00:00Nasa 50 OFW sa Thailand ang nagpasaknolo sa gitna ng ilang araw ng malawakang pagbaharoon.
00:06Dulot po yan ang mga pagulang dala na isang low pressure area sa Central Region kasama ng Southwestern Limonsool sa
00:13ibabaw ng Andaman Sea at Gulf of Thailand.
00:17Ating saksihan!
00:26Ang mga panindang gulay, isda at iba pa sa bahagin ito ng Bangkok, Thailand.
00:33Pero hindi ito isa sa mga dinarayang floating market, kundi pansamantalang lugar ng bentahan habang lubog pa sa matinding baha
00:41ang palengke sa Bangkapi District.
00:44Kapwa mga mamimili at nagtitinda na palusong sa tubig sa kalsada para maghabol ng benta o para mamili ng pagkain
00:53lalo't ilang araw na ang malawakang pagbaha sa siyudad.
00:58Simula Setiembre 16, 41 lugar sa Thailand, kabilang ang Bangkok, sa naperwisyon ng matinding pagbaha.
01:07Ayon sa kanilang Ministry of Interior, di bababa sa walo ang nasawi.
01:11Apektado ang mahigit 580,000 bahay.
01:16Ayon sa ilang residente, ngayon lang nila naranasan ng ganito katinding pagbaha at walang patig na buhus na ulan.
01:24Sabado, idineklarang isang disaster zone ang Bangkok, matapos bumuhos doon ang 300mm ng tubig ulan sa loob lang ng 48
01:34oras.
01:35Lubog pa rin sa tubig sa kalsada ang mga tumirik na sasakyan gaya ng mga pampublikong bus.
01:42Libo-libo ang dumidiskarte ng masasakyan gaya ng mga bangka, balde at inflatable kiddie pool.
01:49Pero pinakamarami ang mga naglalakad na lang.
01:52Hindi pa na ibalik ang supply ng kuryente sa ilang lugar mula pa noong Sabado.
01:57Sa Bangkok pa lang, halos 6,000 ang inilikas sa 234 evacuation centers.
02:04Sa buong bansa, mahigit 80,000 ang hindi makaalis mula sa kanilang mga bahay ayon sa Interior Ministry.
02:12Ayon sa kanilang Interior Ministry, nagdeploy na sila ng mga bangka at mobile kitchen para sa relief efforts.
02:1950 overseas Filipino workers sa Thailand ang nanghihingi ng tulong ayon kay Department of Migrant Workers, Secretary Hans Kakdak.
02:28Pagaman may mga hamon sa pagpapadala ng tulong, magbibigay raw ng financial assistance ang ating pamahalaan at makikipag-ugnayan sila
02:37sa Thai authorities.
02:38We do not stand in the way of disaster relief ng Thai, ng host government.
02:44Ayaw din naman natin maging abala sa effort ng Thai government who are helping their citizens as well as ours.
02:51Hinikayat niya ang mga Pilipinos sa Thailand na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng 1348 hotline
02:57o sa Facebook page ng Migrant Workers Office sa Bangkok at sa Philippine Embassy roon.
03:04Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
03:08Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.