- 10 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 2) Airbed, ginagamit ng mga tumatawid sa ilog; Update sa Pax Silica Project; Bagyo sa labas ng PAR, atbp
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04Transcription by CastingWords
00:30It is kanina, tinanong ni Presiding Officer Cheese Escudero ang testigo mula sa Securities and Exchange Commission o SEC.
00:37Ididiklara ni Vice President Sara Duterte ang kumpanyang GenCorp Industries bilang stockholder sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net
00:47Worth o SALEN.
00:48Pero bakit kaya wala naman ang kanyang pangalan sa mga dokumentong isinumite ng kumpanya sa SEC?
00:55Maaaring mayroon po siyang trust agreement sa mga taong ito para i-represent ang kanyang sarili.
01:00Maaaring din po na mayroong kumpanya rito, mayroong isang corporate shareholder dito na mayroon siyang control.
01:13Kaya idisip din niya na kanya rin yung kumpanya na yon.
01:16Nominee sa albeneficial owner sa?
01:18Apo.
01:19Pero ayon sa SEC, kung may mali man sa mga final na dokumento, pananagutan ng kumpanya o ng bise?
01:26May paglabag po ba kung yan nga ang katotohanan o wala?
01:31Mayroon po.
01:32Ano po ang paglabag?
01:32Dahil hindi po tama ang kanyang disclosure.
01:35Yung dineklara niya sa kanyang SALEN, kung may liability man siya ron, siya yun sa SALEN.
01:40Pero hindi dun sa kumpanya.
01:41Apo. Dahil hindi naman po siya ang gamuan ng report.
01:43Punto naman ni Sen. Judge Rafi Tulfo, dapat mag-divest ang bise mula sa ilang kumpanyang nabanggit.
01:50Alinsunod sa nakasaad sa saligang batas na ang isang bise presidente ay hindi maaring lumahok sa kahit anong negosyo.
01:59Bagay na sinangayunan ng SEC.
02:01Sa kumpanyang Metro City Chow Foods Corporation halimbawa na e-dineklara ng bise sa kanyang SALEN,
02:08nasa Board of Directors pa rin siya hanggang 2025 ayon sa prosekusyon.
02:14Malinaw mo naman po sa batas na mayroon prohibisyon.
02:17Kaya dapat sana bago siya nanumpa, tinanggal na niya o nag-divest na po siya.
02:23Na nakita naman po natin, mayroon ditong GS na kung saan na hindi naging party na si BP Sara sa
02:31ilang kumpanya.
02:32Nung dumating yung at least 2019 pa po nga, hindi na rin nag-appear yung kanyang pangalan.
02:37Siguro yun po yung divestment.
02:39Base rin sa record ng kumpanyang GenCorp, majority stockholder nito ang kumpanyang JTC Group.
02:46Tinukoy ng prosecution ng JTC na nangangahulugang Jaime T. Cruz,
02:51pangalang lumilitaw din sa ilang kumpanyang iniuugnay sa bise.
02:56Ito po ba ang Jaime Tancruz na ito, the same person na na-appoint mo po na dating Pangulong Duterte
03:03as a special envoy to China for trade and investment?
03:08Yes, Your Honor. The same name, Your Honor. Same person.
03:11Sa pagtatanong naman ng abogado ni BP Sara, pinalutang na hindi umano lumabag ang bise sa saligang batas.
03:19Dahil ang nakasaadaan niya sa saligang batas, ang hindi pinapayagan ay yung pag-participate in any business.
03:27It does not say, and I quote, have interest in any business, end of quote. Correct?
03:33Diyan po ako ikonorek ni presiding officer Gapon.
03:36And it does not say, and I quote, have shares in any corporation.
03:41End of quote. Tama po ba?
03:43Wala pong sinabi.
03:44Punto ng kampo ng bise, limitado ang nalalaman ng testigo tungkol sa pagnenegosyo ng bise
03:50at kanyang yaman kaya hindi siya competent para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga ito.
03:56The SEC has no personal knowledge whether the Vice President did in fact participate
04:01or attend in any of the meetings of the Board of Directors in these years.
04:05Tama po.
04:06You also have no, in fact you do not have any minutes of the meeting of the Board of Directors
04:11of Metro City Chow Foods Corporation whether special, regular or organizational meeting
04:16which would show that the Vice President participated or attended. Tama po ba?
04:21Wala po kami information on that.
04:23Hindi rin naman daw bawal na magnegosyo ang asawa ng bise.
