabing gasolinahan. Isang tangke ang tumalsik dahil sa pagsabog at natamaan ang isang taxi!


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Makina hapon po, nabulabog ng pagsabog ay isang junk shop sa Quezon City.
00:05Nauga pati ang katabing gasolinahan.
00:08Isang tankiang tumalsik dahil sa pagsabog at natamaan ng isang taxi.
00:13Mula sa Quezon City nakatutok live, Jamie Santos.
00:17Jamie, may napuruhan ba sa insidente?
00:23PIA van, walang nasaktan o malubhang nasugatan.
00:26Dito nga sa nangyaring pagsabog sa isang junk shop sa barangay nagkaisang nayon sa Quezon City magtatanghali kanina.
00:36Nabulabog ang tahimik na tanghali ng mga residente sa General Louis Street, barangay nagkaisang nayon, Quezon City.
00:43Nang sumabog ang isang acetylene tank sa isang junk shop.
00:47Kita sa CCTV na tumalsik at tumama ang tanki sa nakaparadang taxi.
00:52Nabasag ang windshield nito.
00:53Malayo na dipad eh. Pero hanggang doon, hanggang dito eh.
00:57Siguro kung baka may isang kilometro yun, diba?
00:59Oo, hanggang dito.
01:00Sama kung klamang sa akin po, tumama naman doon sa pader na yun.
01:04Mabuti doon, wala naman tao.
01:05Sa ngayon po, hindi po ako mapagahan na buwag.
01:08Ano pong sabi sa inyo?
01:09Na pa-estimate ko na rin. Sabihin ko sa kanya ang estimate kung magkano.
01:13Nabutas din ang isang pader na tinamaan ng tanki.
01:16Ang kisame ng gasolinahang katabi ng junk shop,
01:19nasira at lumaylay ang mga bahagi nito.
01:21Naputol din ang kawad ng kuryente ng kalapit na poste.
01:25Ramdam din daw ang lakas ng pagsabog sa mga kalapit na apartment at commercial building.
01:30Umapoy na yung sa may mga tanki.
01:35Tapos, nung pag umatras na ako, may sumabog na na malakas.
01:42Tapos, nagtakbuan na rin yung mga tao.
01:43Tapos, yung mga sasakyan dyan, naghintuan na.
01:46Kasi nga, naputol na rin yung linya ng kuryente.
01:51Nakakordon na ang junk shop habang nag-iimbestiga ang Bureau of Fire Protection sa sanhinang pagsabog.
01:56Sinubukan namin kuna ng pahayag ang may-ari ng junk shop,
02:00pero wala raw siya roon ayon sa kanyang makatauhan.
02:07Ivan, patuloy ang isinasagawang embestigasyon ng BFP para matukoy ang sanhinang pagsabog.
02:13At yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Ivan.
02:17Maraming salamat, JB Santos.
Comments

Recommended