- 5 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:08.
00:08Oras na para sa maiinit na balita.
00:28I-sinalang bilang hostile witness si Davao City Mayor Sebastián Baste Duterte ngayong Day 31 ng impeachment trial ng kanyang
00:36kapatid na si Vice President Sara Duterte.
00:38Tinanong ng prosekusyon si Mayor Duterte tungkol sa mga kontrata ng Davao City sa Gen Corp Industries kung saan stockholder
00:45si Vice President Duterte batay sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth.
00:51Dumating din sa Senado si dating Senador Antonio Trillanes IV kasama si Trillanes sa listahan ng mga testigo ang ipatatawag
00:58ng prosekusyon kaugnay sa bank accounts at records ng visa at ilan niyang kaanak.
01:03Ang iba pang detalye sa Day 31 ng impeachment trial, yahatid namin maya-maya.
01:09Huli kam sa Giginto, Bulacan, na uwi sa trahedya ang pagsundo sa isang batang lalaki mula sa eskwelahan.
01:16Nasa uwi ang bata matapos mabangga at magulungan ng close van habang angka sa motorsiklo ng kanyang amain.
01:23Balita natin ni James Agustin.
01:28Patawid ang magkaangkas sa motorsiklo sa MacArthur Highway sa Giginto, Bulacan, Pasadolas 11 ng umaga nitong Merkulis, nang mabangga ng
01:35close van.
01:36Nakalagkad pa ng ilang metro ang motorsiklo at ang mga sakay.
01:39Ang batang angkas dalawang beses nagulungan.
01:42Nakatayo ang rider at binuot ang bata para humihinang tulog.
01:46Naisugod pa sa ospital ang bata pero nasawi kalaunan.
01:50Hirap tanggapin ang mga kaanak ang sinapit ng grade 2 student at pitong taong gulang na si Yuan Jester Dukut.
01:56Ang bigat po para sa amin ang pamilya ko.
02:00Masasabi ko lang, lalaban ko po yung stesha para sa anak ko.
02:08Malambing po yung anak ko na yan. Malambing.
02:12Pagalitan mo yan, hindi yan lalaban. Nanahimik lang po yan.
02:18Nakaangkas si Yuan noon sa kanyang stepfather na si Justice Samson.
02:22Matapos siyang sunduin sa eskwelahan, pauwi na sila na maaksidente.
02:26Nagtamo si Samson ng mga sugat sa binti at hita.
02:29Hindi po ako makatawid kasi po medyo mabibilis po yung sa kabilang lane.
02:32Kuminto po ako at nag-signal light naman po ako.
02:35Katapos po noon, yung truck po bigla po kong bumanga.
02:39Noong una, mahina lang. Tapos parang dinare-darecho niyo na po ako hanggang sa malayo na po yung mapuntahan po
02:47namin.
02:48Sa imisigasyon ng polisya, galing ang close van sa Balagtas at patungo sa giginto.
02:53Allegedly, as per sayasabi ng driver, yung truck is ipapagawa daw kasi medyo mahina ang prelo.
03:01Yung mag-ama na magkaangkas ng motor, pa-cross ng daan, going sa kabilang daan,
03:10then itong truck na allegedly na walang ng prelo, kaya nasuro po yung motor,
03:19then napailalim po yung biktima, which is yung bata.
03:24Sinampahan ng 68 taong gulang na driver ng close van,
03:27na reklamong reckless imprudence esoting in homicide, physical injury, and damage to property.
03:33Nakapagpiansa siya kahapon.
03:35Sinusubukan pa namin na makakuha ang kanyang panic.
03:37Sabi ng mga magulang ni Yuan tuloy ang reklamo.
03:40Sana dapat din niya nalang ginamit kasi una sa lahat driver siya,
03:44alam niya mahina yung prelo, dapat din niya nalang po nilabas ng kalsada yung kanyang dinadrive.
03:50James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
03:59Buwis-buhay ang pagsuong sa ilog ng ilang residente sa La Libertad, Negros Oriental.
04:05Kita sa video ang paglusong sa rumaragasang ilog sa barangay Busilac na isang nakatatandang lalaki,
04:11habang akay-akay niya ang isang bata.
04:13Sa kabila po niyan, matagumpay na nakatawid ang bata habang ang nakatatanda ay muling bumalik sa kabilang pampang
04:20para tulungan ang isa pang bata na makatawid sa ilog.
04:24Ganito raw ang sitwasyon tuwing pagkatapos ng malakas na ulan doon.
04:28Pahirapan din ang pagtawid ng ilang residente sa spillway sa barangay Kabkaban sa bayan ng Bindoy.
04:36Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office, bumaha sa lugar dahil sa ilang araw na pagulan.
