Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong September 28, 2026


-2-anyos na batang lalaki, sugatan matapos masagasaan ng closed van

-Day 1 ngayong araw ng transport strike ng grupong MANIBELA

-Taas-pasahe sa public utility vehicles, epektibo ngayong araw

-Kabi-kabilang pagguho, naitala sa Benguet sa gitna ng malalakas na ulan; Ipuipo, namataan sa Buenavista

-PAGASA: Thunderstorm Advisory, nakataas sa malaking bahagi ng Metro Manila hanggang 12:02pm

-Tricycle, nasalpok ng bus; 2 patay, 3 sugatan

-Nakaparadang tricycle sa Brgy. Malued, tinangay; suspek, tinutugis

-Team Sparkle, masaya sa suporta sa kanila sa "Bida sa Arena: The Rematch"

-Mary Jane Veloso, nakauwi na sa Nueva Ecija matapos bigyan ng absolute pardon ni PBBM

-Lalaking estudyante, inireklamo dahil sa pamboboso sa babaeng may-ari ng tindahan

-Lalaki, patay matapos sumalpok sa puno ang minamanehong pick-up truck

-2, patay matapos pagbabarilin sa Brgy. Pembalkan; isa pa, sugatan

-Team Sibol, naka-bronze sa E-sports na Pokemon Unite; John Cabang Tolentino, nanalo ng bronze medal sa Men's 110m hurdles final

-2 turistang Pinoy, patay sa aksidente sa bus; 19, sugatan; Ph Consulate General sa Frankfurt: 33 turistang Pinoy ang sakay ng naaksidenteng bus

-INTERVIEW: MAR VALBUENA MANIBELA

-3, sugatan sa karambola ng 7 sasakyan sa Maynila

-COA: Hindi naabot ng NFA ang itinakdang 15-day rice buffer stock noong 2025

-MANIBELA: Nasa 20,000 hanggang 25,000 na tsuper ang hindi bumiyahe sa iba't ibang ruta sa Metro Manila

-LTFRB: Ipinatutupad lang namin kung ano ang nasa rules and regulations ng ahensiya

-Ilang Kapuso stars, rumampa sa two-day fashion showcase ng iba't ibang clothing brand nitong weekend

-Carlos Yulo, itinuring na miracle ang makakuha ng 2 gold medal sa 2026 Asian Games

-Rodulfo Gracioso, Jr., iginiit na mula 2017 pa niya kakilala si VP Sara Duterte; nauna na itong itinanggi ng bise

-PNP Chief Nartatez: Rodulfo Gracioso, Jr., naging security detail ni dating House Speaker Lord Allan Velasco

-Presiding Officer Sen. Chiz Escudero: Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte, dadalo sa impeachment trial bukas at sa Miyerkules

