00:00Perwisyo ang inabot ng mga pasaherong pa-Antipolo City at iba pang bahagi ng result
00:04dahil sa limitadong biyahe ng LRT Line 2 kanina.
00:08Hanggang alas 9 po ngayong gabi, may mga naipon pang naghihintay ng masasakyan.
00:12Sa tapat po yan ng Santolan Station.
00:15Ang dahilan, ang pagtama ng kidlat sa Antipolo Station.
00:20Saksi, si Dano Tingcunco.
00:25May biyahe pa rin ang mga tren ng LRT 2 pero mula recto hanggang Santolan Station lang at pabalik.
00:31Na perwisyo tuloy ang ilang pasahero lalo na kaninang Rush R.
00:34Madami po talaga ang tao dito sa Cubao.
00:37Pero pag may ganyan po talaga mga beriya, sobrang parang triple po yung dami ng tao.
00:42Wala, makikisiksik tayo sa mga nag-jee-jeep.
00:45Kasi walang ibang option eh.
00:47Ano magagawa natin? Di naman tayo pwedeng maglakad, wala tayong sidewalk.
00:52Ang dahilan ng abiriya ang pagtama ng kidlat at pagkaputol ng catenary wire sa Antipolo Station ng LRT 2.
00:58Nakalayla yan hanggang sa baba.
01:00Nangyari yan sa gitna ng localized thunderstorms na naka-apekto sa Metro Manila at ilang karatig probinsya.
01:06Tuloy ang pagkukumpun eh sa apektadong estasyon.
01:10Sa Legazpi City nasa wiyan lalaki matapos tamaan ng kidlat habang namimingwit ng isda sa Old Fort sa Barangay Bigaa.
01:17Nangunguha rin ang lamang dagat ang isang lalaki ng tamaan siya ng kidlat sa Danao City, Cebu.
01:22Kasama niya noon ang kanyang asawa pero nakaligtas ito.
01:25Dead on arrival sa ospital ang lalaking biktima.
01:29Para makaiwa sa panganib ng pagtama ng kidlat, sundin ang tinatawag na 30-30 rule.
01:34Kapag nakakita ng kidlat, bilangin ang segundo hanggang marinig ang kulog.
01:38Kung aabot sa 30 segundo lang o mas mababa pa, ibig sabihin ay malapit lang ang thunderstorm kaya maiging humanap
01:45ng masisilungan.
01:46Manatiling nakasilong ng hindi bababa sa 30 minuto pagkatapos ang huling pagkulog.
01:52Habang nakasilong, huwag panoorin ang pagtama ng kidlat mula sa bintana.
01:56Mas ligtas manatili sa mga saradong kwarto.
01:59Layuan ng mga telepono, electrical appliances at maging mga gripo, tubo o iba pang daanan ng tubig.
02:05Kung nasa labas at walang masisilungan, lumayo mula sa matataas na lugar gaya ng tuktok na mga bundok, pati mga
02:11katawan ng tubig gaya ng ilog o lawa.
02:13Huwag humiga sa lupa, huwag sumilong sa nakahiwalay na puno, layuan ng mga gamit na pwedeng daanan ng kuryente gaya
02:20ng mga kable at bakod na gawa sa barbed wire.
02:22Kapag nasa open field tayo, o kaya kung nasa taas tayo, malapit sa mga bundok tayo na lugar, at malapit
02:30tayo dun sa pwedeng abutin,
02:32nung base ng clouds papunta sa ground, so yun yung mga posibleng i-heat ng mga lightning.
02:38Ako si Dano, tingkung ko ang inyong saksi.
02:42Pinatatawag na LTO ang rider ng batong mano sa Antipolo City matapos may makaaway sa kalsada.
02:48Nadamay pa at masugatan ang batang babae na anak ng nakaalita ng magkaangkas.
02:54Saksi, si Marisol Agdurama.
03:02Pumakalat sa social media ang video ng lalakit babae na magkaangkas sa motosiklo na nakikipagtalo sa kumukuha ng video sa
03:09kanila
03:09na sakay naman ng isang badya na tila mas maliit sa tricycle.
03:13Ang nagmamaneho, isang kamay lang ang gamit sa manibela habang hawak ang cellphone sa isa pang kamay.
03:25Sa huli na video ng uploader, kitang dumudugo ang ulo ng batang walong taong gulang.