04:27There is no prohibition in fact for a public officer spouse to have any interest in a corporation or business.
04:34Tama po ba?
04:35Wala naman po.
04:37Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
04:40Nice na ang ipatanggal ng Commissioner ng Bureau of Customs ang lahat ng empleyado nito sa Subic Port
04:49dahil sa mga insidente ng smuggling.
04:52Shab ang sinampahan ng reklamo kaugnay ng misdeclared na pagkain
04:57habang labing apat ang sibak sa pwesto dahil sa di na dispatsang puslit na karle.
05:03Nakatutok si Jonathan Anda.
05:09Chicken lollipops at karaage ang idiniklarang laman ng containers na ito sa Subic Port noong June 2025.
05:15Pero nang buksan, mga makarel, sibuyas at carrots pala ang laman.
05:2117.5 milyon pesos ang halaga niyan.
05:24Sabi mismo ng Bureau of Customs, bawal ang ganyang misdeklaration.
05:28At ang nakatalang importer, ipinaliwanag sa isang senate hearing na nagpaparenta lang siya ng permit sa ibang importer.
05:34Nangumisyon lang naman din po kami. Bale nire-rent lang po yung ano namin.
05:39Lisensya nyo?
05:40Apo.
05:40Nire-rent?
05:41Apo.
05:42Makalipas ang lagpas isang taon, nagsampan ang reklamo ang customs sa Department of Justice o DOJ.
05:48Paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang inihain laban sa may-ari at kinatawan
05:53ng Burchase Consumer Goods Trading na nakatalang nag-import ng kargamento.
05:58Gayun din laban sa isang licensed customs broker.
06:01Damay rin ang siyam na opisyal ng customs sa subik kung saan ipinasok ang kargamento.
06:06Suspendido na sila bagaman sumusweldo pa rin.
06:09Under preventive suspension kasi medyo process.
06:11So sumusweldo yan.
06:13Subalit pag yan ay nakonvict na, portfitted yung kanilang mga beneficyo.
06:17Kaugnay naman ang smuggled frozen chicken na nabistong ibinibenta ng mismong pasilidad na dapat nagdispatchan nito,
06:24labing apat na customs official ng subik ang damay rin.
06:28Sinibak na sila sa pwesto.
06:29Kapag meron dapat sirain o wasakin sa pamamagitan ng shredding o pagsunog,
06:35mula sa pier o sa warehouse ng BOC, yan ay dapat bantayan papunta doon sa condemnation facility.
06:42Nag talaga na ang customs ng mga opisyal na mananagot kaagad kapag nalusutan sa mga ganitong paraan ng smuggling.
06:49Simula sa Deputy Port Collector for Operations at yung meron kami tinatawag na ACDD Division Chief,
06:55Appraisers, Examiners na involved sa paghahatid at pagbabantay nitong mga wawasakin, sila ang mananagot.
07:03Dahil puno na, gusto na ng customs commissioner na tanggalin lahat ng empleyado ng customs sa subikport.
07:10Ayon sa customs, bukod sa delikado dahil hindi na i-inspeksyon ng mga smuggled na pagkain,
07:15kawawarin ang mga magsasaka at mahingisdang hirap lumaban sa pababaan ng presyo ng mga smuggled na produkto.
07:21Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
07:30Makakapuso, naging bagyo na ang minomonitor na low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
07:37Huling namata ng sentro ng tropical depression, mayigit 1,800 kilometers sa silangan ng southeastern Luzon.
07:45Pakilagang kaluran ang pagkilos nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
07:50Ayon sa pag-asa, may chance na itong pumasok sa PIR sa Webes at tatawaging bagyong Quinny.
07:55Pusibli nitong tumbukin ang hilagang Luzon sa mga susunod na araw hanggang weekend.
08:00Patuloy na umantabay sa updates.
08:02Pero ngayon pa lamang, ramdam na ang efekto ng trough o yung extension ng bagyo sa ilang bahagi ng ating
08:07bansa.
08:07Kasabay niya ng patuloy na pag-ira ng habagat at chance na ng localized thunderstorms.
08:12Base sa datos ng Metro Weather, sa umaga,
08:15may mga kalat-kalat na ulan sa ilang bahagi ng northern Mindanao, Caraga at Davao region.
08:20Pandantanghali at hapon, mas malaking bahagi na ng bansa ang ulanin.
08:24May malalakas na bukos ng ulan sa halos buong Mindanao, Eastern at Central Visayas at Negros Island region.
