00:00Pinakante ang Malat Tunnel na komunidad sa ilalim ng Osmeña Highway sa Maynila.
00:05Halos 50 pamilya mula roon ang inilipat sa pabahay sa Bulacan.
00:09Pero naasaan ang iba pa? Alamin sa pagtutok ni Bea Pinlak.
00:18Nitong Mayo lang nang masilip natin ang buhay na buhay na ilalim ng Osmeña Highway sa San Andres sa Malate,
00:24Maynila.
00:24Pag pinasok kasi ang tila tunnel na isa't kalahating metro lang ang taas at wala pang isang metro ang lapad,
00:35tabi-tabi ang mga nakatira na kumpleto sa mga appliance at konektado sa linya ng kuryente at tubig.
00:41Bakante na yan ang pasukin ko kanina.
00:44Bagaman bakas ko pa rin ang peligro ng pagtira nila rito.
00:48Ganito po kasikip at kadelikado yung mga bahay na tinitirhan ng halos sandaang pamilya sa may Osmeña Highway malapit pa
00:55sa Estero sa Maynila.
00:56Gawa sa light materials yung kanilang mga bahay na nasa ilalim pa ng tulay kaya lubang peligroso lalo na tuwing
01:03maulan.
01:04Inabutan ko namang naglilipat na ang mga residente ng dating Malat Tunnel Community.
01:09Naranasan ko na sunugan kami tapos baha pa.
01:13Minsan, pag ako lang may isa sa bayan, umiiyak ako kasi wala akong kasama eh, lalo pag Pasko.
01:20Naiiyak ako, ano ba yan?
01:23Ano, siyempre aahon kami sa taas kasi yung tubig talaga abot hanggang ganyan.
01:29Inaano ko yung kuryente, baka makuryente kami.
01:32Kanina, sumama ako sa biyahe nila papuntang San Ildefonso, Bulacan,
01:36kung saan naghihintay ang tila maagang pamasko, ang permanenteng pabahay ng gobyerno.
01:42Ngayong Pasko, baka kompleto kami. Masaya ang Pasko ko.
01:46Apat na putsyam na pamilya silang inihatid ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
01:51sa mga bago nilang kirahan.
01:53Kahit malayo ito, naku, sabi ko hindi, ano, titirhan ko talaga ito.
01:58Binigyan din ang bawat pamilya ng tig-sampung libong piso
02:01at dagdag pang tulong tulad ng livelihood assistance.
02:04We will issue another set of cash relief assistance, another 10,000.
02:09Kasi nga, alam mo, pag ni-approve mo ang isang tao, pagdating niya doon,
02:13to jumpstart your life, panibagong tsaka muna naman yun.
02:17Bagaman hindi libre, ay mura ang pabahay.
02:20Isang taon muna silang walang babayaran.
02:22Pagkatapos, ay maguhulog ng 600 hanggang mahigit 2,000 pesos kada buwan
02:27sa loob ng 30 taon.
02:29Pero hindi pa lahat ay nakalipat.
02:32May 35 pamilya pang ipinagrerenta muna ng gobyerno
02:35habang tinatapos pa ang lilipatan nilang bahay
02:38bago magpasko rin sila target mailipat.
02:40Yung paglilipat kasi ng mga 84 na pamilya,
02:44hindi siya simpleng bagay kung gagawin.
02:46Isipin rin natin yung point of view nila
02:48na dito na sila tumira, dito pinanganak yung iba, dito tumanda.
02:53So yung mindset ting, medyo mahabang proseso yun.
02:56At para matiyak na hindi na muling matitira ng tunnel,
03:00isasara na ang lagusan papasok
03:02matapos gibain ang matinirhan sa ilalim.
03:05Nakausap na natin yung mga barangay dito,
03:07barangay opisyalis na kumingin na rin tayo ng tulong
03:09na bantayan itong lugar na hindi na mabalikan pa.
03:12Nakikipag-ugnayan din ang Manila City Hall sa MMDA
03:15para matiyak yan.
03:17Beya Pinlak, Nakatutok 24 Horas.