00:00Dahil winasak ng masamang panahon ang Agana Bridge sa Tarlac City,
00:05airbed na ang ginagamit ng ilang residente para makatawid sa ilog.
00:11Nagpagawa na ng temporary bridge ng gobyerno pero limitado lang ang pwedeng dumaan.
00:17Nakatutok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:26Imbes na bangka o sasakyang pandagat, literal na airbed ang ipinambibiyahe para makatawid sa ilog
00:32matapos masira ang Agana Bridge sa Tarlac City dahil sa mga nagdaang pagulan.
00:38Ang video, kuhan itong September 19 ng estudyanteng si Nathalie Salcedo
00:43na sumubog daw mismo na sumakay rito sa halagang 50 pisong pasahe.
00:48Hanggang tatlong tao lang daw ang isinasakay sa bawat airbed
00:51at apat na lalaki ang tumutulong para itulak at gabayan ito sa pagtawid sa ilog.
00:57Paminadong natakot si Nathalie pero mas mabilis daw ito
01:01kumpara sa alok ng lokal na pamahalaan na libreng shuttle
01:04na aabuti naan nila ng hanggang dalawang oras ang biyahe.
01:08Point to point po. So kailangan po namin umikot.
01:11As a student po, very hassle po kasi.
01:14Lalo na hindi po kami sanay sa ganong biyahe
01:17since dati po nasa 5 to 10 minutes lang po yung biyahe namin papunta sa city.
01:24Halos ganyan lang din daw ang inaabot ng biyahe sakay ng airbed.
01:28Magagabi na rin po.
01:29Napag-isipan po namin bigla na sumakay na lang po dun sa airbed
01:34para agad na lang po kami makauwi.
01:36Ngayon, hindi na kailangan ng tulad ng airbed sa pagtawid sa ilog
01:40lalot posible pa itong magdulot ng disgrasya.
01:43Bubuksan na kasi sa publiko ang pansamantalang Bailey Bridge
01:46habang sira pa ang aga na bridge.
01:49Kinumpirma ito ni DPWA Secretary Vince Dizon
01:52sa panayam ng GMA Regional TV.
01:55Mga pedestrian at light vehicles lang pwedeng dumaan sa temporary bridge.
01:59Kailangan kasi safety first ragi tayo.
02:03Nagtayo tayo ng mga support na bakal sa ilalim ng bridge
02:09para masigurado na safe yung mga dadaan sa bridge kahit na umulan.
02:14Pagkatapos na pagkatapos ng load test
02:16and kampante naman tayo, napapasa ito.
02:19Bubuksan na natin itong light traffic.
02:21So ang bawal ay hindi pwede ang mga track,
02:25hindi pwede ang mga bus.
02:32Sa gitna niyan, patuloy raw ang koordinasyon
02:35ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City at ng DPWH
02:38para matiyak ang kaligtasan ng pansamantalang daanan
02:41at matugunan ang epekto ng pagkasira ng aga na bridge.
02:45Mula sa GMA Regional TV,
02:48CJ Torida, Nakatutok, 24 Oras.
Comments