08:30Pusibli rin ang heavy to intense rain sa Mimaropa, Calabarazon, Central Ozone at Ilocos region.
08:35Maging handa sa Bantanambahao landslide, pwedeng maulit ang ulan sa ilang lugar sa gabi.
08:40Sa Metro Manila, may mga pag-ulang pa rin bukas, lalo na sa hapon.
08:45Pusibli ang malalakas na ulan gaya ng naranasan po kanina.
08:50Dahil winasak ng masamang panahon ang Agana Bridge sa Tarlac City,
08:55airbed na ang ginagamit ng ilang residente para makatawid sa ilog.
09:01Nagpagawa na ng temporary bridge ang gobyerno pero limitado lang ang pwedeng dumaan.
09:08Nakatutok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
09:16Imbes na bang ka o sasakyang pandagat, literal na airbed ang ipinambibiyahe para makatawid sa ilog
09:23matapos masira ang Agana Bridge sa Tarlac City dahil sa mga nagdaang pag-ulan.
09:28Ang video, kuhan itong September 19 ng estudyanteng si Nathalie Salcedo
09:33na sumubog daw mismo na sumakay rito sa halagang limampung pisong pasahe.
09:38Hanggang tatlong tao lang daw ang isinasakay sa bawat airbed at apat na lalaki ang tumutulong para itulak at gabayan
09:45ito sa pagtawid sa ilog.
09:47Aminadong natakot si Nathalie pero mas mabilis daw ito kumpara sa alok ng lokal na pamahalaan na libreng shuttle
09:54na aabuti naan nila ng hanggang dalawang oras ang biyahe.
09:58Point to point po. So kailangan po namin umikot. As a student po, very hassle po kasi. Lalo na hindi
10:06po kami sanay sa ganong biyahe
10:07since dati po nasa 5 to 10 minutes lang po yung biyahe namin papunta sa city.
10:14Halos ganyan lang din daw ang inaabot ng biyahe sakay ng airbed.
10:18Magagabi na rin po. Napaisipan po namin bigla na sumakay na lang po dun sa airbed para agad na lang
10:26po kami makauwi.
10:26Ngayon, hindi na kailangan ng tulad ng airbed sa pagtawid sa ilog, lalo't posible pa itong magdulot ng disgrasya.
10:34Bubuksan na kasi sa publiko ang pansamantalang Bailey Bridge habang sira pa ang aga na bridge.
10:39Kinumpirma ito ni DPWA Secretary Vince Dizon sa panayam ng GMA Regional TV.
10:45Mga pedestrian at light vehicles lang pwedeng dumaan sa temporary bridge.
10:50Kailangan kasi safety first lagi tayo.
10:53Nagtayo tayo ng mga support na bakal sa ilalim ng bridge para masigurado na safe yung mga dadaan sa bridge
11:03kahit na umulan.
11:04Pagkatapos na pagkatapos ng load test and a company naman tayo, napapasa ito.
11:09Bubuksan na natin ito light traffic.
11:11So ang bawal ay hindi pwede ang mga truck, hindi pwede ang mga bus.
11:18Pwede siya mga light vehicles hanggang elf truck.
11:22Sa gitna niyan, patuloy raw ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City at ng DPWH
11:28para matiyak ang kaligtasan ng pansamantalang daanan at matuguran ang epekto ng pagkasira ng aga na bridge.
11:35Mula sa GMA Regional TV.
11:38CJ Torida, nakatutok 24 oras.
11:41Naghayan ang not guilty plea sa indirect bribery to dismiss Bureau of Fire Protection Chief,
11:47Jesus Fernandez, kaugnaya ng pagtanggap kumanan niya ng mayigit 15 milyong pisong suhol mula sa pinagbilhan ng mga ambulansya.
11:56Nakatutok si Maki Pulido.
12:01Two counts ng graft at two counts ng indirect bribery ang kinakaharap na kaso may Fire Director Jesus Fernandez,
12:07dating hepe ng Bureau of Fire Protection, na nakasalang sa magkakaibang dibisyon ng Sandigan Bayan.
12:13Sa one count ng indirect bribery sa Sandigan Bayan 5th Division,
12:16not guilty ang inihaing plea ni Fernandez nang basahan siya kanina ng sakdal.
12:21Kaugnay ito ng pagtanggap niya di umano ng higit 10.7 milyon pesos na suhol mula sa pinagbilhan ng 132
12:29na Type 1 Basic Life Support Ambulanses.