-CBB: Kuliglig road trip at food trip ng magbabarkada, kinaaaliwan online



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Transcript
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:09.
00:09.
00:09.
00:10.
00:10.
00:10.
00:10.
00:12.
00:13.
00:14.
00:15.
00:15.
00:15.
00:15.
00:16.
00:16.
00:16.
00:16.
00:16.
00:16.
00:16.
00:17.
00:17.
00:17.
00:17.
00:17.
00:18.
00:20.
00:24.
00:25.
00:25.
00:26.
00:26.
00:26.
00:27.
00:27.
00:27.
00:29.
00:29.
00:30.
00:30.
00:30.
00:30.
00:30.
00:30.
00:30.
00:30.
00:30.
00:31.
00:31.
00:31.
00:31.
00:33.
00:33.
00:33.
00:33.
00:35.
00:35.
00:36.
00:36.
00:36.
00:36It's been a long time for the hospital.
00:38It's been a long time for the close van to be able to get out of the hospital.
00:43The news is Gabriel Gonzalez.
00:49In the CCTV, it's a long time for the close van to Amparo,
00:55on Sanana Road, Barangay 180, Caloocan.
00:58It's suddenly a two-year-old boy.
01:05It's been a long time for the close van to be able to get out of the hospital.
01:32Na hindi nila masyadong nabantayan ng apo noong hapong iyon.
01:36Iniwan daw siya ng kanyang mga magulang para magpa-check up dahil buntis ang nanay ng bata.
01:41Hindi rin ko napansin na yun kasi pagod din ako kaya naglaba din ang anak ko.
01:45Iniwan ko, ilabada ko dun.
01:48Kasi nandito yung apo kong nalalaki ang nagbabantay.
01:51Labis ang pasasalamat nila na nakaligtas ang apo.
01:55Siguro na ano ng in-jel, sinagip ng in-jel yun.
01:59Hello, mama, sabi niya gano'n sa akin.
02:01Nakarecover naman.
02:03Ayon sa North Caloocan Traffic Sector,
02:05pinakawalan din ang driver ng close van matapos magkasundo ang magkabilang panig.
02:11Sasagutin daw ng kumpanya ng driver ang lahat ng gastos sa pagpapagamot sa bata.
02:17Paalala naman ng mga otoridad.
02:19Sa mga motorista, maingat din sila kasi buhay yung nasasagasaan and then ang magulang,
02:26responsable sila sa kanilang anak. Lagi nilang gagabayan.
02:31Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:36Umarangkada na ngayong araw ang tatlong araw na tigil pasada ng grupong Manibela.
02:41Kaninang umaga, nagkaravan pa Pilkoa ang ilang membro ng transport group
02:44at iba pang mga driver ng pampublikong sasakyan.
02:47Kabilang dyan ang ilang TNVS at UV drivers, motorcycle taxi riders at ilang truckers group.
02:54Panawagan nila, iba ba ang presyo ng mga produktong petrolyo,
02:58itaas ang pasahe at tanggalin ang excise tax at vats sa petrolyo.
03:02Sabi ng Manibela na sa mahigit 20,000 jeep ni driver nila ang hindi bumiyahe ngayong araw.
03:09Sa panayam ng unang balita, sa unang hirit kay LTFRB Acting Chairman Atty. Greg Pua Jr.,
03:14iginit niya na itinatutupad lang ng ahensya kung ano ang nasa rules and regulations.
03:19Ayon sa LTFRB, sa condition of franchise,
03:22maaaring pagmultahin o magkaproblema sa parangkisa ang mga lalahok sa tigil pasada.
03:28Epektibo na ang taas pasahe sa public utility vehicles ngayong araw.
03:33Mula po sa dating P13, P14 na ang pamasahe sa unang apat na kilometro sa traditional jeep.
03:39P2 naman sa kada succeeding kilometre.
03:42P17 naman ang bagong base fare sa modern jeepney.
03:45P2 and 40 centavos naman sa kada succeeding kilometre.
03:49Sa ordinary bus, P15 ang pamasahe sa unang limang kilometro.
03:54P2 and 49 centavos naman sa kada succeeding kilometre.
03:58P18 para sa air-conditioned city buses.
04:01P2 and 98 centavos ang madaragdag sa kada kilometro.
04:05P12 naman ang pamasahe sa first five kilometres sa ordinary provincial buses.
04:10Nasa P2 and 20 centavos hanggang P3 and P35 centavos naman sa madaragdag sa kada succeeding kilometre.
04:18Depende kung air-conditioned, deluxe, super deluxe o luxury ang inyong masasakyang provincial bus.
04:24Ang mga traditional unit ng UV Express, may taas pasahe na P2 and 60 centavos kada kilometro.
04:31P3 naman sa mga modern unit.
04:33Ang mga regular na taxi, P65 ang flag down rate.
04:37Nasa P80 hanggang P95 ang flag down rate kung premium ang taxi service.
04:43Ang airport taxi, nasa P115 ang bayad sa unang limang daang metro.
04:48Wala namang magpagbabago sa singil kada tatlong daang metro at bawat dalawang minuto.
04:54Sa TNVS, ang epektibo ng pamasahe kung sedan ay P65.
04:59P75 kung AUV o SUV, P55 naman kung hatchback.
05:04P165 sa mga premium TNVS.
05:07Ang pick-up fare na mga yan, P15 kada kilometro.
05:11Pinapaalalahana ng DOTR at LTFRB ang mga operator at driver na ipaskill ang updated fare guide sa kanilang mga unit
05:19para maningil o bago sila maningil ng bagong taas pasahe.
05:30Kabi-kabila ang mga landslides sa Benguet sa gitna ng mga biglaang pagulan itong manakarang araw.
05:35Humamba lang sa Halsema Highway ang mga batong gumulong mula sa bundok sa Atok, Benguet.
05:40May nangyari ring rock slide sa lugar na iyon noong August 31.
05:45Nagsasagwana ng clearing operations ng Department of Public Works and Highways.
05:49Landslide naman ang nangyari sa isang bahagi ng gubat sa Bocod, Benguet kasunod ng malalakas na ulan.
05:55Walang iniulat na nasaktan sa insidente.
05:58Nakuna ng video ang pagsulpot ng ipo-ipo o water spout sa dagat malapit sa Sityo Batang sa Buena Vista,
06:04Guimaras.
06:05Nagtagal yan ng tatlong minuto ayon sa isang residente.
