Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Bumuhos ang malakas na ulan sa Quezon City pasado na una na hapon kanina.
00:06Kasunod po yan ang thunderstorm advisory na inilabas ng pag-asa.
00:10Katamtaman hanggang malakas na ulan ang inaasahan sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang kalapit na probinsya.
00:18Magandang hapon po!
00:19Isang lalaking estudyante ang inreklamo dahil sa pamboboso sa may-ari ng tindahan sa Muntinlupa.
00:26Nahulikam siyang tatlong beses na namboso gamit ang kanyang cellphone.
00:30Nakatutok si Jonathan Andan.
00:36Nagpatulong magpaluto ng instant noodles ang lalaking ito sa babaeng may-ari ng Korean Mart sa Muntinlupa.
00:42Pag talikod ng babae, yumuko ang lalaking customer at itinutok ang cellphone niya sa ilalim ng palda ng babae.
00:50Parang may dumapli sa likod ko tapos pagharap ko po, yung camera niya po ng cellphone niya naka-open po.
00:59Sinek ng negosyante ang kuha ng mga CCTV sa tindahan. Agad silang tumawag ng mga taga-barangay at kinumpronta raw
01:06ang lalaki.
01:06Tinanong po siya na nasan yung cellphone mo. Tapos sabi niya, nadilit ko na. Nadilit ko na po. Tapos di
01:16kinuha ng barangay security yung cellphone niya.
01:18Sabi po nung barangay security sa kanya, nadilit mo na ha. Tapos binalig din po sa kanya yung cellphone niya.
01:26Sa barangay hall, ayon sa babae, inamin daw ng lalaki na hindi lang isang beses nangyari ang sinasabing pamboboso.
01:34Nang balikan ang bangkuhan ng CCTV, tatlong beses siyang nakunang itinatapat ang cellphone sa ilalim ng palda ng babaeng owner.
01:42Hindi makapaniwala ang biktima dahil tatlong taon na nilang regular na customer ang lalaki.
01:48Actually, ang daming CCTV dito sa shop neto. Dito pa lang sa side ko, apat na agad yung nakatutok sa
01:54iyong camera.
01:54Tapos meron pang karatola rito, nagsasabi na may CCTV.
01:58Dito nangyari yung insidente, meron din CCTV dito.
02:01Kaya nagtatakay yung may-ari ng shop at yung biktima kung paano naglakas loob pa rin yung suspect na gawin
02:06yung sinasabing pamboboso.
02:09Sa barangay hall, nagkaharap ang biktima at ang magulang ng 23 anyos na lalaki.
02:15Umiyak po yung mama niya. Yung istudyante po, nagsasori po siya.
02:20Patawarin ko na daw po yung anak nila kasi masisira nga daw po yung pag-aaral.
02:25Pero sabi ko po, alam ko po, naiintindihan ko po kayo.
02:29Pero yung ginawa po ng anak nyo, hindi po po talaga mapapatawad. Magkakaso po ako.
02:35Nakausap ko ang kaanak na inerereklamong lalaki.
02:38Kakausapin daw muna nila ang kanilang abogado at hindi muna sila magbibigay ng pahayag.
02:42Ayon sa barangay, pumapalag ang pamilya ng lalaki sa pag-post ng babae sa social media
02:47ng CCTV ng insidente na mabilis na nag-viral.
02:50Bali, yung sa side naman po nang nareklamo, willing naman daw po sila panagutan yung ano,
02:57yung ano man yung nagawa ng kamag-anak nila.
03:00Pero yung pag-post po sa may social media, pero doon po sila against.
03:05Hindi inaresto ang lalaking customer.
03:07Sabi ng babae, nagsumbong siya agad sa Muntinlupa Police noong gabi ng insidente, September 21.
03:13Sinubukan naming makapanayam ang hepe ng Muntinlupa Police pero tumanggi muna siyang magsalita.
03:18Noong biyernes, nagsampan ng reklamo sa piskalya ang biktima.
03:21Nagsende ko na mapig.
03:27Panawagan ko po sa mga kababaihan or kahit anumang gender,
03:32pag may bumasto sa inyo, magsalita kayo.
03:36Huwag kayong manahimik kasi sobrang hirap.
03:41Jonathan Andala, nakatutok 24 oras.
03:44Nagdahl sa lubak sa EDSA at tumilapon at nasugatan ng isang rider.
03:48Ang tugon po dyan ng DPWH sa pagtutok ni Gabriel Gonzales.
03:54Pasado hating gabi kanina, tumilapon ang rider na yan dahil sa malalim na lubak sa bahagi ng EDSA Southbound sa
04:01Kaloocan.
04:02Ayon sa saksi, humampas ang ulo ng rider sa semento nang matanggal ang kanyang helmet.
