00:02Kinausap at pinakinggan ni Public Works Secretary Vince Dizon
00:05ang ilang residente sa Mother Ignatius at Quezon City
00:08na lumapit sa kanya habang iniinspeksyon ang ginagawang drainage inlet sa lugar.
00:13Dito ay nalaman ng kalihim na umaabot ng lagpastao ang baha sa lugar,
00:17lalo na kapag malakas ang buhos ng ulan.
00:19Kaya tiniyak ng kalihim na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang drainage improvement
00:24para kahit papanay unti-unting mabawasan ang pagbaha sa lugar.
00:27So ginagawa na natin ngayon yung pagpaparaki ng mga inlet.
00:33So ito yung kamukha nung ginawa natin.
00:35Nung nakita natin na nag-work yun sa may Estrella, EDSA,
00:40in-apply na natin yun sa buong NCR.
00:43So lahat ng distrito ngayon sa NCR,
00:45ina-identify po nila yung mga flood-prone areas sa mga national roads natin.
00:54At pinapalakihan natin, dinodobre o tinitriple natin yung mga laki ng inlet at dinadagdagan natin.
01:01Dinadagdagan din ang mga inlet sa lugar para mas mabilis na dumaloy ang tubig.
01:05Pero ayon sa kalihim, hindi ito sapat para tuluyang mawala ang pagbaha sa lugar.
01:10Kaya sisimula na sa January 2027 ang pagpapalaki ng drainage pipe,
01:15kung saan times 4 ang laki nito kumpara sa kasalukuyang drainage pipe.
01:19Ang gagawin natin dito, nakita naman natin yung effectiveness nung sa G. Araneta
01:24at sa Sumulong, sa Ross Boulevard, sa Taft Avenue, sa may Santa Isabel.
01:30Gagawin din natin dito yun starting January.
01:33Ayon sa kalihim, pasok na ang mga proyektong gagawin para sa 2027 budget
01:38at tinitiyak din ang kalihim na nakaayon ito sa Quezon City Master Plan.
01:42At gagawa din tayo dun sa Mother Ignacia sa may magapit sa EDSA.
01:47And meron din tayong gagawin na sa Timog Avenue, dito yan, pagkanan mo dyan,
01:54from Mother Ignacia papuntang Timog, may gagawin din tayo dyan, HDPE din.
01:58And sa Sargent Isguera.
02:00So yun ang mga apat na gagawin natin na flood-prone areas dito sa South Triangle.
02:05Umaasa naman ang mga residente sa lugar na kahit papano'y maiibsan ang dekada na nilang problema sa baha.
02:12Tuloy-tuloy ang pag-iikot ni Secretary Dizon sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila
02:16para siguruhin na hindi tumigil ang pagsasayos ng mga proyekto kontrabaha.
02:22J.M. Thompson, para sa bayan.