04:42Nalubog naman sa baha ang Governor Ramos Avenue sa Zamboanga City, kasunod ng mahigit kalahating oras na malakas na ulan.
04:51Gutter deep ang tubig kaya dahan-dahan ang pagmamaneho ng mga motorista.
04:56Ilang kalsada pa sa lungsod ang binaha ayon sa pag-asa.
05:00Ulang dulot ng Intertropical Convergence Zone ang bumuho sa Visayas at Mindanao.
05:07May thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng bansa.
05:10Ayon po sa pag-asa, pektado niya ng Occidental Mindoro, Palawan, Cebu, Bohol, Negros Provinces, Iloilo at Antique.
05:19Pina-alerto ang mga residente sa biglang ulan na may pagkulog, pagkidlat.
05:24May bantarin ng baha ulan slide sa gitna ng pag-uulan.
05:27Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 11.45am.
05:32May thunderstorm watch naman sa Ilocos Norte, Cagayan, Aurora, Occidental Mindoro, Palawan, halos buong Visayas, Northern Mindanao at Dabao region.
05:41May chance na ng mga thunderstorms sa mga nasabing lugar hanggang alas G's mamayang gabi.
05:46Wala pong bagyo ayon sa pag-asa.
05:49Intertropical Convergence Zone ang nagpapaulan pa rin sa Palawan, Visayas at Mindanao
05:53habang mas maka-aasa sa maayos at maaraw na panahon ang ilan pang bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro
05:59Manila.
06:05Abiso sa mga motorista, efektibo na ngayong araw ang big-time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
06:11E magkano na ba?
06:13Ayon sa Department of Energy, 7 pesos and 57 centavos ang minimum na bawas presyo sa kada litro ng diesel.
06:2024 centavos naman ang rollback sa kada litro ng gasoline, habang 5 pesos and 85 centavos ang bawas sa kada
06:28litro ng kerosene.
06:29Sabi ng DOE, naka-apekto sa rollback ang galaw sa presyuhan ng langis sa global market at patuloy na krisis
06:36sa Middle East.
06:45Holy cams sa Marikina!
06:47Magkakasunod na humarurot ang pitong tricycle na yan sa kahaba ng Marcos Highway nitong linggo.
06:52Ang isa, muntik pang tumagilid ng biglang mag-overtake.
06:55Walang taki pang likurang bahagi ng mga tricycle.
06:58Wala rin body number at plaka mga ito na ipinagbabawal.
07:03Ayon sa driver at mayaari ng dashcam video, ilang kilometro ang itinakbo ng grupo na halos kumain sa lahat ng
07:08linya ng kalsada.
07:10Abalayan sa biyahe ng ilang motorista, ang ilan umiwas na lang.
07:15Nai-report na ang insidente sa Land Transportation Office na nagsabing inimbestigahan na nila ang iligal na karera.
07:22Ayon sa LTO, bukod sa multa, posibleng ma-impound ang mga tricycle kung mapatunayang pasuna ang kanilang mga rehistro.
07:29Pinaghanap na ang mga sangkot na tricycle driver.
07:38Pasok na sa quarterfinals ng Asian Games si Pinay tennis star Alex Ayala.
07:43Sa round of 16 ng women's singles, nakalaban ni Alex ang pambato ng Thailand.
07:48First set pa lang, pinahabon na agad ni Alex ng bola ang kalaban.
07:52Nagtuloy-tuloy yan kaya sa huli, waggi si Alex konta Thailand sa score na 6-1, 6-0.
07:58Sa ngayon, may 15 medals na ang Pilipinas sa 2026 Asian Games.
08:03Nadagdag dyan ang bronze medal na nakuha ng Philippines Men's Regu Team sa Sepak Takraw, matapos makatapat ang Malaysia.
08:12Kanikanina lamang din, naka-silver medal naman ang Team Philippines sa Women's Double Final ng Sepak Takraw kontra Vietnam.
08:22Ito na ang mabibilis na balita.
08:28Nasunog ang tatikatlong palapag na isang residential unit sa barangay 886 sa Santa Ana, Maynila kaninang madaling araw.
08:34Kwento ng kasambahay.
08:36Nagising siya sa amoy ng nasusunod na kabli ng kuryente at matapos makarinig ng putok.
08:41Wala namang sugatan o nasawi sa insidente.
08:44Patuloy ang investigasyon ng Bureau of Fire Protection sa Sanhinang Apoy pati sa lawak at halaga ng pinsala.
08:53Apat na pamilya naman ang apektado sa sunog na sumiklab sa Hagonoy, Bulacan.
