00:00Na-flag ng Commission on Audit ang P168M na ginamit ng Office of the Vice President sa ayuda noong 2025.
00:08Sabi ng COA, kulang ang documentation.
00:11May inconsistencies o may deviation mula sa guidelines ang paggamit sa Disaster Risk Reduction and Management Fund.
00:18Kabilang po dyan ang P84M na ginamit sa walong mission order na wala raw targeted beneficiaries.
00:25Meron ding P39M na halaga ng relief operations na wala umanong dokumentadong approval.
00:33At P25.27M ang ipinambili ng welfare goods na hindi umanong suportado ng mga kaukulang dokumento.
00:41May mga pagkakataon din umanong hindi tugma ang inilagay ng OVP na bilang ng mga apektado sa iniulat ng mga
00:48ahensya at LGU.
00:50Iniugnay ito ng OVP sa evolving disaster conditions.
00:53Sa panayam sa unang balita, sinabi ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na maglalabas ang OVP ng pahayag kaugnay
01:01nito kapag napag-aralan na nila ang COA report.