00:00Day 28 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:04Sumentro sa pagliliti sa kumpanyang Gencorp Industries Incorporated
00:08na idiniklara mismo ni Vice President Sara Duterte bilang stockholder
00:13sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALEN.
00:17Kahit nakadeklara sa SALEN, wala ang pangalan ng BISE
00:20sa mga dokumentong isinumite ng kumpanya sa SEC.
00:24Ayon sa testigong mula sa SEC,
00:27maaari o manong may trustee o di kaya ay may control ang BISE sa shareholder ng kumpanya
00:32kaya iniisip niya na siya ang may-ari.
00:36Kung mali ang parehong dokumento, dapat na may pananagutan ng kumpanya o ang BISE ayon sa SEC.
00:42Yumabas din na nakakuha ng 44 na kontratang mahigit P35M sa gobyerno
00:48ang kumpanya kahit BISE Presidente na si Duterte.
00:52Ayon sa Philippine Government Electronic Procurement System,
00:5533 dito ay sa PhilHealth Region 11 worth 1.3 million pesos,
01:02isa sa OWA Region 11 na mahigit 300,000 pesos,
01:05at 15 sa Davao City kung saan mayor ang kapatid ng BISE na si Sebastian Duterte
01:11na may mahigit 30 million pesos ang halaga.
01:14Ipinatatawag ng Senate Impeachment Court ang alkalde sa susunod na linggo.
01:19Personal na naisilbi ng Senate Sergeant at Arms ang sabpina sa kampo ng mayor sa Davao.
01:25Naglabas naman ang pahayag si Mayor Duterte bago pa man ang pagdinig kanina.
01:30Sabi niya, hindi nila alam na may koneksyon ng kapatid na si VP Sara sa GenCorp.
01:35Hindi din daw nakalagay ang pangalan ng kapatid sa mga papeles ng GenCorp Industries Inc.
01:41sa mga dokumentong isinumite ng GenCorp sa LGU.
01:44Dumaan daw sa matinding pagsusuri ang GenCorp Industries at nakita raw nilang ito ang may pinakamababang bid.
01:52At alinsunod sa regulasyon, lahat daw ng labing siyam na kontrata ay naiproses,
01:57naireport at na-publish sa PhilJep's portal.
Comments