- 13 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:32Nahulog naman sa bangin sa Atok Benguet ang isang van.
00:35Patay ang driver habang sugataan ng tatuun niyang pasahero.
00:39Sa embesikasyon ng polisya, nawala ng kontrol ang driver sa pakurbang bahagi ng kalsada.
00:45Sinusubukan bang makuha na ng pahayag ang kaanak ng mga sakay ng van.
00:52Patay ang isang polis na nagbabantay sa checkpoint ng mabundol ng humaharurot na SUV.
00:57Yung driver, lasing umano.
01:00May report si James Paulo Yang ng GMA Regional TV.
01:07Habang nagbabantay ang mga polis na iyan sa checkpoint sa barangay Butuay sa Jimenez Misamis Oksiletal nitong lunes ng gabi,
01:15biglang dumaan ang SUV na iyan at binangga ang karatula ng checkpoint at isang polis.
01:21Kinilala ang biktimang si Polis Senior Master Sergeant Shelvib Quahaw Kabug.
01:27Hindi siya gidala tayong diretsyo sa pinakadool ng baraytang balanan.
01:32But after mga pila kauras ang nilabay, around 2pm niatong September 22,
01:39he was declared dead katungod sa mga injuris noong ayahang nakuha.
01:45Ayon sa PNP, nakasuot naman ng tamang gear gaya ng reflectorized vest ang kanilang mga kawani.
01:52Maliwanag din daw ang lugar.
01:54Nadakip ang driver ng nakabaggang sasakyan na isa o manong retiradong army personnel
02:00at nang isa ilalim siya sa breath analyzer test.
02:03Ang result nag-indicate nga kinisya is really under the influence of intoxicating liquor.
02:12Kinasuha na ang driver ng reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Drunk Driving Act of 2013.
02:21Wala siyang pahayag.
02:23Sinusubukan pang kuhana ng pahayag ang pamilya ng biktima.
02:27Sa isang pahayag, tiniyak ng Napolcom ang pagbibigay ng tulong sa mga naulila ni Kabog.
02:34Mula sa GMI Regional TV, James Paolo Yap, GMI News.
02:41Bumuho sa malakas na ulan sa Metro Manila ngayong araw.
02:44Sa Quezon City, may bumagsak na signage at nabual na puno na ikinasawin ng isang sumilo.
02:50May report si Joseph Moro.
02:55Malakas na buhos ng ulan at hampas ng hangin ang naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila kaninang hapon.
03:03Agad yan nagpabaha sa bahagi ng Southbound Lane sa may balintawak sa Quezon City.
03:08Bumagal din ang trapiko dahil sa gutter deep na bahas sa Scout Madreñan, Corner Tomas Moroto.
03:16Halos mag-zero visibility na rin.
03:18Sa Nia Road, malapit sa kanto ng Edsa, isang puno ang nabual.
03:22Tatlo ang nabagsakan kabilang isang babae na dead on arrival sa hospital.
03:27Nagsilong lang, pauwi na po yata.
03:29So bigla na lang pong bumual yung malaking puno ng balete.
03:33Basta sabay po yung kidlat saka yung hangin na umanoko.
03:38Tapos nakita niyo na po yun, may nabagsakan.
03:41Dalawang sasakyan naman ang nabagsakan ng signage ng isang bus terminal.
03:46Wala nasaktan sa insidente.
03:48Ayon sa pag-asal, localized thunderstorms ang nagpaulan sa Metro Manila kanina.
03:53Localized thunderstorm din ang nagpaulan ng nagpabaha kahapon sa Malbar, Batangas.
03:58Bukuho ang pader!
04:00Bukuho!
04:02Bukuho!
04:03Bumigay tuloy ang pader ng sisiling bakod ng isang bahay.
04:06Ay, you're watching!
04:09Ah!
04:12Ang taas!
04:13Inanod pa ang ilang mga gamit.
04:15Wala pa pong 20 minutes yung ulan.
04:18Kasi bigla po yung baha.
04:20Wala namang nasaktan sa insidente.
04:22Ayon sa uploader, mga baradong kanal sa lugar ang nagpalala ng baha.
04:28Kumabot naman hanggang tuhod ng baha sa Barangay Tabunok sa Talisay City.