06:08Ayon sa pag-asa, may nakataas na thunderstorm advisory sa nasabing lugar nang mamataan ang ipo-ipo.
06:17Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa malaking bahagi ng Metro Manila.
06:21Inaalerto ng pag-asa ang mga residente sa biglaang malakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat hanggang pasado alas
06:2812 ngayong tanghali.
06:30May thunderstorm advisory din sa ilang bahagi ng Bataan, Cavite, Laguna at Rizal.
06:35Isinailalim naman sa thunderstorm watch hanggang alas 10 mamayang gabi ang Ilocos Norte,
06:41Cagayan, Aurora, Occidental, Mindoro, Palawan, Halos Mung Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.
06:48Wala na ang bagyong Queenie matapos tumabas ng Philippine Area of Responsibility nitong weekend ayon sa pag-asa.
06:55Enter Tropical Convergence Zone o ITZZ ang magpapaulan ngayon sa Palawan, Visayas at Mindanao.
07:02Mas makakaasa sa maayos at maaraw na panahon ang Metro Manila at ilang pang bahagi ng Luzon pero posibli pa
07:09rin ang mga local thunderstorm.
07:17Dalawang patay matapos masalpok ng bus ang isang tricycle sa San Pascual, Batangas.
07:21Sa kuhan ng dashcam, makikita ang bus na tinatahak ang kalsada.
07:26Puminto naman sa gilid ng kalsada ang isang tricycle, ilang sandali pa.
07:30Naasalbok ng bus ang likurang bahagi ng tricycle dahilan para tumilapon ito.
07:36Isa sa mga pasahero ng tricycle ang agad nasawi.
07:39Binawian naman ang buhay sa ospital ang tricycle driver.
07:43Tatlong iba pa ang sugatan.
07:45Nakakulong ngayon ang bus driver na maaharap sa mga kaso.
07:48Wala siyang pahayag.
07:51Pulikam naman sa Dagupan, Pangasinan, ang pagtangay ng isang lalaki sa nakaparadang tricycle.
07:57Nilapitan ng lalaking niya ng isang tricycle sa gilid ng kalsada sa barangay Maluged o Malued.
08:03Isang nga saglit pa.
08:04Sinakyan niya ito.
08:05Pinaandar at saka pinatakbo.
08:07Umaga na ng mapansin ang may-ari na nawawala ang kanyang tricycle na ginagamit niya pantustos sa pangagastusin para sa
08:14kanyang pamilya.
08:16Inireport na ang insidente sa pulisya.
08:18Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga otoridad habang nagpapatuloy ang imbesigasyon.
08:30Monday Latest!
08:31Thankful sa magandang laban at maingit na suporta ng fans ang Team Sparkle sa kanilang basketball match sa Bidas sa
08:39Arena The Rematch sa Cebu City.
08:42Pinangunahan ni Team Captain David Licaco ang Team Sparkle.
08:46Mahigpit ang naging laban kontra sa Team Third Floor.
08:50News ng team si Shubi Etrata.
08:52Full support din si na GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez,
08:58Sparkle First Vice President Joy Marcelo,
09:01at Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia.
09:04Natapos ang laban sa score na 86-82 na apat na puntos ang lamang ng Team Third Floor.
09:12Para sa Team Sparkle, unforgettable daw ang experience nila sa naging laban.
09:27Naka-uwi na sa Nueva Ecija ang dating OFW na si Mary Jane Viloso matapos bigyan ni Pangulong Bongbong Marcos
09:33ng absolute pardon.
09:35Matapos ang 16 na taon, masaya si Viloso na muling makasama ang kanyang pamilya.
09:40Una ron nilang plano ay mag-family bonding.
09:43Lubos ang pasasalamat ni Viloso kay Pangulong Bongbong Marcos para sa kanyang tuluyang paglaya.
09:47April 2010, naaresto si Viloso sa Indonesia nang makita ng droga ang bagaheng ipinabit-bit sa kanya ng kanyang recruiter.
09:56Doon siya nakulong at nalagay pa sa death row.
09:59December 2024, nang i-turnover ng Indonesia si Viloso sa Pilipinas.
10:03Itinuring ni Viloso na blessing ang pagpapalaya sa kanya.
10:08Isang lalaking estudyante ang inareklamo ng babaeng may-ari ng isang tindahan sa Muntinlupa
10:13dahil sa nahulikam na pamboboso sa kanya gamit ang cellphone.
10:19Humingi na raw ng tawad ang estudyante na magharap sila sa barangay.
10:22Pero ang babae, desididong ituloy ang reklamo.
10:26Balitang hatid ni Jonathan Andal.
10:30Nagpatulong magpaluto ng instant noodles ang lalaking ito sa babaeng may-ari ng Korean Mart sa Muntinlupa.
10:37Pagtalikod ng babae, yumuko ang lalaking customer at itinutok ang cellphone niya sa ilalim ng palda ng babae.
10:44Parang may dumapli sa likod ko.
10:47Tapos pagharap ko po, yung kamera niya po ng cellphone niya, naka-open po.
10:53Sinek ng negosyante ang kuha ng mga CCTV sa tindahan.
10:56Agad silang tumawag ng mga taga-barangay at kinumpronta raw ang lalaki.
11:01Tinanong po siya na nasan yung cellphone mo.
11:04Tapos sabi niya, nadilit ko na.
11:07Nadilit ko na po.
11:09Tapos di kinuha ng barangay security yung cellphone niya.
11:13Sabi po ng barangay security sa kanya,
11:16O nadilit mo na ha.
11:18Tapos binalig din po sa kanya yung cellphone niya.
11:20Sa barangay hall, ayon sa babae,
11:23inamin daw ng lalaki na hindi lang isang beses nangyari ang sinasabing pambuboso.
11:28Nang balikan ng bangkuhan ng CCTV,
11:31tatlong beses siyang nakunang itinatapat ang cellphone sa ilalim ng palda ng babaeng owner.
11:36Hindi makapaniwala ang biktima dahil tatlong taon na nilang regular na customer ang lalaki.
11:42Actually, ang daming CCTV dito sa shop na ito.
11:45Dito pa lang sa side ko, apat na agad yung nakatutok sa iyong kamera.
11:48Tapos meron pang karatola rito, nagsasabi na may CCTV.