08:58Ayon sa BFP Hagonoy, pasado alas 6 kagabi nagsimula ang apoy sa barangay San Sebastian.
09:04Tuluyan itong napula pasado alas 8 ng gabi.
09:06Walang naitalang nasaktan.
09:08Inaalam pa ang Sanhinang Apoy.
09:22Binalaan ng impeachment court si House Prosecutor Terry Redon sa pagkokomento tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
09:30Tinanggap na impeachment court ang isinumiteng paliwanag ni Redon na in good faith ang pagpapaliwanag niya sa publiko.
09:36Gayunpaman, kailangan daw isaalang-alang ni Redon ang kaibahan ng pagbibigay alam sa publiko at ang pagsasabi kung ano ang
09:44pinatutunayan ng mga ebidensya sa paglilitis.
09:47Tiniyak naman ni Redon na susunod siya sa subjudice rule.
09:50Patuloy rin daw ang kanyang tungkulin na ipaliwanag sa publiko ang nangyayari sa impeachment trial.
10:02Sa impeachment trial naman kahapon, tinalakay ang mga armas na pagmamayari ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Second
10:09Gentleman Man Scarpio.
10:11Pero bago yan, kinwestyon muna ng depensa at ng ilang senator judge kung bakit kailangan pang may tumistigo tungkol sa
10:18mga armas ng mag-asawa.
10:20Balita ng atin ni Sandra Ginaldo.
10:25Bago pa man sumalang, kinwestyon agad ang pagharap sa impeachment trial na isang polis mula sa Firearms and Explosives Office.
10:33Ano raw ba ang kahalagahan na kanyang sasabihin tungkol sa pagmamayaring baril ni Vice President Sara Duterte at kanyang mister?
10:41We believe that this witness is irrelevant.
10:44Ano po ang relevance ng magiging statement ni Major Sanggalang dito sa pinapag-uusapan natin tungkol po sa hidden wealth
10:55or unexplained wealth?
10:57May diamante ba? May gold ba? Yung baril na yan that we have to tackle all the firearms?
11:02We just want to make sure that of the relevance of this particular evidence, because many of us are firearms
11:10owners here, if not all members of the Senate.
11:12We usually put it under personal effects and personal properties.
11:15We're looking for the bigger evidence that they want to present.
11:19If any.
11:19The guidelines for the SALEN actually require a statement of the firearms under Section 34.
11:28It states there are the personal property registered with the appropriate government agencies, such as, but not limited to motor
11:35vehicles, boats, aircraft, and firearms shall be declared individually.
11:39Punto ni Presiding Officer Cheese Escudero.
11:42Even assuming he can put a price on the firearms that the spouses own at 7 million, that's well within
11:50the SALEN she submitted of, I believe, 88 million as of the latest.
11:58And there is no requirement to declare the firearms as a separate category in the SALEN.
12:04Kalaunan, pinayagan din ang testimonya sa pangakong hindi na ito pangahabain pa.
12:09Sa testimonya ni Major Joe Rickson Sanggalang, sinabi nitong Type 5 ang lisensya ni VP Sara at Atty. Man Scarpio.
12:18Ibig sabihin, kapwa sila pwedeng magmay-ari ng mahigit labing limang baril.
12:23Si VP Sara meron daw 22 firearms, habang ang mister na si Man Scarpio merong 20 siya.
12:30Si VP Sara po ay merong 22 firearms, meron po siyang 14 na pistol, dalawang revolver, limang rifle, of which
12:45tatlo po doon ay Class A light weapon, and isa pong shotgun.
12:51Ang Class A light weapons po ay mga baril na may caliber po hanggang 7.62 with automatic functions or
13:03fully automatic po sila.
13:04Yung firearms po na yun ay capable of burst of fire.
13:11Ibig sabihin po nito, pag kinalabit po natin yung gatilyo, sunod-sunod na po yung puputok.
13:15Ayon kay Sanggalang, alinsunod sa batas, kadalas ang polis at sundalo ang gumagamit ng Class A light weapons.
13:23Ayon kay Sanggalang, aabot sa mahigit 7 million pesos ang halaga ng kanila mga baril,
13:28batay sa isinagawa nilang survey ng kasalukuyang presyo ng mga brand new na baril.
13:34Pero lumabas din sa pagdinig na maaring mas mababa dito ang presyo ng baril ni na VP Sara
13:40dahil nagde-depreciate daw ang value ng baril sa pagdaan ng panahon.
13:44Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
13:53Tuesday latest, may bagong karakter na napapanood sa GMA Prime Action Drama Series na Task Force Firewall.
14:03Tagay tayo miss, sagod na namin.
14:06Sarap to.
14:07Sama ka na.
14:08Sarap yan.
14:09San tayo?
