00:00Naka-uwi na sa Nueva Ecija ang dating OFW na si Mary Jane Veloso matapos bigyan ni Pangulong Bongbong Marcos
00:06ng absolute pardon.
00:08Matapos ang 16 na taon, masaya si Veloso na muling makasama ang kanyang pamilya.
00:13Una raw nilang plano ay mag-family bonding.
00:16Lubos ang pasasalamat ni Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos para sa kanyang tuluyang paglaya.
00:21April 2010, naaresto si Veloso sa Indonesia nang makita ng droga ang bagahing ipinabit-bit sa kanya ng kanyang recruiter.
00:28Doon siya nakulong at nalagay pa sa death row.
00:32December 2024 nang i-turnover ng Indonesia si Veloso sa Pilipinas.
00:37Itinuring ni Veloso na blessing ang pagpapalaya sa kanya.