00:00Actually, may halal event na dapat niyong abangan.
00:01Dito, bibidang mga halal products at mga negosyo
00:04na magbubukas ng bagong opportunities para sa industriya.
00:08Para sa buong detalye, let's all watch this.
00:11Ang industriya ng halal products ay patuloy na lumalago sa pandaigdigang merkado.
00:17At dito sa Pilipinas ay mas pinapalakas ang kapasidad
00:21na mas dumami ang halal certified products ng mga SMEs
00:25sa tulong ng Department of Trade and Industry.
00:28Hindi lang ito tungkol sa pagkain halal
00:31dahil ito ay naging isang malaking global business
00:34mula food and beverages, pharmaceuticals at cosmetics
00:38hanggang fashion, finance at tourism.
00:42Kaya naman, muli nang magbubukas
00:44ang pinakamalaking International Halal Showcase
00:47o MIHAS na aktibong nilalahukan ng Pilipinas.
00:50Ngayong ikadalawamput dalawang edisyon ng MIHAS
00:53na may temang shaping trust, driving resilience,
00:57layunin itong paglapitin ang mga exporters, buyers at investors
01:02mula sa iba't ibang bahagi ng mundo
01:05para mas mabilis na makahanap ng business opportunities at partnerships.
01:10Inaasahang aabot sa 50,340 visitors mula sa 45 na bansa
01:17habang tinatayang 2,400 exhibition booths ang lalahok sa showcase.
01:22Kaya kaabang-abang ang exhibit na gaganapin sa September 23 to 26,
01:282026 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
01:32Sa isang mundong mabilis magbago,
01:35isang mensahe ang nais iparating ng MIHAS 2026.
01:39Ang tiwala, teknolohiya at innovation
01:42ay susi sa susunod na yugto ng global halal economy.
Comments