04:32May mga edineploy na rin water pump ang DPWA sa mga binahang lugar.
04:38Ramdam din kahapon ang malakas na ulan sa Bohol.
04:42Joseph Morong, GMA News.
04:49Bago ngayong gabi, napanatiling ng Bagyong Queenie ang lakas ito habang kumikilos pahilagang kanluran.
04:55Huling namata ng sentro ng Bagyong 1,105 kilometers, silangan ng Southern or Northern Luzon.
05:02Sa ngayon, walang nakataas na anumang tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.
05:07Mababa rin ang chance na tumama ang bagyo sa lupa.
05:11Pero nagdadala ng mga pag-ula ng trough o buntot ng bagyo sa Bicol Region at sa naditirang bahagi ng
05:17Visayas.
05:18Gayun din sa Mindanao, Negros Island Region, Aklan, Iloilo, Guimaras at Siquijor.
05:25Localized thunderstorm naman ang nagpapaulan sa Metro Manila at naditirang bahagi ng bansa.
05:32May ginto na ang Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
05:37Bula yan kay Olympic Double Gold Medalist Carlos Iulo.
05:41Nakabiti Iulo ang pinakamataas na score na 14.666 sa men's floor exercise.
05:47Ito rin ang parehong kategorya kung saan nakakuha si Iulo ng dalawang gold medal noong 2024 Paris Olympics.
05:55Nakasama ni Carlos sa finals ng men's floor exercise ang kapatid niyang si Eldrew.
06:00Proud daw siya na makasama ang kapatid.
06:06Ayun na po yung best at yung kakayanan ko mabago ma-save lang po and recover po yun.
06:13Medya-medya lang po.
06:14Yung routine ko po so yeah, I'm just really happy and thankful po na walang nangyaring masama sa akin and
06:23sa lahat po ng competitors.
06:28Nauwi sa krimenang pagdajogging ng isang lalaki sa Mangaldan, Pangasinan.
06:33Pinagahabol at inundayan siya ng saksak ng isang matadero.
06:37Madaling araw nitong martes.
06:38May sinabi umano ang nakainom na sospek na hindi nagustuhan ng biktima kaya pinaghahampas niya ito.
06:45Kumalis ang sospek at kumuha ng kutsilyot.
06:48Binalika ng biktima.
06:50Naharap sa kasong frustrated homicide ang sospek na aminado sa krimen.
06:55Sinusubukan pa makuha ang pahayag ng biktima na nagpapagaling sa ospital.
07:00Palaisipan sa mga otoridad kung bakit nasa imbor na lang isang lalaki sa Quezon City.
07:06Kwento ng lalaki, may pinagdaraanan siya sa buhay pag-ibig.
07:10Pero duda riyan ang mga taga-barangay.
07:12May report si Marisol Abdo naman.
07:17Pahirapan ang pag-ahon sa lalaki ito
07:19nang abutan namin na nasa manho sa Caliraya Street, Barangay Tatalon, Quezon City kaninang umaga.
07:24Ang mga rumispunde, gumamit na ng iba't ibang aparato.
07:29Hanggang sa matagumpay siyang naiangat mula sa imburnal.
07:32Makailang beses namin tinanong ang lalaki kung paano siya napunta doon.
07:36Ba't napunta ka dyan?
07:39Diago, amo sa ilalim.
07:40Pero hindi siya sumagot.
07:42Isinakay siya sa mobil at dinala sa Barangay Hall.
07:45Ang kwento raw ng lalaki sa barangay,
07:47galing siya kagabi sa birthday ng dating kinakasama.
07:50Nung kinausap namin yung kinakasama niya po, matagal na daw silang wala.
07:55So parang yung lalaki, hindi matanggap siguro yung nangyari sa kanila nung kanya kinakasama,
08:00parang nagkaroon yata ng depresyon.
08:02Pero ang kapitan ng barangay, duda sa kwento ng lalaki.
08:06Very alarming na bakit dyan, dyan ka napunta.
08:11Pag tumalong ka kasi ma'am sa may San Juan River,
08:14daretsyo na yan ng San Juan River, dadaan ka na ng Araneta, Erod,
08:18pero ba't napunta ka dyan sa PAS?