11:51Dito nangyari yung insidente, meron din CCTV dito.
11:55Kaya regtatahay yung may-ari ng shop at yung biktima kung paano naglakas loob pa rin yung suspect na gawin
12:00yung sinasabing pambuboso.
12:03Sa Barangay Hall, nagkaharap ang biktima at ang magulang ng 23 anyos na lalaki.
12:09Umiyak po yung mama niya. Yung istudyante po, nagsasori po siya.
12:14Patawarin ko na daw po yung anak nila kasi masisira nga daw po yung pag-aaral.
12:19Pero sabi ko po, alam ko po, naiintindihan ko po kayo.
12:23Pero yung ginawa po ng anak nyo, hindi po po talaga mapapatawad. Magkakaso po ako.
12:29Nakausap ko ang kaanak ng inerereklamong lalaki.
12:32Kakausapin daw muna nila ang kanilang abogado at hindi muna sila magbibigay ng pahayag.
12:36Ayon sa Barangay, pumapalag ang pamilya ng lalaki sa pag-post ng babae sa social media ng CCTV ng insidente
12:42na mabilis na nag-viral.
12:44Balin yung sa side naman po ng inerereklamo, willing naman daw po sila panagutan yung ano man yung nagawa ng
12:53kamag-anak nila.
12:54Pero yung pag-post po sa may social media, pero doon po sila against.
12:59Hindi inaresto ang lalaking customer.
13:01Sabi ng babae, nagsumbong siya agad sa Muntinlupa Police noong gabi ng insidente, September 21.
13:07Sinubukan naming makapanayam ang hepe ng Muntinlupa Police pero tumanggi muna siyang magsalita.
13:12Noong biyernes, nagsampan ng reklamo sa priskalya ang biktima.
13:15Saan di ko na mapigay?
13:21Panawagan ko po sa mga kababaihan o kahit anumang gender, pag may bumasto sa inyo, magsalita kayo.
13:30Huwag kayong manahimik kasi sobrang hirap.
13:35Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA News.
13:42Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa puno ang minamano niyang pick-up truck sa Negros Oriental.
13:48Ayon sa investigasyon, galing lalibertad ang pick-up at papuntang gihulngan City Proper
13:54nang mawalan umano ng kontrol ang driver sa barangay McKinley.
13:58Lumabas din sa investigasyon na mabilis ang takbo ng sasakyan.
14:02Hindi naman daw nakaino ng driver at hindi rin madulas ang kalsada.
14:05Inaalam pa ang sanghi ng aksidente.
14:10Dalawa ang patay habang isa ang sugatan sa pamamaril sa Mama Sapano, Maguindanao, Del Sur.
14:16Base po sa investigasyon ng polisya, sakay na mga o ang mga biktima ng isang tricycle
14:21ng pagbabarilin sa loob ng bahagi ng barangay Pembalkan noong Webes.
14:27Nagpapagaling pa sa ospital ang isa sa mga biktima.
14:30Sinusubukan pa siyang makuhana ng pahayag pati ang mga kaanak na mga nasawi.
14:35Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
14:43Nadagdagan pa ang mga medalya ng Pilipinas at 2026 Asian Games sa Japan.
14:48Kahapon, dalawang bronze medal ang nadagdag sa medal tali ng bansa.
14:52Sa e-sports, naka-bronze medal ang team Seaball Pokemon Unite contra Indonesia.
14:58Nakuhan naman ni John Cabang Tolentino ang unang medalya ng Pilipinas sa Athletics
15:02matapos maka-bronze sa men's 110-meter hurdles final.
15:08Noong Sabado, wagin ang bronze si Albert Ian De Los Santos sa men's 70-kilogram division weightlifting.
15:15Sa gymnastics, nakakuha rin ang bronze si Carl Eldre Yulo sa men's horizontal bar final noong biyernes.
15:23Sabang dalawa naman, ang silver medal.
15:26Dagdag dyan ang nakuha ang silver ng Gilas Pilipinas Women sa X3X Basketball Women Finals laban sa Japan.
15:34Dalawa na rin ang gintong medalya ng Pilipinas.
15:36Galing yan kay Olympic gold medalist Carlos Yulo sa men's floor exercise at men's vault final.
15:43Handa na si Pinay tennis star Alex Yala para sa women's single second round contra Thailand.
15:48Sa ngayon, nasa 16th place ng Pilipinas na may labintatlong medalya sa Asian Games.
15:54Nangunguna sa medal tali ang China na sinusunda ng Japan at Korea.
15:59Kani-kanina lang, isa na namang bronze medal ang nadagdag para sa Pilipinas.
16:03Mula po yan sa Team Civil Honor King's eSports.
16:12Patay ang dalawang turistang Pinoy matapos maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa Germany kahapon.
16:17Ayon sa pulis siya, galing Milan at mapunta sa isang festival sa Munich ang bus nang lumihis ito sa kalsada
16:23at tumagilid.
16:24Labig siya mang sugatan.
16:26Ayon sa Philippine Consulate General sa Frankfurt, Germany, 33 Pinoy na turista ang sakay ng bus.
16:32Nakikipag-ugnain na raw sila sa mga otoridad kaugnay sa investigasyon.
16:36Pati sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong Pilipino at sa kanilang mga pamilya.
16:41Inaalam pa ang sanhi ng insidente.
16:45Kaugnay ng tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela sa kabila ng taas-pasahe sa public utility vehicles ngayong
16:51araw.
16:52Makakaparean po natin si Manibela President Mar Valbuena.
16:55Magandang umaga at welcome po sa Balitanghali.
16:59Magandang tanghali po sa lahat po ng nanonood at magandang tanghali.
17:06Sa kabila po ng 1 peso increase, bakit po daw desidito pa ang inong grupo na ituloy itong transport strike?
17:16Para ho, mas mapakinggan pa tayo ngayong araw.
17:21Hindi naman tayo nabigo dahil po ang LTFRB ay nagpunta rito sa strike center at ang LTO po, ang DOTR.
17:30Na nakiusap na rin sa atin ngayong araw na sana ay bumalik na sa biyahe dahil nga po marami po
17:36talagang naapekto hang pasahero.
