Skip to playerSkip to main content
  • 5 minutes ago
Silipin ang mga hakbang ng isang samahan ng mga manggagawa na nasa industriya ng live events upang isulong ang social protection

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alam niyo po mga kaibigan, quality music plus superb sound and lights is equals to ultimate event experience.
00:07Ito po ang patuloy na tinututukan ng isang samahan ng mga manggagawa na nasa industriya ng live events.
00:13Pero mga ka-RSP, hindi po biro ang sakripisyo at hamon na kanilang kinakahirap araw-araw.
00:19Kaya po silipin natin ang kanilang kwento.
00:23Sa likod ng bawat konsyerto, festival, corporate events at sa iba pang live production, may mga taong nagtatrabaho para tiyaking
00:32tuloy ang palabas.
00:34Sila mga technician, production assistant, driver, supplier, performer at iba pang manggagawa na kadalasang hindi nakikita ng publiko.
00:43Ngunit para sa ilan sa kanila, kasabay ng kasikatan ng live events industry, ay ang hamon na kalakip ng project
00:50-based at freelance na uri nang hanap buhay na mayroon sila.
00:54Ang role po nila ay napakalaga sapagkat yan nga po ang nagpapasok sa ating bayan ng bilyong-bilyong peso na
01:01nakita po.
01:03Sana po ay matulungan sila because at present sila po ay underrepresented. Yan nga po ang aming advocacy.
01:10Dahil nakadepende sa proyekto ang kanilang kabuhayan, maaring matapos din ang kanilang pinagkakakitaan pagkatapos ng isang event.
01:18Kaya isinusulong ng samahan ng manggagawa sa industriya ng live events o SMILE ang mas malinaw na labor standards, social
01:26protection at ang tuloy-tuloy na job opportunities.
01:30Underprivileged sila ngayon. Wala silang mga kontratang maayos para sa kanila ngayon.
01:36Except for some siguro na mga kilala. Pero karamihan po nung mga miembro po natin ng live events,
01:44mga walang protection po sa security of tenure at sa mga beneficyo sa gobyerno.
01:52Isa sa mga panukala ng grupo ay ang mapalakas ang training at certification programs para sa technical at production roles.
01:59Layunin nito na mas makilala ang skills sa mga manggagawa at mabigyan sila ng mas malinaw na career path sa
02:06industriya.
02:08Hanga din nila ang mas madaling akses sa SSS, PhilHealth, pag-ibig at iba pang social protection programs para sa
02:14mga freelance at project-based workers.
02:17Binibigyan din rin nila ang kaligtasan sa trabaho kaya isinusulong din ang mas malinaw na safety standards, sapat na training
02:24at accountability sa industriya.
02:26Sabi nga di ba, overwork pero walang overtime pay. So yun ang gagawin natin sa mga live events sa member
02:32natin. So we need the protection.
02:33Sa bawat palabas na nakikita ng publiko, may mga taong nagtatrabaho sa likod ng entablado.
02:39At ngayon, panahon ng mas mapakinggan ang kanilang kwento.
02:43At matiyak na sa likod ng bawat matagumpay na event ay ang manggagawang protektado, kinikilala at may mas matatag na
02:51kinabukasan.
02:52At matiyak na nakikita ng mga taong nga.
02:52At matiyak na nakikita ng mga taong nga.

Recommended