08:21Baka mamaya, member siya ng isang kilalang grupo na gumagawa ng mga underground na,
08:28na kung tawagin nyo, parang termite gang.
08:32Dito sa manhole na ito, nakita ng mga barangay Tatalon at QCDRRMO
08:37ang lalaki bandang alas 8 ng umaga kanina.
08:40Ilang metro lang ang layo nito mula sa isang pawn shop na nasa tawid, kalsada lang.
08:45Pinakawalang din ang nasabing lalaki.
08:48Walang reason na i-hold namin siya kasi there's no accommodation naman na nagnanakaw or nagbubutas.
08:54Gayunman, hindi rin nagpapakakampante ang barangay,
08:57lalo sa pag-verify nila sa mga pulis,
08:59dati na palang nasakot sa carnapping ang nasabing lalaki.
09:02Kinumpan ma rin ito sa amin ng Quezon City Police,
09:04pero wala raw existing warrant.
09:07Assuming na dinahilan niya lang na nag-away siya,
09:10pero ang ibang purpose niya pala is mag-surveillance.
09:13Baka kasi mamaya, gabi yan o madaling araw pumasok dyan,
09:18natrap na lang siya dyan.
09:20Marisol Abduraman, GMA News.
09:23Pumingi ng temporary restraining order sa Korte Suprema,
09:26si dating Executive Secretary Vic Rodriguez,
09:29laban sa naging desisyon ng impeachment court kahapon
09:31sa magiging bataya ng two-thirds vote para makapag-convict.
09:36Ayon kay Rodriguez, walang kapangyarihan ng Senado bilang impeachment court man
09:40o legislative body na baguhin ang konstitusyon.
09:44Nakasaad daw sa saligang batas na two-thirds ng lahat ng membro ng Senado
09:48ang voting threshold,
09:50o katumbas ng naming-anim kung bibilangin ang lahat ng 24 na senador.
09:54Pero sa desisyon ng impeachment court kahapon,
09:57pwedeng hindi isama ang mga senador na wala sa araw ng butohan
10:01dahil nakakulong, nagtatago, o may sakit.
10:05Isang Chinese warship ang lumitaw sa kasagsaganang pagsasanay ng Pilipinas
10:09at anim na iba pang bansa sa dagat na sakop ng Zambales.
10:13Pero imbis na ang karaniwang radio challenge,
10:16tila inimbita ito ng Exercise Task Force na sumali sa formation.
10:21Hindi na sumagot ng mga Chinese na imbitado naman bilang membro ng ADMMO
10:26o ASEAN Defense Ministers Meeting Plus,
10:29pero piniling hindi magpadala ng mga barko o dumalo sa opening ceremony.
10:33Ang ADMM Plus ay ang regular na pagpupulong ng ASEAN Member States
10:39at walong ibang partner nations,
10:41kabilang ang China, US at Japan.
10:44Kabilang sa mga sinanay ay ang pagtutulungan sa panahon ng sakuna,
10:48sailing tactics at pagtiyak ng kaayusan sa karagatan.
10:53Ang kinatatakutan o ang probinsya sa Mindanao
10:55dahil sa presensya ng mga armado grupo,
10:58isa na ngayong up-and-coming tourist destination.
11:00Yan ay matapos makamit ng Suluang State of Stable Internal Peace and Security.
11:06Kung ano ang ibig sabihin niyan, alamin sa report ni Rafi Tima.
11:12Mula sa pagkaklas ng Moro National Liberation Front o MNLF noong dekada 70,
11:18hanggang sa sunog-sunod na mga kidnapping ng terorist ng grupong Abu Seah Group
11:22sa pagpasok ng bagong milenyo.
11:24Ganyan na kinala ang probinsya ng Sulu sa matagal na panahon.
11:28Pero kanina, e-dineklara ng probinsya na nakamit na nila
11:31ang State of Stable Internal Peace and Security o SIPs.
11:35Tahimik at wala na raw ang mga terorist ng grupong Abu Seah
11:38sa lahat ng kanilang labigsyam na munisipalidad.
11:40E-dineklara ng probinsya ang SIPs matapos umano
11:43ang mismong assessment mula sa militar, PNP at national government.