14:11Pasasayahin ka namin ngayong gabing to.
14:15Hacker for hire at independent contractor ng mga sindikato, played by Kapuso star Rian Ramos.
14:22Sa umering episode last week, ipinamala sagad ni Tasha ang kanyang fighting skills.
14:28Inaabangan na rin ang pagkukrus ng landas nila ng kanyang ex na si Hex, na role ni Jack Roberto.
14:35Magkakaroon kaya sila ng second chance, ngayong nasa magkaibang panig sila ng batas?
14:40Chika ni Rian looking forward siya sa taping ng series.
14:44Bukod sa bagong genre ito sa kanya, excited si Rian sa fight scenes.
14:51I've actually been praying and hoping to do a lot more action for the past two years.
14:58And I really appreciate na in Encantadia, I had like some special powers and some fight scenes.
15:03But here it's really more hand-to-hand combat, so mas exciting.
15:08Speaking of excitement, excited na rin ang isa sa mga bida ng serya na si Miguel Tan Felix na maka
15:14-exena si Rian.
15:16Very excited ako dahil alam ko si Rian maraming madadagdag sa show.
15:22Na-excite ako dahil ang ganda rin ng story arc niya.
15:26Kakayimang dynamics yan.
15:32Patay ang isang lalaki sa Cagayan de Oro matapos barilin.
15:36Papasok na sana ang ayunin niya yan sa isang bahay sa barangay Kamamanan nitong Biyernes.
15:42Makikita rin po ang pagdating ng isang motorsiklo.
15:45Magbaba ng driver ng AUV, nilapitan siya ng angkas ng motorsiklo at binaril sa ulo.
15:52Agad tumakas ang mga suspect.
15:54Napag-alamang retired army personnel ang piktima at nagtatrabaho bilang on-call driver sa isang abogado.
16:00Sinusubukan pang makuhana ng pahayag ang kanyang mga kaanak at amo.
16:04Ayon sa polis siya, may tinututukan na lang silang person of interest sa crimen.
16:09Patuloy ang investigasyon.
16:13Tonetuniladang frozen meat ang nakumpiska sa isang palengke sa Mangaldan, Pangasinan.
16:18Kargayan ang isang truck na transport vehicle ng mga karne.
16:21Ayon sa National Meat Inspection Service o NMIS, walang naipakitang dokumento para dyan ang may-ari, kaya ito kinumpiska.
16:28Mahigit pitong tonelada ang nakumpiskang karne na aabot sa 500,000 hanggang 800,000 pesos ang halaga.
16:35Ayon sa lokal na pamahalaan, inabisuan na nila ang mga negosyante tungkol sa pagpasok ng mga frozen meat sa palengke,
16:42pero pumupuslit daw ang iba kapag walang bantay.
16:46Paiigtingin daw ng NMIS ang inspeksyon ngayong Vermonts para sa inaasahang pagtas ng demand sa karne ng baboy.
16:53Paalala ng mga otoridad sa mga mamimili, maging mapanuri sa mga binibiling frozen meat.
16:59Hanapan nito ng Meat Inspection Certificate para sa mga bagong katay, chilled at frozen meat.
17:04Kung imported naman, kailangang may Certificate of Meat Inspection ang karne.
17:11Tinawag ng mga kampo ni na Vice President Sara Duterte at dating House Speaker Lord Alan Velasco
17:16na gawagawa lang ang mga aligasyon ng nagpakilalang dating tauha ni Velasco
17:20na si Rodulfo Gracioso Jr.
17:23Iimbisigahan ng NBI ang BICE o iimbitahan ng NBI ang BICE
17:29at iba pang pinadalhan daw ng mali-maletang pera ni Gracioso sa utos umanon ni Velasco.
17:35Malitang hatid ni Darlene Kai.
17:40Iimbitahan ng NBI si Vice President Sara Duterte para tanungin tungkol sa mga binitawang aligasyon ni Rodulfo Gracioso
17:48na naghatid siya ng mali-maletang pera sa BICE.
17:50Part of the investigation is also to invite the personalities mentioned in the affidavit
17:55or give them the chance also to speak.
17:57So it should not be a sabwina but it should be an invitation especially to the Vice President.
18:03Sinasabi niya hindi niya kakilala yung tao at magkusti niyang magkaso,
18:09magbigay kami ng kopya ng affidavit.
18:11Iimbitahan din daw ng NBI ang iba pang idinawit ni Gracioso sa kanyang affidavit,
18:15gaya ni Davao City Representative Paulo Duterte at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala sa affidavit
18:21pero binanggit niya sa aming interview na pinahatiran daw ng pera ni dating Speaker Lord Alan Velasco.