17:40At itong susunod na mga araw ay didinggin po ulit yung petition po natin na 2 peso po na per
17:50increase.
17:51Kasi ito po, peso lamang po ang nakuha natin ngayon.
17:54Malayong malayo po kasi ito doon sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayon na kung saan ay mahigit 100%
18:00po ang itinaas, Ma'am Connie.
18:02So in other words, hindi po talaga sasapat itong pisong dagdagpasahe?
18:07Hindi po talaga sasapat, Ma'am Connie, dahil yung piso po na in-approve ay 45 to 50 pesos po
18:15ang presyo ng diesel noong mga panahon na yan.
18:18Malayong malayo na po ngayon.
18:20Nagtaas na ang mga bilihin, nagtaas na ang krudo, ang gasolina, nagtaas na ang lahat ng pangunahing serbisyo.
18:27Ito na lang pamasahe ang napag-iiwanan.
18:29Pero ang pangunahing panawagan talaga natin, Ma'am Connie, ay may rollback talaga.
18:33Doon sa, hindi man kagaya nung dati, pero malayong malayo po tayo sa mga kapitbahay nating bansa sa kung saan
18:40ay bukod tangi tayo na ganito po kataas ang presyo.
18:44Dating yun ahong ipinapanawagan sa gobyerno na tanggalin yung Fuel Excise Tax at agarang pagbasura sa Oil Deregulation Law.
18:51Papaano hung paraan na kaya ito sa tingin niyo makakatulong sa lahat?
18:56Opo, kaya kami nagpo-protesta dahil naabot na nga po yung threshold nitong $80 per barrel sa loob ng isang
19:05buwan.
19:05Wala pong ginawang aksyon ng Department of Finance para po matanggal o masuspend itong Excise Tax.
19:13Kapag ka po pabor sa pangungulekta o pabor sa koleksyon ng gobyerno,
19:18eh matigas po ang puso ng gobyerno pero pagdating po sa mamamayang Pilipino,
19:26yung piso, dalawang piso po na dagdag pa sa ayan, hindi po nila maaprubahan.
19:29At napakahabang panahon, taon, inaabot po ng dalawa hanggang tatlong taon po yung pag-aaral po nila patungkol dito.
19:36Sabi nga po ng gobyerno, binabalansin nila yung ekonomiya at yung effect din naman po sa ating mga sumasakay
19:43at maging ho sa mga drivers na tulad po ninyo, yung tulong daw na subsidy, yung fuel subsidy sa mga
19:49chopper,
19:50ang isa sa mga nakita nilang inisyal na tulong, hindi ho ba yung sumapat din?
19:55Alam niyo po, doon sa unang tanong na binabalansin nila, napakalayo po, Ma'am Pony,
20:03yung sinasabi nilang pagbabalansin. Kung ang Department of Energy sana,
20:09ang nagsasabi niya sa mga oil companies, wala po sana tayong pinag-uusapan na ganito,
20:14wala po sana nagaganap ng mga protesta at transport strike.
20:18Dapat po yan ang balantihin nila, yung presyo po ng mga produktong petrolyo,
20:22hindi po yung hinihingi naming taas-pasahe dahil kung hindi naman po sumirit ng ganyang kalaki yung presyo,
20:30hindi naman din po kami ng presyo ng petrolyo, hindi naman po din kami ihingi po ng omento sa pamasahe.
20:39At dyan po sa mga pinapanawagan natin, ang excise tax o yung mga ayuda na binibigay nila,
20:44alam niyo po yung discounted na presyo po ng petrolyo, hindi naman po namin talaga napapakinabangan.
20:52Yung sistema po na hindi po maayos ang implementation nitong fuel subsidy po yung discounted.
21:01Kasi kung hindi offline, cut off.
21:05O kaya sinusumbatan pa po kami ng mga gasolina na hindi daw naman po nagbabayad ang gobyerno,
21:11bakit kami nangihingi ng discount?
21:13Okay, so sa ngayon ho, tuloy pa rin ang inyo pong tigilpasada hanggang kailan po ito?
21:19At despite the fact po na pumunta na sa inyo yung LTFRB mga kinatawan,
21:24wala ho ba kayong magiging meeting para ho mas maayos po ito?
21:31Nag-announce na kami, Ma'am Connie kanina, ngayong araw tatapusin po namin ang protesta.
21:36At bukas po ay protesta pa rin kami pero yung mga kasamahan namin ay babalik na po sa biyahe.
21:44Yan po ang napagkasunduan kanina na magdadayalogo ulit.
21:49Pahirap naman kung hindi namin sila pakikinggan kasi nitong mga nakaraang linggo,
21:54wala po kasing dayalogo sa opisina po ng DOTR at ng LTFRB.
21:59Kung saan dito pa kami sa kalsada nagkaroon po ng pag-uusap.
22:02Kung hindi pa kami nagkasa ng transport strike,
22:07ay hindi pa po kami mapapakinggan at pupuntahan ng ating mga kinatawan sa pamahalaan.
22:12Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Hallie, sir.
22:17Marami salamat po.
22:18Yan po naman si Manibela President Mar Valbuena.
22:22Ito na ang mabibilis na balita.
22:26Tatlo ang sugatan sa karambola ng pitong sasakyan sa panulukan ng Roas Boulevard at Pedro Hill sa Maynila, kagabi.
22:32Ayon sa driver ng isa sa mga SUV, nakahinto na sila sa stoplight nang bumanga sa likuran nila.
22:38Ang truck.
22:40Ayon sa nagmamaneo ng taksi, dinala sa paggamutan ng dalawa niyang pasehero.
22:45Nasa kustodian na ng Manila Traffic Bureau ang driver ng truck.
22:49Tumanggi siya ang magbigay ng pahayag.
22:54Sinilbihan naman ng arrest warrant ang isang lalaking nakakulong sa Quezo City Jail Male Dormitory.
22:59Nagtungo mga operatiba ng laloma pulista sa nasabing pitan para isilbi ang waran sa 56-anyos na lalaki na wanted
23:06sa kasong robbery.
23:07Ayon sa pulis siya, nilooban niya ang isang bahay sa barangay San Jose, Quezon City noong April 2021.
23:14Dati na siyang nakulong dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
23:20Sinusupokan pang makuha ang panig ng lalaki.