03:35Habang ang kanyang ina, natataranta.
03:38Ayon sa Antipolo Police, ang viral na video na kuhanan bandang alas 5 ng hapon itong September 21,
03:44lumalabas ang investigasyon na sasakay na Rosanna sa badya ang bata kasama ang kanyang ina.
03:49Pero hindi rin sila makapasok dahil nakaharang ang motosiklo.
03:53Sinabi naman po ng bata na papasok po ako paano po.
03:56And then parang pangit yung pagkakasabi ng rider na hindi ako makaurong eh.
04:04Para makasakay ang mag-ina, umabante na lang daw ang badya.
04:07Nabastusan siguro yung mother tapos sinabi na bastos yung rider.
04:12And then doon, umpisa po yung heated argument.
04:15Hanggang umalis na lang daw ang badya, pero sinundan daw ito ng dalawang sakay ng motosiklo.
04:21And then yun, sinasabi na hindi kami bastos, may anak din kami.
04:25Biglang may ano daw, may hard object.
04:28Hindi natin alam kung bato o semento.
04:31Naiba ito po doon sa tricycle at natamaan po yung bata.
04:36Dumuan ang puno ng bata na agad din namang dinala sa ospital.
04:39Pero kinailangan tahiin ang kanyang sugat.
04:42Ang lalakit babae na nakaalita nila agad na tukoy at pinugtahan ang mga taga-barangay daligpuno at mga pulis.
04:49Unfortunately, wala na po yung tao doon sa area.
04:52Sa ngayon po, ma'am, wala pa po kami nakikita kung may previous silang record dito po sa barangay.
04:57Pinapaharap ng Land Transportation Office ang rider sa September 29.
05:01Dahil sa iba't ibang paglabang, gaya ng di tamang pagsusot ng helmet,
05:06suspendedo na ang lesensya ng rider at inilagay sa alarm status ang motosiklo.
05:10Muli namang nagpunta kanina sa police station ang mag-ina para formal lang maghain ng reklamo.
05:15Train yung dalawa, yung ginawa niyo sa anak ko.
05:19Mas mabuti pang sumuko na lang kayo kaysa magtago kayo kasi viral na kayo.
05:24Nakita niyo naman siguro yun.
05:27Sobra yung ginawa niyo sa bata.
05:29Mahaharap ang magkaangkas sa reklamong physical injury o physical abuse in relation to RA 7610
05:35o Special Protection of Children Against Abuse.
05:38Ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi!
05:43Sa gitna po ng walang tigil na pagmahal ng produktong petrolyo,
05:46umaapila muli ang mga chipero at operator ng mga provincial at city bus na ipatupad na ang dagdag pasahe.
05:52Ang tugon ng Transportation Department sa pagsaksi ni Bernadette Rea.
05:59Kung dati umaabot sa 120 bus ang bumibiyahe kada araw mula sa terminal ng bus company na ito sa Pasay
06:07City,
06:07ngayon nasa 70 hanggang 80 bus na lang.
06:10Apektado patikita ng mga chuper at kunduktor.
06:13Dating biyahe namin, dalawa ngayon, isa na lang, pinagkukombine merge trip ko namin.
06:17Sabi ng mga operator ng provincial at city bus, hindi na nila kaya ang taas ng produktong petrolyo.
06:23Kaya ang panawagan nila dagdag pasahe.
06:26Lahat ng mga operator ngayon, nagbabawas na ng biyahe.
06:30Actually, pakikita mo sa mga terminal nila, pag pumasok ka sa terminal ng bus,
06:35napakaraming bus na nakaparada ro, doon na walang biyahe.
06:40Nakatakda na sana nung ipatupad ang dagdag sa pasahe,
06:43pero sinuspindi ito ni Pangulong Bongbong Marcos noong Marso,
06:47dahil hindi raw napapanahon.
06:49Magiging mabigat na pasanin daw ito sa mga pasahero,
06:53sa halip, ayuda ang ibinigay sa mga chuper.
06:56Kaya nakikita namin na dapat nang i-lift na yung suspension,
07:02ma-implement na yung fare increase para magpatuloy ang servisyo ng mga provincial buses.
07:11Dagdag pasahe rin ang apila ng jeep ni driver na si Charlie Portizo.