18:27Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi niya kilala si Gracioso
18:31at gawa-gawa lang daw ang mga akusasyon.
18:34The VP is denying all the allegations?
18:37Yes.
18:37Ang sinasabi niya nga is antayin natin yung sinumpaang salaysay para makita natin yung detalye
18:43kasi yun nga eh, pag nagbigay sila ng petsa at saka location at hindi po totoo yung paratang,
18:51eh madali pong patunayan na nagsisinungaling si Mr. Gracioso.
18:55So, pagka nabigyan na ng kopya ang kampo ni VP Sara nitong sinumpaang salaysay ni Mr. Gracioso
19:04at nakapagbigay na ng detalye, eh ganon din po ang magiging ending nito.
19:10Mababasura din po.
19:11Ayon sa tagapagsalita ni Vice President Duterte,
19:14hindi na rin daw nagulat ang pangalawang pangulo sa paglutang ni Gracioso.
19:17Inihalin tulad niya si Gracioso kay Ramil Madriaga,
19:20ang nagsabing bagman umano siya ng visa na itinatanggi naman ni Duterte.
19:24Alam niyang panggigipit lang to, alam niyang kapalit ito ng paglaban sa mali.
19:30Alam namin nagsisinungaling to, Madriaga 2.0 ito,
19:34so the more he talks, the more details he supplies, the better for VP Sara.
19:42The easier we can refute his lie.
19:45Sabi naman ang tagapagsalita ni dating Congressman Lord Alan Velasco,
19:49imbento raw ang mga sinabi ni Gracioso.
19:52Kasabay ng pagsiyasat sa mga aligasyon,
19:54ang pagsuri ng NBI sa kredibilidad ni Gracioso.
19:57Kung hindi totoo yung sinasabi niya, he can be answerable for perjury.
20:00Alam niyo, pag may pumasok sa aming mga gayabidesya,
20:03hindi naman kaagad paniwalaan natin yan eh.
20:05Kaya nga National Bureau of Investigation, we have to investigate.
20:08Ibinahagi ng PNP ang record ni Gracioso.
20:11Miyambro noon ang PNP at na-assign na security detail ni dating Speaker Velasco.
20:16Pero meron mga kasong kriminal at administratibo.
20:19Kaya na-dismiss servisyo ngayong buwan lang.
20:22Ang sabi ng National Police Commission,
20:24pwede pang i-appeal sa kanila ang dismissal order ni Gracioso.
20:28Sa records na nakuha ng GMA News mula sa isang source na kinumpirma ng isang opisyal ng PNP,
20:32September 15, lumabas ang dismissal order ni Gracioso.
20:36September 14, ang petsa ng kanyang sinumpaang salaysay sa NBI.
20:41Base naman sa kanyang service record,
20:43tatlong beses siyang sinuspinde mula 2024 hanggang ngayong taon.
20:47Sa isang suspension order niya,
20:49nasuspindi si Gracioso ng limampusyam na araw noong October 2025 dahil sa grave threat.
20:55Kasabay ito ng demotion order niya mula sa rangong corporal pabalik ng patrolman
21:00dahil sa two counts of grave misconduct at para sa conduct unbecoming of a police officer.
21:05Sabi ni Matibag, alam nila ang mga bahid sa PNP record ni Gracioso nang lumapit siya sa kanila.
21:11Hindi naman dahil dinisbis ka sa kaso,
21:14eh hindi na natin pwedeng bigyang pansin at investigahan yung kanyang statement.
21:18Just like any other mga lumulutang na nagwi-witness,
21:22i-parallel natin ito, yung sa 18 Marines na investigation namin,
21:26ah, dishonorarily discharge yung mga iba ron.
21:29Ibi ba sabihin, hindi na natin pakikinggan at i-imbestigahan yung mga bagay na sinabi niya.
21:34Sabi naman ang Malacanang, kung may ebidensya, dapat lang itong imbestigahan.
21:39Kung siya ay mayroon namang mga kompleto, ang kanyang mga ebidensya,
21:44ah, nararapat lang naman po na ma-imbestigahan.
21:47Humarap sa media si Gracioso at ipinakita ang mga naka-imprintang litrato nila ng BSE.
21:52Ito yung pictures, ma'am, kung saan kami nag-ride.
21:55Yan po, ah, si Sarah Alan, si Ma'am Sara ako, si Jepoy.
22:02Ito yun sa, ano ma'am, sa bayan ko mismo kung saan ko siya inimbita
22:08nung regional coordinator ako ng Pusong Pinoy na party list ni Ma'am Sara at ni Ma'am Wendt,
22:14nasa awan ni Speaker Velasco.
22:16Ito yung, ano ma'am, ito yung advance party ni, ano, team ni Vice Ma'am.