23:25Lumabas sa report ng Commission on Audit na hindi naabot ng National Food Authority ang itinakdang 15-day rice buffer
23:32stock noong 2025.
23:34Kabilang daw sa mga dahilan niyan, ang hindi pagkakompleto ng palay procurement ng NFA.
23:40Balitang hatid ni Marise Omali.
23:44Sa sunod-sunod na pananalasan ng habaga at kung ano pang mga sakuna,
23:50pagkain ang isa sa unang inaalala ng mga nasasalanta.
23:54Kaya itinakda sa Republic Act No. 12078 na hindi dapat bababa sa 15 araw ang rice buffer stock ng National
24:02Food Authority o NFA.
24:04Pero sa 2025 Annual Audit Report ng Commission on Audit o COA,
24:08408,944 metric tons ang average rice buffer stock ng NFA noong 2025,
24:15nakatumbas ng mahigit sampung araw ng average daily consumption requirement.
24:19Isa sa mga natukoy ng COA na dahilan ang hindi pagkakompleto ng NFA sa target nitong palay procurement.
24:25Noong 2025, 77% lang ng 545,000 metric tons na target ang na-procure.
24:32Binigyan din pa ng COA na sa mahigit 14 billion pesos na kabuo ang subsidy na natanggap ng NFA mula
24:382024 hanggang 2025,
24:40halos 10 billion pesos lamang ang nagamit na pambili ng palay.
24:44Paliwanag ni NFA Administrator Larry Laxon, hindi naman tumaas ang pondo para sa procurement.
24:50Ang money na yung pang-procure lang ng palay.
24:53So we cannot divert it to facilities?
24:56No, no, no. Hindi po. That would be the case.
24:59Isa pang mahalagang finding ng COA ang matagal ng pag-iimbak daw ng palay at milled rice.
25:04Paabot sa 6.8 million bags ng palay at halos 1.9 million bags ng milled rice
25:09ang naka-imbak ng lampa sa maximum storage period, 6 na buwan para sa palay at 3 buwan para sa
25:15milled rice.
25:16Bunga nito may panganib ng quality deterioration, pagbaba ng market value,
25:21pagtasang storage at maintenance costs,
25:23pagkakapit ng warehouse capacity at posibleng pagkawala o pag-aksaya ng public resources.
25:28Magdi-deteriorate yan. Pero yung nakita nila ngayon na 2025,
25:33na-sold na natin yan. Na-report ko nga, 1.1 billion sold through auction.
25:39Tapos ginigiling na natin yung lahat ng mga natirang mga palay.
25:43Dahil dito, na-isdown ng NFA na maisulong sa batas na mabigyan muli sila ng kapangyarihan
25:49na makapaglabas kada buwan ang takdang volume ng bigas sa merkado
25:53para matugunan ang problema sa aging o deteriorating stocks.
25:58Ngayon palang naghahanda na raw ang NFA magigyan Department of Agriculture
26:01dahil sa inaasahan matinding epekto ng Super El Niño sa bansa
26:05na posibleng umabot hanggang first quarter ng 2027.
26:08Ayon kay Lakson, ang pinakamalaking panganib ay kung tatama ang tagtuyot
26:12sa mga palay na nasa vegetative stage pa lamang.
26:15Pusibleng 12% ng wet season harvest ang mawala dahil sa El Niño.
26:19Ano yung talagang may hit ng matindi ng El Niño?
26:23Rather than put money there and masayang lang,
26:28lagay mo na doon sa hindi masyadong may hit,
26:31doblehin mo na yung assistance doon para doon bumawi ng volume ng production.
26:37Meron tayo mga fertilizer, biofertilizer.
26:40We have enough seeds to be planted doon sa areas na may tubig naman.
26:44Siyempre doon sa mga areas na walang tubig,
26:46masyado meron kami mga alternative crops.
26:49As far as rice is concerned, we have enough buffer stocks now
26:52where our worst estimates now say that we will have even by January
26:59or by the end of December, we will still have 75 days worth of stocks.
27:03Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.
27:07Update tayo sa epekto ng Tigilpasada ng grupong manibela sa mga commuter.
27:11Mula sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City, may ulat on the spot si Jonathan Andal.
27:16Jonathan?
27:20Rafi, nagkaroon ng komprontasyon sa rally kanina sa Filcoa.
27:24Kinumpronta ni manibela chairman, Mar Valbuena,
27:26yung mga tauha ng LTFRB na nasa Filcoa, malapit doon sa rally.
27:30Inakusahan ni Valbuena, yung mga LTFRB personnel na pinipicturan daw yung mga plaka
27:37ng mga jeep na nando doon sa rally para pagmultahin.
27:41Pero sabi sa atin ngayon, ni LTFRB acting chair Greg Pua, hindi yan totoo.
27:46Pinadala lang daw nila yung mga tauha nila ng LTFRB doon sa Filcoa
27:51para alamin kung saan saan bang mga lugar sa Metro Manila
27:54yung nahihirapan sumakay yung mga pasahero
27:58para makapag-deploy sila ng libreng sakay.
28:00Kanina po, nasa tansya natin, nasa isang daang mga chuper
28:04ang nag-rally doon sa Filcoa.
28:07Pero sabi ng manibela, nasa 20,000 hanggang 25,000 na chuper nila
28:11ang hindi bumiyahe sa iba't ibang ruta sa Metro Manila.
28:14Pero habang nag-rally sila, dumadaan naman sa harap nila
28:16ang mga pumapasada pa rin jeep.
28:18Kaya nagalit yung mga nagtigilpasada kasi wala rin pakisama.
28:22Yung ilang mga chuper, pare-pareho lang naman daw sila nakikinabang
28:26sa kanilang mga pinaglalaban.
28:27Dahil may mga bumibiyahe pa rin naman jeep, nakakasakay ang mga pasahero.
28:30Pero may ilang nahihirapan pa rin kasi kundi punuan sa mga traditional jeep,
28:34tayuan at siksika naman sa mga modern jeepney.
28:37Kaya nag-uuna kang makasakay ang mga pasahero.
28:3914 pesos na ngayon ang minimum fare sa jeep.
28:42Sabi naman, nakusap namin chuper, may nagagalit sa kanilang mga pasahero
