00:00Inereklamo ng isang kumpanya sa Silangkavite na nagpaparami ng crayfish o hipong tabang.
00:07Sumbong na mga namuhunan.
00:09Wala pa rin ibinabalik sa kanilang kita ang Aqua Farming Company.
00:13Nakatutok si Oscar Oida.
00:18Aktwal na entrapment operation ito ng National Bureau of Investigation Criminal Intelligence Division o NBI-CRED
00:25laban sa isang Aqua Farming Company sa Silangkavite.
00:30Ang lalaki na kaputi, ahente ng NBI na nagpanggap na investor.
00:37Nagkapirmahan, nagkaabutan ng cheque at may picture taking pa.
00:43Pero matapos ang ilang sandali.
00:49Sumalakay na ang iba pang ahente ng NBI.
01:01Ikinasa ang operasyon ng NBI dahil sa reklamo ng ilan sa investors ng kumpanya.
01:07Kapag nag-invest ka raw, you stand to earn 70% return of investment only in a short period of
01:14time.
01:15Pero pagamat ang ating mga victims ay nag-invest ng kanilang pera,
01:21umabot na ng dalawang taon pero wala silang natanggap na kung anumang investment,
01:27return of investment from our subjects.
01:29Wala rin umanong permit to operate, lisensya o kahit application ang kumpanya
01:35mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
01:40Arestado sa naturang operasyon ang sinasabing marketing manager ng kumpanya.
01:45Depensa niya.
01:46Ang alam ko po, nag-apply sila ng BFAR registration.
01:50But as of na wala pa daw po lumalabas ng certification.
01:54I'm just an employee po kasi so hindi ko din po alam na may mga ganitong issue.
01:58Nahaharap ang mga suspects sa patong-patong na kasong estafa by false pretenses,
02:03paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Philippine Fisheries Code.
02:08Sa ngayon ay tinutukoy na ng NBI ang mga may-ari ng kumpanya para masampahan ng karagdagang kaso.
02:15Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.