Skip to playerSkip to main content
  • 22 minutes ago
Tuloy na sa Lunes ang taas-pasahe!
Ipatutupad na ang fare increase sa mga jeepney, bus, UV express, pati taxi at TNVS.
Ipinatigil din muna ng pangulo ang excise tax sa LPG at kerosene.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tuloy na sa lunes ang taas pasahe.
00:03Ipatutupad na ang fare increase sa mga jeepney, bus, UV express, pati taxi at TNVS.
00:09Ipinatigil din muna ng Pangulo ang excise tax sa LPG at kerosene.
00:13Yan ang report ni Ivan Mayrina.
00:18Nung unang kumagat ang krisis sa langis dahil sa pagpatok ng gera sa Middle East sa umpisa ng taon,
00:24sabay na sumipa ang presyo ng petrolyo.
00:26Ang busina noon ng mga tsyuper, taas pasahe.
00:30Aprobado na dapat yan noong Marso.
00:32Pero pinapreno ito ni Pangulong Bongbong Marcos bilang konsiderasyon sa mga komuter.
00:36Dahil nga may problema pa rin tayo dahil sa gera sa Middle East,
00:43ay sabi ko siguro hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe.
00:48Sa halip, nagbigay ng mga ayuda ang gobyerno para sa mga tsyuper.
00:51Pero hindi tumigil sa apela ang mga tsyuper.
00:54Pareho naman ang tono rito ng DOTR gaya noong Marso.
00:57Sana ho, ang pag-impose natin ng fair hike ay maging last resort.
01:04Ngayon, ang last resort ng gobyerno, wala nang atrasan.
01:08Inutusan po tayo ni Secretary Banoy na i-ease na po natin yung ating suspension
01:12ng March decision po natin na fair increase at i-implement na po ito.
01:18Ibig sabihin, aarangkada na sa lunes, September 28, ang naodlot at taas pasahe.
01:24Sa ordinary jeepney, ang 13 pesos sa minimum fair sa first 4 kilometers, magiging 14 pesos.
01:31Aakit din sa 2 pesos ang singil, kada sunod na kilometro.
01:34Sa modern jeepney, magiging 17 pesos ng minimum fair at 2 pesos and 40 centavos ang kada sunod na kilometro.
01:41Tataas din ang pamasahe sa mga city bus.
01:4415 pesos na ang singil sa first 5 kilometers sa ordinary bus at 2 pesos and 49 centavos sa kada
01:50sunod na kilometro.
01:52Sa air-conditioned city bus, magiging 18 pesos na ang minimum at halos 3 pesos sa kada sunod na kilometro.
01:58Gagalaw na rin ang pamasahe ng mga provincial bus na marami na nga nagbawas ang biyahe dahil sa mahal ng
02:03langis gaya sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
02:06Mula 2 pesos hanggang 3 pesos ang taas sigil kada sunod na kilometro, depende sa uri ng bus.
02:12At bukod pa po rito, yung mga wala po tayong disisyon noong March, like UV Express and taxi, meron po
02:19tayong inutusan po tayo na maglabas din ng provisional increase.
02:25Mula 2 pesos and 6 centavos hanggang 3 pesos ang magiging taas sigil per kilometer ng UV Express.
02:32Sa taxi, depende sa uri, magiging 65 to 90 pesos na ang flag down rate.
02:37Walang dagdag sa kada kilometro. Magiging 115 pesos sa manang singil sa airport taxi mula 75 pesos.
02:46Pero walang galaw sa kada patak na metro. Tataasin ang singil sa TNVS, depende sa uri ng unit.
02:52Aprobado rin ang 15 pesos per kilometer na pickup fare.
02:56May dagdagdamang 15% sa mga P2P o point-to-point.
03:00Otos ng DOTR, dapat maglabas ang fare matrix sa mga operator at manatili ang discount sa mga estudyante, senior citizen
03:07at PWD.
03:09Wala rin kwinta yan sa taas ng diesel.
03:11Okay lang siya. Maganda yung mataas kung din pamasahe.
03:14Pero ang tanong niya, yung mga commuter natin kung okay ba sila yan.
03:20Mayihirapan po ako din kahit nasabihin po natin na piso lang po yung increase.
03:24Mabigat din yung para sa mga commuter. Pero naiintindihan at naunawa naman natin din ang sitwasyon ng mga driver.
03:31Bukod sa fare hike, iniutos naman ni Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin ang excise tax sa LPG at kerosene.
03:37Matapos lumampas ng $80 per barrel ang krudo sa world market.
03:41Magkakaroon ng review kada buwan kung kailangan ituloy ang suspensyon.
03:45Hindi sakop ng utos ang diesel at gasolina na siyang ipinapanawagan ng transport sector.
03:51Ivan Mayrina, GMA News.
03:54Ivan Mayrina, GMA News.

Recommended