22:21Doon to mismo, ma'am, sa farm ko sa Samar, doon ko sila in-accommodate.
22:26Muli ring iginiit ni Gracioso na kakilala niya ang vicepresidente
22:29nang tanungin kung ano ang kanyang ebidensya.
22:32Nandoon na po, nagpasa na ako sa, ano ma'am, sir, sa MBI po, yung mga ebidensya po.
22:39Ano po klaseng ebidensya po?
22:42Doon na lang po sa, ano po, sa...
22:44Pictures po ba ito?
22:45Pictures, video.
22:47Okay, ano po, nag-aabot kayo ng pera?
22:49Opo, nag-aabot.
22:50Nakita yung pera?
22:51Meron po.
22:52Hindi rin daw alam ni Gracioso na na-dismiss na siya mula sa PNP.
22:55Sa isang payag, sinabi ni Father Flavi Villanueva na lumapit sa kanya si Gracioso
23:00para humingi ng tawad at gabay.
23:02Anya, tugkulin daw ng isang pari na ipakita ang habag ng Diyos
23:05sa mga taong naghahanap ng gabay sa panahon ng mabigat na pagsubok.
23:09Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA News.
23:13Natawa at napailing lang si Pangulong Bongbong Marcos ng tanongin tungkol sa aligasyon ni Vice President Sara Duterte
23:19na pinipigilan umano ng administrasyon ng eleksyon sa 2028.
23:36Tinanong yan sa Pangulo habang nasa President Corazon Corey Aquino National High School sa Pasay kahapon.
23:42Nitong Sabado, sinabi ng bisis sa isang pahayag na patindi na ng patindi
23:46ang anya'y disperasyon ng administrasyon na pabagsakin siya.
23:49Walang direktang sagot dyan ang Pangulo.
23:52Sinugot naman ni Press Officer Claire Castro ang pahayag ng bisis na desperado raw ang administrasyon na pabagsakin siya.
24:00Ang sabi po niya, yan po ay nonsense, fake news, may hilig magsinungaling, mga buwaon.
24:19Feeling happy and blessed si sparklesinger actress Thea Astley sa kanilang successful restaging ng ethno-pop rock zarzuela na Ambon,
24:29Ulan, Baha.
24:31Bumida si Thea Astley sa Filipino musical na ipinalabas sa The Metropolitan Theater nitong weekend.
24:39Chika ni Thea, very proud siya na makasama sa production ang kanyang talented castmates.
24:45Masaya rin daw siya na maihatid ang makabuluhang aral ng pag-aalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng kanilang palabas.
24:56Sana maalala ng mga manonood na ang kalikasan ay hindi lang ating tirahan, hindi lang tagapagbigay ng pagkain, hindi ito
25:06background lang natin.
25:07Ito ay konektado sa ating buhay, sa ating paghahanap buhay, sa ating komunidad, sa ating pamilya, sa ating mga pangarap
25:18at para sa ating kinabukasan.
25:21Nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Piston sa day one ng kanilang transport strike.
25:26Kabilang sa mga panawagan nila, ang tanggalin ang VAT at excise tax sa langis at pagbasura sa oil deregulation law.
25:33Ayon kay Piston President Camo de Floranda, hindi sapat ang ayuda ng gobyerno para tugunan ang problema sa transportasyon.
25:40Ang mga operator, umuwi na raw sa mga probinsya habang naghahanap naman ng ibang trabaho ang mga chuper dahil sa
25:47mahal ng presyo ng diesel.
25:50Nagsagawa rin po ng kilos protesta ang ilang miyembro ng grupong Piston sa Pasig.
25:54Dama rin ng ilang commuter ang epekto ng tigil pasada, kaya nahirapan silang makahanap ng masasakyan.
26:01Isinusulong din po ng grupo ang 10 pesos na dagdag pasahe.
26:11Nagpaliwanag si Public Works and Highway Secretary Vince Dizon sa sinabi niyang walang ghost flood control project sa Taguig.
26:17Kasunod niya ng pag-alman ni Sen. Ping Lakso na unang nagbunyag sa isyo.
26:21Balita ng atin ni Maki Pulido.
26:26Sa bahaging ito ng Taguig River sa Barangay Bambang, Taguig City, ang nakalistang lokasyon ng flood control project na may
26:33contract ID 220B0106.
26:37Sa gilid ng ilog, nakabaon ang mga steel sheet pile na nagsisilbing retaining wall.
26:42Hindi na po dito binabaha sa ngayon.
26:44Hindi naman pinakabahan na. May kumukong tula sa baha.
