00:00Sinibak na sa kanyang pwesto sa Department of Education
00:03ang ama ng Namaril sa South Cotabato
00:06na siyang may-ari ng armas na ginamit ng shooter.
00:09May mga iniutos naman ng ilang ahensya ng gobyerno sa meta
00:13na siyang may-ari ng Facebook,
00:16gayon din sa online platforms na Roblox, Reddit at Discord.
00:22Ang dahilan sa pagtutok ni Bea Pinla.
00:30Nakuha lang ng estudyanteng Namaril sa Banga National High School sa South Cotabato
00:34ang ginamit niyang armas sa ama niyang empleyado
00:37ng Disaster Risk Reduction and Mitigation Office
00:40ng Department of Education o DepEd.
00:43Kanina, ipinaalam ng sponsor ng DepEd 2027 budget sa Kamara
00:47na sinibak na sa pwesto ang ama ng gunman.
00:50Tinalakay kasi ang halos isang trilyong pisong panukalang pondo ng DepEd para sa 2027.
00:56The parent was already relieved from his post as a DRRM of the department
01:03and pending on the investigation.
01:07Tinanong din kung may internal policy sila
01:10para sa responsible gun ownership ng mga opisyal at empleyado ng DepEd.
01:15Wala hong internal policy and department
01:18but the department subjects it to the discretion of every employee,
01:25every personnel of DepEd
01:27to adhere with the existing laws on proper handling of firearms.
01:36Dahil ikatlong school shooting na ito sa bansa ngayong taon
01:40na iniuugnay sa online exposure ng mga kabataan,
01:43may mga panukalan ang iregulate
01:45ang paggamit nila ng social media at online games.
01:48Sabi ni DepEd Secretary Sonny Angara
01:50nasa kamay na ng kongreso ang desisyon.
01:53Study show 15 to 16, pababa, kailangan talaga i-regulate.
01:57Do you sure that's even?
01:58Yes, we should regulate it.
02:00Really restrict the use and make it difficult
02:02because right now maraming groomers online.
02:05Ang groomers ay mga nakatatanda
02:07na nagtuturo ng mga di maganda sa mga kabataan,
02:10halimbawa habang kausap sila sa mga chat groups sa social media,
02:14sa games o sa iba pang online platform.
02:16Talagang ginagamit for recruitment for terrorism,
02:19for nihilistic violence groups.
02:22Sinusulong sa kongreso na magkaroon ng opisina
02:25o kinatawan ang lahat ng online platforms dito sa Pilipinas.
02:29Ang Cyber Crime Investigation and Coordinating Center
02:32binigyan ng 24 oras na ultimatum
02:35ang platforms na Discord at Reddit
02:36para makapag-setup na ng kanilang opisina dito sa bansa.
02:41Binigyan ng ultimatum ang Reddit at Discord
02:43dahil ayon sa CICC,
02:45may pangambang nagagamit ang mga ito
02:47sa pagpapalaganap ng marahas na extremist content
02:50at ideologies o paniniwala,
02:52particular sa kaso ng pamamaril
02:54sa Banga National High School.
02:56Kabilang din sila sa mga pinagpapaliwanag
02:59ng National Privacy Commission
03:00bukod pa sa meta at roblox
03:02dahil sa hindi umanog pag-comply
03:04sa mga registration requirement
03:06ng Data Privacy Act of 2012.
03:09Beya Pinlak, Nakatutok, 24 oras.
Comments