00:00Mga kapuso, sa halip na ayuda, dagdag pa sa akin na ang igrigiit ng public transport sector para kayanin ng
00:06mega oil price hike kabilang ang mga provincial bus.
00:09Tugo ng gobyerno, hindi muna sa ngayon at ibang tulong muna ang iyaabot.
00:14Nakatutok si Oscar Hoy na!
00:18Kung sipag at syaga lang ang pag-uusapan, sobra-sobra daw kung magbaon niyan ang 51-anyos na tsuper na
00:28si Charlie Portizo sa araw-araw niyang pamamasada.
00:32Pero ang naiuuwi daw niyang kita, palaging kapus.
00:37Minsan nakakapay-bonred pa rin. Yun na yun yung pinaka malaki pero minsan wala na.
00:43Yung diesel namin, yung 800, doon na napupunta. Yung kita namin, sa diesel na lang talaga.
00:50Kaya panalangin niya, sana daw ay ibigay na sa kanila ang matagal na nilang pinaka-aasam na pisong dagdag sa
00:59pasahe.
01:00Sa totoo lang, sir, di naman namin kailangan talaga yung ayude.
01:04Kailangan namin ngayon, sir, yung taasan man lang yung pamasahe.
01:09Kahit yun man lang, yung ano namin para kahit pa paano makasurvive kami.
01:16Galito rin ang panawagan sa gobyerno ng mga operator ng provincial at city bus.
01:21Sa ngayon daw kasi, sa taas ng gastusin, nagbawas na sila ng mga biyahe.
01:27Lahat ng mga operator ngayon, nagbabawas na ng biyahe.
01:31Actually, pakigita mo sa mga terminal nila, pag pumasok ka sa terminal ng bus, napakaraming bus na nakaparada doon na
01:39walang biyahe.
01:41Nakatakda na sana noong ipatupad ang dagdag sa pasahe, pero sinuspindi ito ni Pangulong Bongbong Marcos noong Marso dahil hindi
01:50raw napapanahon.
01:52Magiging mabigat na pasanin daw ito sa mga pasahero sa panahong tumataas ang presyo ng gasolina at mga bilihin dahil
02:01sa gulo sa Middle East.
02:03Sahalip, tulong na ayuda ang ibinigay sa mga choper.
02:07Kaya nakikita namin na dapat nang i-lift na yung suspension, ma-implement na yung fare increase para magpatuloy ang
02:18servisyo ng mga provincial buses sa publiko.
02:23Tugon ni Transportation Secretary Banoy Lopez, iniiwasan sana nila hanggat maaari na magtaas ng pamasahe.
02:31Sana ho, ang pag-impose natin ng fare hike ay maging last resort.
02:39Pag nagtaas po tayo ng pamasahe, ay sigurado po makakadagdag din yan sa ating inflation.
02:46Makakatagdag sa presyo rin po ng servisyo at presyo ng mga goods.
02:50Dagdag ni Lopez, ginagawa ng gobyerno ang lahat para matulungan ang mga driver at operators.
02:58Gayunpaman, inataasa na ng kalihim ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
03:06na pag-aralan ng sitwasyon at mag-sumiti ng rekomendasyon patungkol sa posibilidad na fare hike.
03:14Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
Comments