Skip to playerSkip to main content
Aired (September 27, 2026): Isang hindi pangkaraniwang bisita ang biglang napadpad sa bahay ni Freddie sa Mendez, Cavite. Sa halip na itaboy ang hayop, minabuti niyang alagaan ito. Panoorin ang video.

Hosted by veteran journalist Susan Enriquez, ‘I Juander’ uncovers the truth behind widely-accepted Filipino customs, beliefs, and questions.

Watch 'I Juander' every Sunday, 7:45 PM on GTV. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #iJuanderGTV

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Apag may kakaibang hayop na biglang pumasok sa inyong bahay,
00:07itataboy o ililigtas.
00:14Sa isang tahimik na kabahayan sa Mendez Nuñez, Cavite,
00:18may isang hindi inaasahan bisita ang pumasok sa bahay ni Freddy.
00:23Balot ng kaliskis, mahaba ang buntot,
00:27at bumibilog na parang bola.
00:30Ano nga ba ang misteryosong hayop na ito?
00:33Sabi ko parang may natahol na mga aso sa labas.
00:37Sinilip ko sa bintana.
00:38Pag silip ko sa bintana, hindi naman, wala naman tao.
00:42Ayun yung ginawa ko, parang sabi ko, baka ahas.
00:45Yun, ang ginawa ko, binuksan ko ng dahan-dahan.
00:49Mayan, mayan, nakit ako pakit na yung ano.
00:52Tumakbo ko sa loob ng kwarto, gilisip ko yung wife ko.
00:54Sa kagubatan sa Palawan, matatagpuan ang pambihirang hayop na ito.
01:00Ang endemic pero endangered na ngayong Palawan, panggulin, na mas kilalang balintong.
01:07Ito ang kaisa-isahang mamal na may kaliskis na siyang nagsisilbing proteksyon.
01:11Kapag nakaramdam ito ng panganib,
01:15bumabalentong ang katawan at bumibilog na parang bola.
01:24May ilap ang balintong sa mga tao.
01:31Mga langgaman-anay ang paborito nitong lantakhan.
01:37Ayon sa International Fund of Animal Welfare,
01:40panggulin ang pinakamadalas na biktima ng panghuhuli para ibenta.
01:46May paniwala kasi, mabisang gamot ang kaliskis nito.
01:52Pero ang malaking palaisipan,
01:54paano napadpad sa kabite ang isang balintong mula Palawan?
01:59Naligaw ba ito?
02:01Nakawala?
02:02O inabando na?
02:06Ados nitong September na makatanggap ng tawag
02:08ang Municipal Environment and Natural Resources Office
02:12o MENDRO ng Mendes Nunez
02:15tungkol sa palaboy na balintong.
02:17Pinakita sa akin yung video
02:18at nakita ko rin niya na
02:20bihira, hindi ko,
02:22wala kaming hayop na makikita dito sa Mendes.
02:26Naisip ko lang yung para siyang anteater,
02:28kahit yung Caesar Freddy na nakahuli,
02:30ngayon din lang siya nakakita ng ganong klaseng hayop sa Mendes.
02:34Agad-agad kong itinawag doon sa PENDRO
02:37para po ma-report at matulungan na ma-rescue po yung sabing animal.
02:44Hindi bang kilala ni Freddy kung anong klaseng hayop ang kanyang bisita,
02:48nagpa siya siyang hulihin ito para iligtas sa kapahamakan.
02:52Hindi ko naman kasi alam na pangkulin agad yun eh.
02:55Siyempre, sino ba naman magugulat pagkaganong hayop?
02:58Hindi mo naman kilala eh.
03:00Yun, kaya tumakbo ko sa loob ng kwarto,
03:02ginising ko yung wife ko,
03:04bago kumbawa ko ng batya,
03:06bago yun na pinanghuli ko sa pangkulin.
03:10Pero nung hindi ko naman siya kitang aggressive,
03:14binitawahong ko na rin doon sa floor.
03:17Nung nagpa siyang humingi ng tulong si Freddy,
03:19isinuko niya ang pangkulin sa Menro ng Mendes Nunez
03:22at sunod na itiner over sa DENR.
03:25Agad sinuri ang balintong kung nakakakain ba
03:28at kayang mabuhay sa natural habitat nito.
03:33May mababangis kasing hayop na kapag napadpad na
03:36sa teritoryo ng tao,
03:38nawawala ang likas nitong ugali.
03:42Hindi na rin agad nakababalik sa pinanggalingan,
03:44gaya ng ilang hayop sa rescue and conservation farm na ito.
03:50Around 80% ay turnover ni DENR
03:53and yung iba naman po ay tinurn over ng mga citizens
03:57na hindi na po kaya alagaan yung kanilang mga hayop.
04:01Isa sa wild animals na matatagpuan dito,
04:04si Bruno, isang binturong o palawan bearcat.
04:08Sa apat po na bearcats na meron kami,
04:11si Bruno talaga yung lumaki na sa amin.
04:14So medyo sanay talaga siya sa tao
04:15and very sociable siya.
04:18The others po kasi medyo of age na.
04:23Ito naman po yung ating Bengal tigers.
04:27A few months pa lang po sila nandito.
04:29It's really more of giving them a home,
04:32a sanctuary for them to be able to have a second chance in life.
04:38Pero ang good news sa pangguli na iniligtas ni Freddy,
04:41hindi pa huli ang lahat para muli itong makabalik sa ilang.
04:46Malakas kasi madalas pag nakuha namin,
04:48hindi na gumagalaw, sobrang weak na.
04:51So we conduct x-rays to check kung may mga fractures
04:54or may mga injuries, so far siya wala.
04:58At nitong ad-17 ng Setembre,
05:01nakabalik na sa tunay nitong tahanan ang balintong
05:04sa kagubata ng Palawan.
05:09May pagpamahal din ako sa hayop eh.
05:11Kina may papayos sa inyo,
05:13huwag niyo sasaktan.
05:15Kung alam niyo natatakot kayo,
05:18huwag niyo nalang lapitan.
05:19Okay, pagbigay niyo nalang
05:20sa kinuukulan para
05:22ma-rescue nila ng hayos.
05:27Tila bumabale balintong man,
05:29ang mundo ng balintong na ito,
05:30gumulong pa rin ang swerte rito.
05:32At muling nakabalik sa kanyang home suite.
Comments

Recommended