Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang lalaking estudyante ang inereklamo ng babaeng may-ari ng isang tindahan sa Muntinlupa
00:04dahil sa nahulikam na pamboboso sa kanya gamit ang cellphone.
00:10Humingi na raw ng tawad ang estudyante na magharap sila sa barangay
00:13pero ang babae, desididong ituloy ang reklamo.
00:17Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:21Nagpatulong magpaluto ng instant noodles ang lalaking ito
00:24sa babaeng may-ari ng Korean Mart sa Muntinlupa.
00:27Pag talikod ng babae, yumuko ang lalaking customer
00:31at itinutok ang cellphone niya sa ilalim ng palda ng babae.
00:44Sinek ng negosyante ang kuha ng mga CCTV sa tindahan.
00:47Agad silang tumawag ng mga taga-barangay at kinumpronta raw ang lalaki.
00:58Na-delete ko na po.
01:00Tapos di kinuha nung barangay security yung cellphone niya.
01:04Sabi po nung barangay security sa kanya,
01:07o na-delete mo na ha.
01:09Tapos binalig din po sa kanya yung cellphone niya.
01:12Sa barangay hall, ayon sa babae,
01:14inamin daw ng lalaki na hindi lang isang beses nangyari
01:17ang sinasabing pamboboso.
01:20Nang balikan ng bangkuha ng CCTV,
01:22tatlong beses siyang nakunang itinatapat ang cellphone
01:25sa ilalim ng palda ng babaeng owner.
01:28Hindi makapaniwala ang biktima
01:30dahil tatlong taon na nilang regular na customer ang lalaki.
01:33Actually, ang daming CCTV dito sa shop neto.
01:36Dito pa lang sa side ko,
01:37apat na agad yung nakatutok sa iyong camera.
01:40Tapos meron pang karatola rito,
01:41nagsasabi na may CCTV.
01:43Dito nangyari yung insidente,
01:45meron din CCTV dito.
01:46Kaya nagtataka yung may-ari ng shop
01:48at yung biktima kung paano naglakas loob pa rin
01:50yung suspect na gawin yung sinasabing pamboboso.
01:54Sa barangay hall,
01:56nagkaharap ang biktima at ang magulang
01:58ng 23 anyos na lalaki.
02:00Umiyak po yung mama niya.
02:01Yung estudyante po,
02:03nagsasori po siya.
02:05Patawarin ko na daw po yung anak nila
02:07kasi masisira nga daw po yung pag-aaral.
02:10Pero sabi ko po,
02:11Ma'am, ano, alam ko po,
02:13naiintindihan ko po kayo.
02:14Pero yung ginawa po ng anak nyo,
02:16hindi po po talaga mapapatawad.
02:18Magkakasok po ako.
02:20Nakausap ko ang kaanak
02:21ng inerereklamong lalaki.
02:23Kakausapin daw muna nila
02:24ang kanilang abogado
02:25at hindi muna sila magbibigay ng pahayag.
02:27Ayon sa barangay,
02:28pumapalag ang pamilya ng lalaki
02:30sa pag-post ng babae sa social media
02:32ng CCTV ng insidente
02:34na mabilis na nag-viral.
02:35Balin yung sa side naman po
02:37ng inerereklamo,
02:39willing naman daw po sila panagutan
02:42yung ano man yung nagawa
02:44nung kamag-anak nila.
02:45Pero yung pag-post po sa may social media,
02:48pero dun po sila against.
02:50Hindi inaresto ang lalaking customer.
02:53Sabi ng babae,
02:54nagsumbong siya agad sa Muntinlupa Police
02:55noong gabi ng insidente,
02:57September 21.
02:58Sinubukan naming makapanayam
02:59ang hepe ng Muntinlupa Police,
03:01pero tumanggi muna siyang magsalita.
03:02Noong Biyernes,
03:04nagsampan ng reklamo sa priskalya
03:05ang biktima rin.
03:07Saan di ko na mapigil?
03:12Panawagan ko po sa mga kapabaihan
03:15o kahit anumang gender,
03:17pag may bumasto sa inyo,
03:19magsalita kayo.
03:21Huwag kayong manahimik
03:22kasi sobrang hirap.
03:26Jonathan Andal,
03:27nagbabalita para sa GMA News.
03:32Huwag kayong manahimik

Recommended