12:32Inabot umano ito sa kanya noong November 2024 nang kinatawan ng car dealer sa isang mall sa Quezon City.
12:38Sa kasong isinampan ng ombudsman, ang kabuang suhol umano na tinanggap ni Fernandez ay aabot sa higit 15 milyon pesos
12:46na kanyang tinanggap sa dalawang magkahiwalay na okasyon.
12:50Dahil sa kinakaharap na mga kaso, dismissed from service si Fernandez.
12:54Kaya ayon sa ombudsman, wala siyang matatanggap na retirement benefits at hindi na maaaring pumasok sa anumang posisyon sa gobyerno.
13:01Sabi ng kanyang abogado, inaapila nila ang dismissal from service na inutos ng ombudsman.
13:07Samantala, pinatawa naman ang Sandigan Bayan 6th Division ng 90-day suspension si Usuag Ilonggo Partylist Representative James Ang.
13:16Ito'y kaugnay ng kasong violation of Section 3H ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
13:21Dahil di umano, may interes pa rin siya sa construction company na nakakuha ng mga kontrata sa DPWH.
13:29Makipulido na katutok, 24 oras.
13:32Sa Nobyembre na inaasahan ang pirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
13:37Kaugnay ng Pax Silica Project na itatayo sa New Clark City sa Tarlac.
13:43Pagtitiyak ni Trade Undersecretary Seferino Rodolfo.
13:47Walang data center na itatayo sa AI Hub.
13:52Nakatutok si Jonathan Andar.
14:01Ang mga raling ganito kontra Pax Silica, pati ang mga diskusyon online tungkol sa proyekto,
14:08ikinababahala na raw ng Amerika at mga investor doon.
14:11Ayon kay Trade Undersecretary Seferino Rodolfo,
14:13Sa isang briefing kaugnay ng Pax Silica, sinabi niyang nagtatanong na sila kung matutuloy pa ang Pax Silica Project sa
14:20Pilipinas.
14:21The investors are kind of, maybe too strong a word, but they are being spoke by what is happening.
14:29Sinasabi natin sa kanila, kasama talaga sa proseso natin dito sa Pilipinas,
14:34na pabayaang magsalita na very freely everyone can speak their minds out.
14:42So naintindihan naman ko nila.
14:44Ang Pax Silica Initiative na pinamumunuan ng Amerika ay itinatag para masiguro ang supply chain para sa AI
14:51o Artificial Intelligence Infrastructure, Semiconductors at Critical Minerals.
14:56Sa Pilipinas, gagawin ito sa New Clark City sa Tarlac.
15:00Ito ang mapa ng buong Clark Freeport and Special Economic Zone.
15:03Ang kulay orange sa mapa ang gagawing site ng Pax Silica Project
15:07na tatawag yung Clark Advanced Manufacturing Park na may lawak na 1,620 hectares.
15:14Pagtitiyak ni Rodolfo, walang data centers na itatayo sa AI Hub doon, kundi puro manufacturing lang daw.
15:21Tama naman yung mga sinasabi.
15:23Nakakain ng kuryente, yung tubig, kuryente, ang data center, kaya may hirapan sa Clark.
15:30Kaya nga sinasabi natin, kaya nga hindi data center yung itatayo natin sa Clark.
15:34It is an advanced manufacturing project.
15:38It is intended to support semiconductors, electronics, precision manufacturing, advanced industrial system, and future high-tech technologies.
15:50Sa Nobyembre, target na ng Amerika at Pilipinas na pumirman ang kasunduan tungkol dito.
15:55Basta masagot lang natin yung mga comments, matutuloy talaga itong proyekto na ito.
16:00Sisiguraduhin natin na may konsultasyon, sisiguraduhin natin na lahat ang mga concerns na matutugunan bago tayo magpirmahan.
16:08Tiniyak ni Rodolfo na sisiguruhin mapoprotektahan ang soberanya ng Pilipinas sa pipirmahang kasunduan sa Amerika.
16:14The Clark Advanced Manufacturing Park project will remain to be Philippine sovereign territory.
16:26There will be no diplomatic immunity or carve-out of any kind.
16:31Will that have to be categorically stated in the agreement that will be signed in November?
16:36It can be stated. It will be stated.
16:38Jonathan Andal, Nagkatutok, 24 Oras.
16:41I-giniit ng abogado ni Vice President Sara Duterte na kinukonsulta sila ng bise bilang pag-iingat na hindi makalabag
16:49sa subjudice rule na ipinatutupad ng impeachment court.
