00:00Music
00:04Karaniwan ang lungkot sa burol at libing, pero pinili ng isang pamilya sa Cavite
00:09na gawing masaya ang pag-alala at pamamaalam sa kanilang minamahal na lola.
00:14Ang kulitan at kantahan sa lamay, pusuan sa report ni Ian Cruz.
00:21Music
00:22Music
00:23Music
00:23Music
00:23Music
00:23Music
00:25Hindi ito concert ha? At hindi rin sila nagpa-practice para sa videoke.
00:32Literal na may on-fire moment dahil ang kanilang namayapang lola, kanilang ipinakremate.
00:39Kung dark humor ito para sa ilan, para sa pamilya Castro, bahagi lang ito ng kanilang kulit sa gitna ng
00:47pamamaalam.
00:48Ganito rin kasi talaga kalapit ang pamilya nila sa kanilang mamang.
00:53Hindi lang apo at lola ang turingan nila sa isa't isa, parang magkakaibigan din na walang preno sa asaran.
01:02At sa wake ni mamang, mapapawake up talaga ang mga bisita.
01:07Dahil imbes na typical na portrait ang makikita sa burol, si mamang...
01:12Ah, welcome tonight!
01:15...naka-standie.
01:16At ang kanyang OOTD sa kanyang standie, parang anytime, ready magbabad sa sea.
01:24Na para mang handa pa rin sumama sa next adventure ng kanyang family.
01:30Instant standout tuloy ang kanyang standie, na naging auto-op pa para sa mga kiddie.
01:38Hindi nga raw lahat sanay sa ganitong uri ng pagpapaalam.
01:43Pero para sa pamilya Castro, simple lang ang mensahe.
01:48Pagdiriwang ito sa siyam na pong taon ni mamang sa mundong ibabaw.
01:53At sa dami ng mga alaalang na buo nila, wala silang pinagsisisihan.
02:00Dahil sa sarili nilang paraan, nagawa nilang sulitin ang panahon na meron sila sa piling ng pinakamamahal na lola.
02:10Ian Cruz, GMA News.
Comments