26:46Ang pagkakaalala nila, natapos ang proyekto sa bahaging ito noong COVID pandemic na ang kasagsagan ay mula taong 2020 hanggang
26:542022.
26:56Ang problema, noong taong 2022 ay nagpirmahan pa ang DPWH at St. Timothy Construction,
27:01kumpanyang pag-aari ng mag-asawang diskaya para sa 96 million pesos low protection project sa lokasyong ito.
27:08Bata yan sa mga dokumento mula sa DPWH.
27:11Nang maningil ang mga diskaya sa DPWH, ang inilagay nitong geotag ng proyekto ay hindi na ang lokasyong ito,
27:18kundi ang matatagpuan sa Tacloban Leyte, 600 kilometro ang layo mula sa Taguig.
27:24Sabi ni Sen. Ping Lakson, ang geotag na ito, pareho rin sa tatlong iba pang proyekto sa Tacloban Leyte.
27:30Meron pa nga raw 68 projects sa Taguig na ang ginamit na geotag kapareho ng iba't ibang proyekto.
27:36Dagdag ni Lakson, ang modus na ito, ginawa rin daw sa mga diumanoy, maanumaliang flood control project sa Bulacan.
27:43Ito rin yung modus yung parang din sa Bulacan.
27:46Yung dating ghost, tatakpan ng panibagong proyekto, panibagong budget, para mapagtakpan na yung ghost.
27:53Pero sa Senate hearing, sabi ng DPWH, walang ghost project sa Taguig.
27:57Meron bang ghost project sa Taguig?
28:00Wala po. Sa aming investigasyon, wala po.
28:02107 projects in Taguig, all of which have accomplishment.
28:06Umalma dito si Sen. Lakson at binalaan si DPWH Secretary Vince Disson
28:11na maaari siyang humarap sa criminal liability kung pagtakpan ang mga diumanoy, maanumaliang proyekto sa Taguig.
28:17Sabi ko, Vince, mag-ingat kayo rito kasi pagka nagko-cover up kayo, magiging criminally liable kayo.
28:23At the very least, pwede kayo maging accessory after refact kasi cover up.
28:28Paliwanag naman ni DPWH Secretary Vince Disson, iniimbestigahan pa kasi ang mga proyekto sa Taguig.
28:34Yun ay kasama sa continuing investigation na nakikipagtulungan ang ombudsman at DPWH.
28:42At yun ay nasabit na.
28:44So, tuloy-tuloy pa rin yun at hintayin natin yung final.
28:48Huwag muna tayong mag-draw ng conclusions kasi ongoing pa yung investigation.
28:53Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA News.
29:01Tinangay ng hindi pa nakikilalang sa larin ang mga perang abuloy sa isang lamay sa Malay Aklan.
29:07Ay sa pamilya na nakabuloy, nakatulog sila.
29:10Nang magising, napansin na lamang daw nilang may butas sa likurang bahagi ng donation box.
29:16Iniimbestigahan ang Malay Municipal Police Station ang nasabing insidente sa barangay Manok-Manok.
29:22Nakiusap naman ang pamilya ng privacy bilang respeto sa kanilang namayapang kamag-anak.
29:35Update po tayo sa Day 31 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
29:40kung saan isinalang bilang hostile witness ang kapatid niyang si Davos City Mayor Sebastian Baste Duterte.
29:46May ulot on the spot si Ian Cruz.
29:48Ian?
29:51Yes, Connie, ipinaliwanag nga ng prosecution kung bakit dapat hostile witness
29:56ang kapatid ng Vice Presidente na si Mayor Sebastian Baste Duterte.
30:02Ang ipinunto, Connie, ng private prosecutor na si Teoderte.
30:06Yun nga, nakababatang kapatid ng Vice Presidente si Mayor Baste
30:11at na-prejudge na rin daw nito ang impeachment case.
30:15Ang impeachment trial, tinatawag naman itong lawful proceeding.
30:17Sabay pakita sa mga statement ng alkalde patungkol sa impeachment
30:20at ukol sa mga transaksyon ng Gencorp Incorporated sa Davos City LGU.
30:26Tinutulan pa ito ni Atty. Justin Nicole Gular pero nag-rule si Presiding Officer
30:29Cheese Escudero na hostile witness nga.
30:31Itong si Mayor Baste.
30:33Sa pagtatanong ni Atty.
30:34Sinabi ni Mayor Baste na nalaman lamang niya ang tungkol sa Gencorp Industries
30:39nang nabanggit ito sa impeachment trial.
30:41Head of Procuring Entity o HOPE si Mayor Baste bilang alkali ng Davos City
30:46pero na-delegate na raw ito sa Assistant City Administrator.
30:50Nakakarating lang anya sa kanyang mesa ang usapin kung may nakitang irregularidad.