07:15Kahit ano raw sipag, palaging kapos ang katiting daw niyang kinikita.
07:19Sa tutulang, sir, hindi naman namin kailangan talaga yung ayuda eh.
07:24Kailangan namin ngayon, sir, yung taasan mo lang yung pamasahe.
07:29Kahit yun man lang, yung yung ano namin para kahit pa paano makasurvive kami.
07:35Sabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez,
07:38ginagawa ng gobyerno ang lahat para matulungan ang mga driver at operator.
07:43At this point in time po, pinipiga pa rin natin ang gobyerno
07:47kung ano pwede nating ibigay na inisiyatibo, subsidiya.
07:53Tulad po ng fuel discount natin.
07:55Alam po namin yan na from 10 pesos naging 12 pesos,
07:59iniisip namin kung paano ito paabayin pa at isama yung mga iba't-ibang transport modes.
08:04Hanggat maaari raw, iniiwasan nilang magtaas ng pamasahe.
08:08Sana ho, ang pag-impose natin ng fair hike ay maging last resort.
08:15Pag nagtaas po tayo ng pamasahe, ay sigurado po makakadagdag din yan sa ating inflation.
08:22Makakatagdag sa presyo rin po ng servisyo at presyo ng mga goods.
08:27Gayunman, inataasan na raw ni Secretary Lopez ang LTFRB na pag-aralan ng sitwasyon
08:32at mag-sumiti ng rekomendasyon patungkol sa posibilidad na fair hike.
08:37Sa ngayon, naglalaro na sa 96 hanggang 110 pesos ang kada litro ng diesel,
08:43habang nasa 79 to 111 pesos naman ang gasolina.
08:47Pero sa susunod na linggo, posibi raw magka-rollback base sa trading kahapon.
08:52Pag naayos ho yung makare-supply si Saudi sa Strait of Hormos at maayos naman,
08:583 to 5 weeks dito sa Red Sea, talagang hindi ho tayo aabot ulit dun sa 150.
09:08Imagine the diesel at that time, MAPS price is at 256 USD per barrel.
09:14Ngayon, it's just around 176, hindi pa ho, at pababa na.
09:22At kung aggressive naman talaga si Saudi, then again, wala na ho yung ibang reason kasi na pwede pang mag
09:32-cost ng pagtaas.
09:33Pero abot-sikmura na ang epekto ng mataas na produktong petrolyo.
09:37Ang LPG maaaring tumaas ng 10 hanggang 25 pesos ang kada kilo ayon sa industry sources.
09:45Katumbas yan ng 110 hanggang 275 pesos na taas presyo sa kada 11 kilogram na tangki.
09:52Mataas ho talaga ang chance na may increase tayo sa LPG next month.
09:57But I hope until the end of this month, tumuloy-tuloy yung pagbaba ng Dubai crude.
10:05So much so na the next next month, at least, we'll have a lower chance of an additional increase in
10:15LPG.
10:16Dobly dagok yan para sa mga nagnenegosyo, lalo't mataas rin ang presyo ng mga sangka.
10:22Sobrang migat na po yun, lalo na 1,055 po. Tapos sa isang linggo, isang beses pa po kami gumagamit.
10:28Untian na lang po yung serve. Ganun na lang po. Kaya hindi po kasi pwedeng taas rin yung presyo ng
10:32ulam.
10:34Triple na nga ang presyo ng ilang upland vegetable o bulay bagyo sa litex market sa Quezon City.
10:39Brong taas ng diesel po ngayon. Ang hirap ng biyahe, sobrang layo.
10:45Mga makano tinaan.
10:46No triple po ngayon eh. Kasi ang repolyo po ngayon, 200 siya, kilo. Samantalang mga nakarad, 60 lang po.
10:54Kaya bukod sa pagbibigay ng subsidy sa mga magsasaka at maingisda,
10:59pinag-aaralan na rin ng Department of Agriculture ang pansamantalang pagtanggal ng toll sa mga nagbabiyahe ng agricultural products.
11:06We're checking with DOTR para may balik yung libring toll sa ating mga biyaheros ng mga agricultural products
11:17para ma-insure natin na mabawasan yung gastusin ng ating biyahero para pagbiyahe ng kanila mga agricultural goods.
11:26Ramdam rin ang epekto ng mataas na petrolyo sa mga grocery items.
