00:00Samantala po mga kapuso, nagbabala po ang Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB
00:04na posibleng pagmultahin ang mga operator na lalahok sa Tigil Pasada.
00:12Ayon po kay LTFRB Acting Chairman Greg Pua Jr.,
00:16pagpapaliwanakin at pagmultahin ng 5,000 piso sa first offense ang mga operator.
00:22Posible pong suspension at kanselasyon naman ng prangkisa ang parusa sa mga susunod na offenses.
00:27Paliwanag ni Pua, nakalagay sa prangkisa ng mga operator na hindi dapat maudlot ang pagsaservisyo ng mga tsyoper sa publiko.
00:36Ngayong araw, magsisimula nga po ang Tigil Pasada o nagsimula na yung Tigil Pasada ng Grupo Manibela
00:43bilang protesta sa napakataas na presyo ng produktong petrolyo.
00:46Ayon kay Manibela at Chairman Marvel Buena, huwag sana silang gipitin at takutin,
00:51lalo't wala naman ani ang konkretong solusyon ng gobyerno sa kanilang mga hinaing.
00:54Bukas naman, magsisimula ang Tigil Pasada ng Piston.
00:58Hanggang Merkoles, September 30, ang Tigil Pasada ng dalawang grupo.