16:53Ayon kay Atty. Michael Powa, tuloy-tuloy ang komunikasyon nila ng bise tungkol sa subjudice rule.
16:59Tugun niya ng depensa kaugnay sa hamon ng prosecution team na tabak?
17:03Tignan rin ang impeachment court ang mga pahayag ng depensa at bise kung lumabag ito sa naturang patakanan.
17:09Nagbabala na ang Senate impeachment court sa magkabilang panig na umiwas, magkomento sa merito ng kaso dahil ito ay mangingiming
17:17magpataw ng parusa.
17:18Sinangayunan ni Powa na dapat makal-out o punagin ang sino mang lalabag sa subjudice rule takit silang mula po
17:26sa depensa.
17:43Ang bise presidente naman tumangging sumagot sa tanong paugnay sa gumugulong na impeachment trial sa pagbisita niya kahapon sa South
17:51Cotabato.
17:55Do you mind to answer related to impeachment? Ano ba rin pong sasabi natin?
17:59Parang all folks don't vote, not go under social issues.
18:07Makukontempa ko sir eh pag sumagot ako sa impeachment.
18:11Masyado ng maraming problema yung mga abogado ko. Ayoko nadagdagan yung kanilang problema with contempt.
18:21Sinibak na sa kanyang pwesto sa Department of Education ang amanang na Maril sa South Cotabato na siyang may-ari
18:29ng armas na ginamit ng shooter.
18:31May mga iniutos naman ang ilang ahensya ng gobyerno sa meta na siyang may-ari ng Facebook.
18:38Gayun din sa online platforms na Roblox, Reddit at Discord.
18:43Ang dahilan sa pagtutok ni Bea Pinla.
18:51Nakuha lang ng estudyanteng na Maril sa Banga National High School sa South Cotabato ang ginamit niyang armas.
18:57Sama niyang empleyado ng Disaster Risk Reduction and Mitigation Office ng Department of Education o DepEd.
19:04Kanina, ipinaalam ng sponsor ng DepEd 2027 budget sa camera na sinibak na sa pwesto ang ama ng gunman.
19:12Tinalakay kasi ang halos isang trilyong pisong panukalang pondo ng DepEd para sa 2027.
19:18My parent was already relieved from his post as a DRRM of the department and pending on the investigation.
19:29Tinanong din kung may internal policy sila para sa responsible gun ownership ng mga opisyal at empleyado ng DepEd.
19:36Wala hong internal policy and department but the department subjects it to the discretion of every employee,
19:46every personnel of DepEd to adhere with the existing laws on proper handling of firearms.
19:58Dahil ikatlong school shooting na ito sa bansa ngayong taon na iniuugnay sa online exposure ng mga kabataan,
20:04may mga panukalan ang i-regulate ang paggamit nila ng social media at online games.
20:09Sabi ni DepEd Secretary Sunny Angara, nasa kamay na ng Kongreso ang desisyon.
20:14Study show 15 to 16, ipababa, kailangan talaga i-regulate.
20:18We should regulate it.
20:21Really restrict the use and make it difficult because right now maraming rumors online.
20:26Ang rumors ay mga nakatatanda na nagtuturo ng mga di maganda sa mga kabataan.
20:31Halimbawa, habang kausap sila sa mga chat groups sa social media, sa games o sa iba pang online platform.
20:38Talagang ginagamit for recruitment for terrorism, for nihilistic violence groups.
20:44Sinusulong sa Kongreso na magkaroon ng opisina o kinatawan ang lahat ng online platforms dito sa Pilipinas.
20:51Ang Cyber Crime Investigation and Coordinating Center binigyan ng 24 oras na ultimatum ang platforms na Discord at Reddit
20:58para makapag-setup na ng kanilang opisina dito sa bansa.
21:02Binigyan ng ultimatum ang Reddit at Discord dahil ayon sa CICC,
21:07may pangambang nagagamit ang mga ito sa pagpapalaganap ng marahas na extremist content at ideologies o paniniwala,
21:14particular sa kaso ng pamamaril sa Banga National High School.
21:18Kabilang din sila sa mga pinagpapaliwanag ng National Privacy Commission bukod pa sa meta at roadblocks
21:24dahil sa hindi umanog pag-comply sa mga registration requirement ng Data Privacy Act of 2012.
21:31Beya Pinlak, Nakatutok, 24 oras.
Comments