28:45dahil sa dagdag na piso.
28:47Hinahayaan na lang daw nila kesa makipag-away pa.
28:50Sabi ng LTFRB, dapat may updated ng fare guide kahit hindi mo na fare matrix
28:54bago makasingil ng 14 pesos na minimum fare.
28:58Bukod sa mga chuper ng grupong manibela,
29:00sumama rin sa kanilang tigilpasada ngayong araw
29:02ang ilang TNVS at UV Express Drivers,
29:05Motorcycle Taxi Riders at ilang truckers group.
29:08Panawagan nila, ibaba ang presyo ng produktong petrolyo,
29:11itaas pa ang pamasahe dahil hindi raw sapat ang pisong dagdag ngayon
29:14at tanggalin ang excise tax at vats sa langis.
29:17Nagalit naman ang grupong manibela sa pahayag ng LTFRB na
29:21pagbumultahin ang mga driver na makikisa sa tigilpasada.
29:24Narito ang pahayag ng grupong manibela.
29:28Mas galit pa ang gobyerno, mas galit pa ang LTFRB.
29:31Gusto pa kaming pagmultahin.
29:33Nagihikaos na yung mga chuper.
29:35Gusto nyo pa magbayad kami ng malaking multa.
29:38Gusto nyo pa manakot kayo.
29:41Gusto nyo lagi, mas pahirapan pa ang mga chuper.
29:44Mag-resign na kayo kung hindi man kayo masampahan ng kaso sa ombudsman.
29:51Rafi, ang sabi sa atin ni LTFRB acting chair Greg Pua,
29:55hindi naman automatic na pag sumali sa rally, may violation na kagad.
30:00Meron pa naman daw yung show cause order at ididinggi pa naman,
30:03may hearing na mangyayari.
30:04Kaya huwag daw mag-alala yung mga chuper na sumama sa rally ngayong araw na ito.
30:09At ang sabi ng LTFRB, base sa kanilang assessment,
30:11hindi naparalisa ngayong umaga ang biyahe ng mga pasahero dahil sa tigil pasada.
30:18Yan muna ang latest.
30:18Mala rito sa LTFRB.
30:19Balik sa'yo Rafi.
30:20Maraming salamat, Jonathan Andal.
30:50Tia Pablo, Rahil Birria, Royce Cabrera, EA Guzman, Shaira Diaz, Prince Clemente, Winston Stoke, at iba pang kapuso artists.
31:06Itong sabado naman, romampas sa runway, sina TJ Marquez at Rayu Gravador.
31:17Matapos makakuha ng gintong medalya sa 2026 Asian Games, game na game na nakipag-Q&A si Olympic Double Gold
31:23Medalist Carlos Yulo.
31:25Sa pagbisita ng unang hirit sa kanilang bahay, kinuwento ni Carlos ang naging celebration ng kanyang pagkapanalo.
31:32Grateful din siya sa mga sumusuporta sa kanyang journey sa Asian Games.
31:35Para kay Yulo, itinuturing niyang miracle na makakuha ng dalawang gold medal sa dalawang aparatos.
32:05Kasi nakapasok pa ako ng finals.
32:09Isinare din ang kanyang kapatid na si Carl Eldro Yulo na nakakuha ng bronze sa Horizontal Bar Final noong biyernes.
32:14Kung paano siya tinutulungan ng kuya niya para sa pagpapabuti ng kanyang mga routine.
32:21Not just in sports po, but tinutulungan niya po ako sa mental ko po.
32:26Kasi this past few months, grabe po talaga yung doubt ko sa sarili ko kapag gagawin ko yung skills or
32:33routines na gusto kong gawin po.
32:36And hindi ko siya magawa ng maayos dulot ng pagda-doubt ko sa sarili ko dahil kinokontrol ng mind ko
32:43yung katawan ko.
32:44So doon niya po ako natutulungan.
32:47And then sa gymnastics po, ako naman po talaga yung lumalapit sa kanya.
32:53Samantala, pumunta sa tanggapan ng National Bureau of Investigation si Rodulfo Gracioso Jr. para magsumite ng ebidensya.
33:02Tawag na isang mga Duterte at kay dating House Speaker Lord Alan Velasco.
33:06May ulot on the spot si Oscar Oida.
33:08Oscar?
33:09Yes, Connie muling iginiit ni Rodulfo Gracioso na kakilala niya si BP Sara Duterte mula parao noong 2017.
33:17Ipinakita pa niya sa mga member ng media ang mga litrato nila ni BP Duterte, kabilang mga litrato sa lugar
33:23umano nila sa Samar.
33:25Tumayo din daw siyang coordinator sa party list na Pusong Pinoy na pinungunahan umano ni BP Sara.
33:31Paugnay naman ng mga aligasyon niyang mga napakalaking halaga ng pera na umano yung inabot niya sa mga Duterte.
33:37Na nindigan si Gracioso na may sapat umano siyang mga ebidensya tulad ng mga litrato at videos na isinumitin na
33:43raw niya sa NBI.
33:44Nang tanungin kung bakit di niya sinabi sa parayam sa kanya na siya pala ay dismissed na sa pagkapulis.
33:50Sinabi niya na maging siya din daw ay nagulat.
33:53Hindi daw niya alam kung anong kaso niya.
33:56Samantala hinamon pa niya si Bibi Sara at si dating Speaker Lord Alan Velasco na pala i-detect or upang
34:02magkaalaman.
34:03Nang tanungin kung bakit ngayon lang siya lumutang.
34:05Sabi niya, ngayon lang daw nagkasakit ang tatay niya.
34:09Humingi daw siya ng tulong kay dating Speaker Lord Alan Velasco pero di raw siya tinulungan.
34:14Matapos ito ay mabilis na siyang umalis kasama si Father Flavi Villanueva.
34:18Nakatakda magbigay ng pahayag ngayong araw tungkol dito si NBI Director Melvin Matibag.
34:23Connie?
34:24Marami salamat Oscar Oida.
34:28Kinumpirma ni PNP Chief Jose Melencio Nartates na naging security detail ni dating House Speaker Lord Alan Velasco
34:35ang na-dismiss na polis na si Rodulfo Gracioso Jr.
34:40Batay sa ilang impormasyon na nakuha ng GMA News, tatlong beses siya na sinuspindi bago maalis sa serbisyo.
34:48Na-detail ba talaga siya kay formal Speaker Lord Alan Velasco?
34:53Yes.
34:53I have to check.
34:54It's been investigated, administrative case, and there is a corresponding criminal case filed against him.
35:00But that was long before.