04:07Agad naman siyang tinulungan ng mga residente.
04:09Duguan binigyan ko po ng damit, parang hindi tagas ang tagas. Duguan po.
04:14Sugatan sa noo at iba pang bahagi ng katawa ng rider.
04:17Agad siyang nerespondehan ng Kaloocan City Rescue bago dinala sa paggamutan.
04:22Nilagyan muna ng traffic cones ang lubak.
04:25Ayon sa barangay, madalas makaaksidente ng mga motorista ang mga nasabing lubak.
04:30Ilang beses na po yan. Ginawa na po nila ng ispalto, inilagyan na nila.
04:34Pero balong din, buubutas din ulit. Ilang beses na po namin tinambakan yan para maiwas iskrasya.
04:42Inilapit ng GMA News ang insidente sa DPWH.
04:46Makalipas ang ilang oras, sa utos ni DPWH Secretary Vince Dizon,
04:50inaspaltuhan ng kanilang mga tauhan ang mga lubak.
04:53Ayon sa DPWH, sasaguti nila ang pagpapagamot ng rider.
04:57Tinututukan din daw nila ang pagbabantay at pagkukumpuni sa mga detektibong kalsada.
05:03Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
05:14Ngayong linggo, malalaman kung aharap sa impeachment trial
05:17sa Davao City Mayor Baste Duterte at dating Senador Antonio Trillanes
05:21na parehong pinatetestigo kong nais sa umano yung unexplained wealth
05:25ni Vice President Sara Duterte.
05:28Nakatutok si Joseph Moro.
05:32Inaasa ang haharap sa Senate Impeachment Court ngayong linggo
05:35ang magkatunggaling si Davao City Mayor Sebastian Duterte
05:38at dating Senador Antonio Trillanes IV.
05:41Mga testigo sila ng prosekusyon tungkol sa Article 2
05:44o hindi maipaliwanag na yaman,
05:47diwas tong statement of assets, liabilities and net worth o SALEN
05:50at negosyo ng vice.
05:51Inissuehan na ng subpina si Mayor Baste para humarap sa lunes.
05:56Uusisain siya tungkol sa 34 million pesos na kontratang ibinigay ng Davao City
06:00sa Gencorp Industries Incorporated
06:03na idineklara ng vice sa kanyang SALEN.
06:05The Gencorp Company previously is called Times Square Company
06:10and based on our information,
06:16this company is owned by a Chinese national.
06:20So mukhang merong proximity in terms of engagement with the Chinese government
06:26or with any Chinese entity.
06:28Sinusubukan naming hinga ng kumpirmasyon ng kampo ng Mayor
06:31kung sisipot siya sa trial pero wala pa itong tugon sa ngayon.
06:35As to whether or not he would go, that is entirely up to him.
06:40But on the enforcement of the subpina power, he has to come.
06:44Wala pa namang inilalabas sa subpina para kay Trillanes
06:47pero hiniling ng prosekusyon na humarap siya sa lunes, martes o merkules.
06:52Base sa sinampangang salaysay ni Trillanes,
06:54may joint bank accounts daw ang mag-amang VP Sara
06:57at dating Pangulong Rodrigo Duterte
06:59kung saan mula 2003 hanggang 2016
07:02may pumasok na tinatayang lampas 2 bilyong piso.
07:06Hinihingi pa namin ang panig ng depensa
07:08pero batay sa sagot nila dati sa korte,
07:11dati nang itinanggi ng vice ang mga paratang ni Trillanes.
07:14Wala raw siyang alam tungkol doon
07:16at ang mga dokumentong hawak ni Trillanes
07:18ay hindi dapat paniwalaan
07:20at lumalabag sa confidentiality ng mga bank account
07:23sa ilalim ng batas kaya hindi dapat tanggaping ebidensya.
07:27Nakapila rin bilang testigo ng prosekusyon
07:29ang Anti-Money Laundering Council Executive Director
07:32kaugnay sa mga record nito
07:34sa vice kaugnay sa unexplained wealth nito.
07:37Ayon sa Senate Impeachment Court,
07:39karapatan ang depensa kung haharangin nila ito.
07:42Pero pinayagan na dati ng Senado
07:44na kunin ang mga bank at AMLOC record.
07:47Hinihingan din namin ng panig
07:48ang depensa tungkol dito.
07:50Simula bukas, lunes hanggang biyernes na
07:52ang pagdinig hanggang sa October 15.
07:54Simula October 1, maghapon na ito,
07:57wala alas 10 ng umaga
07:58hanggang bandang alas 7 ng gabi.
08:00Dati nang sinabi ng prosekusyon
08:02na target na lang matapos
08:03ang presentasyon ng kanilang mga ebidensya
08:05sa ikalawang linggo ng Oktubre.
08:07Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.

Recommended