11:47Bilang patunay nito, daandaang mga armas
11:49ang buluntarong isinuko sa mga otoridad ng mga sibilyan,
11:52mga lokal na politiko at tribal leaders.
11:54Ang ilan, ginamit daw sa mga karahasan sa probinsya
11:58sa nakalipas na ilang dekada.
12:00Gusto namin ipakita ngayon na yung pagdadala ng armas
12:03nung araw na hindi namin maiwan-iwanan
12:06ay nagiging irrelevant na sa aming araw-araw na pamumuhay.
12:11We wanted more developments to come.
12:15Ika nga, when there's peace, comes development.
12:17Dahil dito, bukas na raw ang probinsya ng Sulu sa turismo.
12:21Kita nga mula sa himpapawid ang ilang resort
12:23na nagsulputan sa White Sand Beaches mula hulo hanggang patikol,
12:26mga lugar na dati hirap pasukin dahil sa presensya
12:28ng mga armadong grupo.
12:30Ayon sa mga lokal na opisyal at mga negosyante
12:33dito sa Sulu,
12:34dahil na't maayos na ang kanilang peace and order situation,
12:37saan na raw ay may mga dumagsana rito mga turista
12:40para masilayan ang ganda ng kanilang mga isla.
12:43Sa bayan ng look na madalas iniikutan noon
12:46ang teroristang grupong Abu Sayyaf,
12:47plano ng AFP na maging base ng Philippine Navy.
12:50Talagang manmanan natin na walang mangulo
12:53sa patuloy na development dito sa lugar
12:56para maging model community ang lalawigan ng Sulu.
13:01Dahil pakagal na natin pinaglagapan ito,
13:05ngayon kitang-kita na natin yung dibidento.
13:08Pagka bumitaw tayo, mag-relax tayo,
13:11baka mawala pa yan.
13:12Rafi Tima, GMA News.
13:15Iisang pamilya na lang umano ang nakikipagtulungan
13:18sa Department of Justice
13:19kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sa bongero.
13:23Ayon kay Prosecutor General Anthony Fadulion,
13:26hindi na makontakt ng mga prosecutor ang mga komplainan.
13:29At ang tangin na kikipagtulungan na lamang sa kanila
13:31ay ang pamilya ni John John Lasco.
13:34Pero paglilinaw ni Fadulion,
13:36patuloy nagugulong ang kasong kidnapping with homicide
13:39and serious illegal detention laban kay Atong Ang.
13:42Ang patuloy na magpipresenta
13:45ang DOJ ng mga ebidensya laban sa kanya,
13:49yun nga lang maapektuhanan niya
13:51ang civil aspect ng kaso
13:52o yung pagklaim ng danyos ng mga kaanak.
14:01Ilang personalidad at palabas ng GMA Network
14:04kinilala sa 2026 USTV Media Excellence Awards.
14:09Media Excellence Award in Responsible News Reporting
14:12si State of the Nation anchor Atom Arawlyo.
14:15Tatlong parangal naman ang nakuha ni Cara David.
14:19Media Excellence Awards in Education and Public Affairs
14:22at Media Influencer Award in Environmental Awareness and Advocacy.
14:28Si Kuya Kim Atienza ginawara ng Media Influencer Award
14:31in Science Communication.
14:33Wagiri ng Eyewitness ng Media and Excellence Award
14:36in Public Affairs
14:37at Media Excellence Award in Science Communication.
14:42Special Citation for Excellence in Magazine Show naman
14:45ang iginawad sa kapuso mo Jessica Soho.
14:49Habang Media Excellence Award in Education Program category
14:53ang I Wonder.
14:55Nakamit ng biyahe ni Drew
14:56ang Media Excellence Award in Responsible Tourism.
14:59Habang ang Born to be Wild naman
15:01ginawara ng Media Excellence Award
15:03in Environmental Awareness and Advocacy.
15:07Media Excellence Award in Entertainment
15:09and Popular Culture for Movie naman
15:11ang iginawad sa award-winning film na Balota.
15:14Four drama naman ang Yet Kapuso series
15:17na Maria Clara at Ibarra.
15:20Habang for game and reality show
15:22ang Pinoy Big Brother.
15:24Aubrey Carampel, GMA News.