35:02I think it's a case in year 2022 or 2021.
35:09Ayon kay PNP Chief Nartates, dating naka-destino sa Police Regional Office Calabar Zone,
35:16si Gracioso at nasibak nitong September 11 dahil sa mga kasong administratibong isinampa laban sa kanya.
35:23Batay sa NAPOCOM records, kabilang sa mga kaso ay 23 counts ng grave misconduct,
35:29less grave misconduct, at conduct unbecoming of a police officer.
35:33Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Gracioso na naghatin siya ng mali-maletang pera kay Vice President Sara Duterte
35:39sa utos ni Velasco at ng kanyang asawa.
35:43Git ng bise, hindi niya kilala at kailanman ay hindi siya tumanggap ng pera mula kay Gracioso.
35:50Hinihintay rao ng mga abogado ng bise ang kopya ng affidavit ni Gracioso para daw masampahan na ng reklamo si
35:57Gracioso.
35:58Ayon naman sa tagapagsalita ni dating House Speaker Velasco na si Atty. Roel Ilagan,
36:03walang basihan ang mga aligasyon sa dating speaker at sa kanyang asawa.
36:07Malinis ang niya ang rekord ni Velasco.
36:17Update tayo sa Day 30 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
36:21May ulat on the spot si Ian Crew.
36:24Ian?
36:27Yes, Rafi, mula ngayong araw hanggang miyerkulis sana ang subpina ng impeachment court
36:33para kay Mayor Sebastian Baste Duterte.
36:36Pero sumulat ang alkalde kay Presiding Officer Cheese Escudero
36:40para nga sabihin na kailangan pa niya ng sapat na panahon para makalap yung mga kinakailangang dokumento.
36:45At bukas hanggang sa miyerkulis na lamang daw siya dadalo sa trial.
36:50Ito naman, Rafi, ay granted na ng impeachment court.
36:55At Rafi, ayon nga kaya Sen. Sargent at Arms retired police sa Major General Alfred Corpus,
37:00hindi naman nagbago ang security protocol ng Senado Kaugnay sa inaasahang pagdalo bilang testigo
37:06ng kapatid ng Vice Presidente na si Mayor Baste.
37:09At sa pasimula ng trial, tumayo si Public Prosecutor Presentative Jel Diokno
37:13patungkot sa request for admission ng prosecution
37:15ukol sa bank, tax, at business records ni VP Sara Duterte.
37:20Nag-object sa request ang depensa.
37:22Pero ayon kay Diokno, hiniling nila ito para mapabilis ang paglilitis.
37:26Gate naman ni Atty. Sheila Siso ng Depensa,
37:28inagarantihan ng konstitusyon ang right to silence.
37:31Ang pananahimik daw ay hindi daw maaaring maging presumption ng guilt ng respondent.
37:36Magsusumitin ang kanilang posisyon ng depensa at prosekusyon
37:39at inasa maglalabas ng ruling ang impeachment court sa usapin.
37:42Matapos naman ng 30 minuto,
37:44tinawag na muli sa witness stand si Rendles Apeña
37:46ng Philippine Government Electronic Procurement System, APILJEP.
37:50Si na Lead Prosecutor Presentative Jervie Luistro
37:53at Defense Counsel Robby Batongbacal
37:55ang naging magkatapat sa cross-examination
37:57patungkol sa mga kontrata ng Gencorp Industries Incorporated
38:00sa Davao City Hall.
38:02Isa sa'y tinanong ni Batongbacal kay Sapeña
38:04kung may role ba ang Davao City Government
38:06sa pag-approve ng kontrata ng Gencorp
38:09wala raw personal knowledge doon si Sopeña.
38:12Tinanong naman ni Sen. Judge Risa Ontiveros
38:14kung may paglabag ba na may interes ang vice-presidente sa Gencorp
38:19at na-award na ng kontrata ng Davao City Hall.
38:21Ani Sopeña, wala siyang personal knowledge
38:23particular sa mga legal na usapin
38:25na sa labing limang kontrata
38:26o mahigit 30 million pesos ang na-award sa Gencorp.
38:29Pero lumalabas sa pagtatanong ni Ontiveros
38:32na labing isa sa mga kontrata
38:34ang di dumaan sa public bidding
38:35at naging negotiated o small value procurement ito
38:38na umaabot ng 7 to 8 million pesos.
38:41Inusisa naman ni Sen. Rafi Tulfo
38:43kung may conflict of interest
38:44sa nangyari sa Gencorp at Davao LGU
38:47na pinamumunuan ang kapatid ng vice.
38:49Naniniwala si Lead Prosecutor Luis Ro
38:51na dahil nga nasa sali ng vice
38:53ang Gencorp,
38:55dito na rao pumapasok ang conflict of interest
38:57sa sinasabi ng konstitusyon.
38:58Patungkol naman sa voting threshold
39:00ng impeachment trial,
39:01sinabi ni Rep. Luis Ro
39:03na expected na ito.
39:04Dalawang petisyon
39:05ang magkasunod na inihain
39:06ng ating Executive Secretary Vick Rodriguez
39:08at abogadong si Atty. Ernesto Francisco Jr.
39:11sa Supreme Court
39:12ukol sa voting threshold.
39:14Baaga nag-break ang impeachment court
39:16at isasalang na
39:16ang taga Firearms and Explosives Office
39:19na si Major Jorickson Sanggalang
39:22ukol sa mga pag-aaring baril
39:24ni Vice President Sara Duterte.
39:26Rafi, inaasahang 12.30
39:28ngayong hapon,
39:29inaasahang babalik muli
39:30ang trial,
39:32kaugnay sa impeachment
39:33na trial nga
39:34ni Vice President Sara Duterte.
39:36Balik sa iyo, Rafi.
39:37Maraming salamat, Ian Cruz.
39:40At yan ang may init na balita ngayong tanghali.
39:43Ako po si Connie Cison.
39:44Rafi Tima po.
39:45Nagpapatuloy ang live stream
39:46ng GMA News
39:47sa impeachment trial
39:48ni Vice President Sara Duterte.
39:50Kasama nyo rin po ako,
39:51Aubrey Caramper.
39:52Ito po ang GMA News.
39:53Walang kinikilingan,
39:54walang pinoprotektahan.
39:56Noon at ngayon,
39:57serbisyong totoo.
40:11Walang kinikilingan,
40:14You

Recommended