00:00Bahigit P700M fuel subsidy ang hindi umuno na ipamahagi ng Department of Transportation o DOTR
00:08ayon sa Commission on Audit noong 2025.
00:11Pero depensa ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB,
00:16malaking bahagi ang naibigay na sa mga beneficiaryo.
00:19At nakatutok si Maris Umali.
00:25Bago pa ang mga mega oil price hike ngayong taon,
00:27meron na rin pa-fuel subsidy o ayuda sa transport sector noong 2025.
00:32Pinunduhan naman pero ayon sa Commission on Audit,
00:35halos P710M niyan ang hindi na ipamahagi ng Department of Transportation.
00:40Halos P180M dyan ang naproseso pero di na credit o napunta sa account ng mga beneficiaryo.
00:47Karamihan ay para sa mga tricycle driver.
00:49Mahigit isa't kalahating milyong piso naman ang ipinadala sa mga beneficiaryo
00:53pero ni-reject ng mga banko dahil sa mali ang account number o pangalan ng beneficiary sa bank records.
01:00May mga hindi rin na ipamahagi tulad ng mga inilaan para sa mga driver o operator sa Cebu
01:04na dineklara noong under state of calamity.
01:08Paliwanag ng LTFRB, hindi ito isang taong pondo kundi pinagsam-samang natirang pondo
01:13muna 2022, 2023 at 2024.
01:17Malaking bahagi naman daw na nasa P400 to P500M ang naipamahagi na.
01:22Bale po, nagkulang po ang beneficiaryo na ibinigay ng DILG.
01:26Yung ibang beneficiaryo naman po ng LTFRB, hindi na po mahanap, hindi na po mabigay,
01:31kaya po may natira.
01:32Yung P120M na sumobra naman po sa tricycle,
01:38undistributed naman po sa tricycle,
01:39dahil naman po ito sa problema sa kanilang account number, sa pangalan.
01:44So hindi po maitransfer ng land bank noong panahon na yun.
01:49Siniguro na rao na lahat ng tricycle driver na nasa listahan ng DILG ay meron ng e-wallet.
01:54Kinilala naman ang COA na 70% ang kabuwang allotment o 1.9 billion pesos
01:59ang naipamahagi na as of November 30, 2025.
02:03Pero binigyan din pa rin ang COA na kailangang maibigay pa rin agad ang natitirang subsidy
02:09upang matiyak na matatanggap ng lahat ng mga kwalifikadong beneficiaryo ang kanilang mga ayuda.
02:16Hindi naman nawala kundi ibinalik sa kaban ng bayan ang DILG ay pamigay na subsidy.
02:20Hindi na sila pwedeng ipamahagi sa mga dating beneficiaryo.
02:23Legally, technically, hindi pwede.
02:25Kasi yung pondo po ay nag-expire naman po siya every two years.
02:28Kung pwede, palitan na lang namin yung beneficiaryo para maitulong din namin sa mga nangangailangan po ngayon.
02:35Sinita rin ang COA ang mahigit 2.8 million pesos na overpayment ng LTFRB
02:40dahil sa duplicate submission ng Authority to Debit account na di pa nare-refund base sa audit report.
02:46Sa 380 million peso love bus libreng sakay program naman,
02:50kinakwestiyon ng COA kung bakit isang kumpanya lang ang kinuha para magbiyahe.
02:54Gayong ang layo nito ay para sa natulungan ng mga kasalukuyang bus driver at operator.
02:59Sabi ng LTFRB, ang pondo kasi ay donated sa kanila ng Office of the President na may itinakdang requirement.
03:06Dapat ay electric at dapat po ay PWD friendly.
03:10So wala pong ibang nakita except this one.
03:13Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.