00:00Abiso mga kapuso, limitado pa rin ang biyahe ng LRT2 hanggang sa mga oras na ito.
00:07Kung bakit, alamin natin sa live na pagtutok ni Dano Tingmungko. Dano?
00:16Well, para dun sa mga kapuso natin na nandito sa Kubaw o papunta sa Kubaw
00:20at umaasa kayo na makakauwi kayo ng maaga, hindi kayo mananalo tonight.
00:26Yan ay dahil wala pa rin biyahe mula Santolan hanggang Antipolo sa ngayon.
00:36Limitado muna ang operasyon ng LRT2 matapos matamaan ng kidlat at maputol ang catenary wire sa Antipolo Station.
00:43Dahil dyan, ang biyahe ng tren mula rekto hanggang Santolan Station lang muna at pabalik.
00:49Nagsasagawa pa kasi ng provisional service sa apektadong estasyon.
00:52Naranasan ang pagkidlat kanina dahil sa localized thunderstorms na naka-apekto sa Metro Manila at ilang karating probinsya.
00:59Dahil dyan, apektado ang pag-uwi ng mga pasahero ng LRT ngayong rush hour pa naman.
01:04Dadagdag kasi sila sa dagsa ng mga pasahero na gahabol namang makasakay ng jeep o UV Express.
01:10Madami po talaga ang tao dito sa Kubaw.
01:13Pero pag may ganyan po talaga ang mga beriya, sobrang parang triple po yung dami ng tao.
01:18Nakita na namin yung news na wala, hindi aabot ng Santolan.
01:22Wala, makikisiksik tayo sa mga nag-jeep.
01:26Kasi walang ibang option eh.
01:29Ano magagawa natin?
01:30Di naman tayo pwede maglakad, wala tayong sidewalk.
01:37Mel, baon-baon pasensya, lalo't wala pang abiso mula sa Light Rail Transit Authority kung kailan magbabalik sa normal ang
01:47biyahe sa LRT2.
01:49Pero sabi din naman nila, abang-abang na lang daw sa abiso sa kanilang social media page. Mel?
01:55Maraming salamat sa iyo, Dano Tingkongko.
01:58Muzika
Comments