11:30Hindi siya masapat. Nandun yung allowance, budget, yung gano'n. 600. E ilan sila? Tatlo. Kulang na kulang.
11:40Magluto na lang sila ng malunggay na may itlog. Para marami sabaw, yun na lang. E kung sa mahal din
11:48yung mga sardinas eh.
11:50Ayon sa grupong Philpin Amalgamated Supermarkets Association Incorporated,
11:54may ilang manufacturers nang napapaisip kung panahon na ba para magtaas ng presyo at aling mga produkto.
12:00Epekto raw ito ng mataas na presyo ng produktong petrolyo at patuloy na paghina ng piso konta dolyar.
12:07Sa grocery na ito halimbawa, maaaring magtaas na raw ang ilang produkto.
12:11Hanggang Friday lang po ang delivery namin. Kasi dati po, everyday yan, one week.
12:16Sa taas ang gasolina, binawasan po yung mga araw nila.
12:19Manufacturers have a difficult time thinking, should we increase prices now versus later?
12:25Kasi yun na nga, ang daming uncertainty hovering, no?
12:29Economic uncertainty hovering in the air, no?
12:32We're talking about gasoline prices still going up again.
12:35Ako si Gunadet Reyes, ang inyong saksi.
12:38Dalawang magkahihwalay na sunog ang sumiklab sa Metro Manila ngayong araw.
12:42Sa Valenzuela, alabins siyang napuesto sa isang palengke ang natupok.
12:46Saksi, si James Agustin.
12:52Pumuputok at naglalagablab ang apoy na gumising sa Pacheco Flame Market sa barangay Maysan, Valenzuela City.
12:57Bago mag-alas dos sa madaling araw kanina, labing siyang na pwesto ang damay sa sunog.
13:02Isa sa mga nagtitinda roon si Imelda.
13:05Natangi ang imahe ng Our Lady of Manawag ang naisalba.
13:08Naririnig ko, may nagpuputokan.
13:10Kaya, kano ba yung pumuputok na yun?
13:12Sige ako nagising.
13:14Nakita ko, lumiliyad na yung pwesto ng gulay.
13:18Yun nakita ko.
13:19Natarata na ako.
13:20Di ko na alam kung anong pupunin ko.
13:22Natupok daw lahat ng panindang isda, buli at mga delata.
13:25Nasa kabuan ay nagkakahalaga ng mahigit sa 35,000 piso.
13:28Bago mabili po ako.
13:30Say ko, sayang pa naman.
13:33Inutang ko pa naman yung pera para pamakyat ko lang.
13:35Dahil wala na akong punan.
13:37Umiyak na nga ako kanina kasi iniisip ko talaga yung mga babayaran namin.
13:43Dito lang kami umaasa.
13:45Apektado rin ang pwesto ng meat retailer na si Tase.
13:48Talagang mahirap.
13:50100 percent.
13:51Sana kung wala kang inulugang utang, inulugang kaming utang.
13:55Ang hinahanap po namin ngayon, yung pagpupwestuhan namin po saan maganda.
14:00Matapos sa may git isang oras na apula ang apoy.
14:03Walang naitalang nasugatan sa insidente.
14:05Pero siyam na pong porsyento ng panengke ang natupok ayon sa BFP.
14:09Ang laman po ng ating market, sir, is mixed po.
14:13May mga light materials din po tayo.
14:15And yung mga paninda po nila, malaman.
14:17Mabilis po siyang masunod talaga.
14:19Kumbaga po, medyo malaki yung fuel load.
14:24Base sa inisyal na imbisigasyo,
14:26nagsimula ang apoy sa isang pwesto sa bandang harapan.
14:29Pero patuloy ang pagkuhan ng mga karagdagang detalya ng Arson Investigator.
14:33Sinusubukan pang makuha ang panig ng pamuno ng palengke.
14:37Bago naman mag-alas 2 ng hapon,
14:40isang commercial building ang nasunog sa barangay 243 sa Tondo, Maynila.
14:44Agad naramiskonde ang mga bumbero,
14:46kaya naapula rin agad ang sunog
14:47na idiniklarang fire out pasado alas 2.30 ng hapon.
14:50Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinagmula ng sunog.
14:54Ako si James Agustin, ang inyong saksi.
Comments