30:55Sininimula ng talakay ni Atty.
30:57Ang patungkol sa Gencorp Industries, 19 daw ang kontrata sa Davos City LGU
31:02sabi ni Mayor Duterte at hindi labing lima.
31:06Ang 100 pages na dokumento na dala ni Mayor Baste ay pinag-aaralan ngayon ng depensa at prosecution
31:12kaya mahaba ang kanilang lunch break.
31:1512.15pm sila inasang babalik sa trial.
31:18At bago nga nag-break on, inaglabas ang ruling si Presiding Officer Senator Cheese Escudero
31:22na kinatingan ang objection ng depensa sa request for admission covering 100 matters ng prosecution
31:28pero hindi kinatingan ang hiling ng depensa na burahin ang request for admission sa record ng proceeding.
31:34Connie, interesting din ano, yung pagkukrus ng landas ni Mayor Baste
31:38at nitong si dating Senador Antonio Trillanes IV na kilalang kritiko ng Administrasyong Duterte
31:46at sinasabi niya na siya ay isa rin sa mga reserve witness ng prosecution.
31:52Yan muna ang latest sa nangyayaring impeachment trial.
31:54Balik sa iyo, Connie.
31:55Maraming salamat, Ian Cruz.
32:03Patay ang isang babaeng rider sa karambola ng limang sasakyan sa Cebu City.
32:08Sa imbisigasyon ng kulisya at Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office,
32:13nakahinto ang wing van, multicab at dalawang motorsiklo kabilang ang motor o motor ng biktima
32:19sa South Road Properties Viaduct ng araruhin ng truck.
32:23Ayon sa 46-anyos na truck driver, nawala ng pleno ang minamanehon niyang truck,
32:29sugatan ng rider at angkas ng isa pang motorsiklo na isinugod sa ospital.
32:34Ligtas naman ang driver ng naipit na multicab.
32:36Nahaharap ang truck driver sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, and damage to property.
32:44Sa ngayon, hinihintay pa ng mauturidad ang desisyon ng pamilya ng nasawing 24-anyos na biktima
32:51kung magsasampan ang reklamo laban sa truck driver o hindi.
32:58Kinilala ng Senado ang Pinoy Pop Kings na SV-19 para ito sa makasaysayang performance ng grupo sa sikat na
33:04Lollapalooza Music Festival sa Amerika.
33:07Inihain ni Sen. Bam Aquino ang resolusyon kung saan inilihat din ang mga ambagat achievements ng grupo sa musika.
33:13Nakita kong dumalo sa plenaryo para sa pagkuparangal ang SB-19 members na sina Pablo, Stel, Josh, Kenneth, Justin
33:20at tinanggap ang pagkilala at nagpasalamat.
33:23Bukod sa pagkilala, nasa Senado rin ang grupo para makipag-collab kay Sen. Bam.
33:28Yan ay para sa pagbuo ng batas na magtatayo ng ahensyang tututok at susuporta sa creative industry ng bansa.
33:36Ayon sa SB-19, isinusulong nila ang panukala para matulungan ang creative workers at artists.
33:45Tayo po in hagain ng panukalang batas na ang layunin ay magbigay ng suporta sa paglago ng ating creative economy.
33:52Patuloy po tayo magkukonsulta sa iba't ibang creatives para maipasa po ito sa mabilis na panahon.
34:06Dream come true rao para kay Sparkle star Heath Ornales ang latest milestone sa kanyang career.
34:13All eyes on Heath nang ilaunch siya as cover star ng Volume 6, the present issue ng V-Man Southeast
34:20Asia.
34:21Full support sa kanya, co-sparkle artist at BFF niyang si J.O. Mana.
34:27Present din si Nalee Victor Wynona Collins, Jeff Moses Larkin Castor, Mad Ramos Rayo Gravador, Francis Lacap, Nathan Tan at
34:37Isa Prats.
34:38Chika ni Heath, grateful siya sa opportunity, lalot kasabay ito ng launch ng kanyang newest music video na Back to
34:45You.
34:48For me, it feels amazing. It's like a super ultimate dream come true.
34:52Dahil never ko talaga in-imagine na I'm gonna be a front cover of any magazine.
34:56Pero ngayon, it came true.
34:57So, ayun, I'm super happy and super thankful to God of this amazing opportunity.
35:06Kaya na may ilit na balita ngayong tanghali, 87 araw na lang, Pasko na.
35:11Ako po, si Connie Sison.
35:13Rafi Tima po.
35:14Asama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
35:16Ito po ang GMA News, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
35:19Noon at ngayon, serbisyong totoo.
35:29Kaya na may ilit na balita ngayon.