00:00Ipinababalangkas na ng jefe ng Land Transportation Office o LTO
00:03ang isang kautosan para bawiin ang lisensya
00:06ng mga motorisang masasangkot sa mga aksidente
00:08sa mga pedestrian lane.
00:11Saksi, Sivon Aquino.
00:16Naglalakad ang grupo ng mga estudyanteng ito
00:18sa Makati sa tamang tawiran
00:20nang biglang inararo ng pumaharurot na jeep.
00:23Isa ang namatay,
00:25anim naman ang nasugatan sa insidente
00:27ating nangyari mahigit 6 na taon na ang nakakaraan.
00:30Namatay rin ang isang estudyante sa Oriental Mindoro
00:33matapos masagasaan ang pickup truck
00:35sa pedestrian lane noong January 1, 2025.
00:39Tumatawid din sa pedestrian lane naman sa Quezon City
00:42ang isang ginang
00:43nang mabangga at mabulungan pa ng truck
00:45nitong June 15 lang.
00:47Patay ang biktima.
00:48Isa pang insidente sa pedestrian lane
00:51ang nahulikam sa Infanta Quezon noong July 12
00:53kung saan nabundol ng van
00:55ng isang senior citizen.
00:57Sugatan din ang isang babae sa Quezon City
01:00noong August 11
01:01matapos mabangga habang tumatawid.
01:03Mga estudyante namang tumatawid
01:05ang nasa pool sa Cotabatos City
01:07at San Mateo Rizal
01:09habang mag-ina naman ang sugatan
01:11sa pedestrian lane incident sa Pangasinan.
01:14Ayon kay Land Transportation Office
01:16Chief Marcos Lacanilaw,
01:18ipinababalangkas na niya
01:19ang kautusan upang bawiin ang lisensya
01:21ng mga motorista
01:22na masasangkot o sangkot
01:24sa mga aksidente sa mga pedestrian lane.
01:26Ayon sa LTO,
01:27dahil sa dumaraming kaso
01:29ng pagkamatay ng mga tumatawid
01:30sa pedestrian lane
01:31at pangaharas sa kanila,
01:33ipinababalangkas na ni LTO
01:34Chief Marcos Lacanilaw
01:36ang kautusan
01:37upang bawiin ang lisensya
01:38ng mga motorista
01:39ang masasangkot
01:40sa mga aksidente
01:41sa pedestrian lane.
01:42Ang nakikita ko dito
01:43dapat maghigpit tayo.
01:45Dapat hindi yung mga fines eh.
01:47Kung mapansin ninyo,
01:48hindi naman ako after
01:49dun sa mga malaking fines eh.
01:50Marami ng mga abusado
01:52kasing driver eh.
01:53So para sa akin,
01:54dapat dito drastic.
01:55Ginaan lang namin sa ligan
01:57para mas maayos lahat.
02:00Pero hopefully,
02:02itong mga araw na to
02:03matatapos namin,
02:04ilalabas namin yan.
02:05Dadaan pa rin naman Anya
02:07sa proseso
02:07ang revocation ng lisensya.
02:09Bigyan ang due process
02:10magpaliwanag
02:11pero revoke na yan.
02:13Ang bagsak niya
02:14ang revocation na.
02:15Oo.
02:16Kasi sa ngayon
02:16ang revocation namin
02:17yung mga na-involved
02:18na nakakapatay,
02:20automatic yan.
02:21Pero ito kasi
02:22ang gusto ko mangyari
02:23hindi lang yung
02:23basta nakapatay siya
02:24nakasagasay.
02:26Yung nabundol ka lang
02:28sa pedestrian lane
02:29ng kagagaw driver,
02:31dapat dyan i-revoke.
02:32Sabi ng LTO,
02:34layo nitong mapatino
02:35ang mga motorista
02:36at respetuhin
02:37ang mga taong
02:38dumaraan sa pedestrian lane
02:39at maiwasan
02:41ang mga nasasagasaan
02:42dito.
02:43Sang-ayo naman dito
02:44ang ilang pedestrian
02:45tulad ni Ananyel
02:46na kung minsan,
02:47takot na raw tumawid
02:48kahit sa pedestrian lane.
02:50Mas okay po sana yun
02:51para maging aware din
02:53yung mga driver
02:53dun sa mga pedestrian lane
02:55para respetuhin na nila
02:57yung pedestrian lane.
02:58Ang ilang nakausap
03:00namin driver
03:00may hiling sa LTO.
03:02Pabor naman sa ganun ma'am
03:03pero sana
03:04investigan muna na maigi
03:05bago tanggalan
03:06ng lisensya
03:06kasi kawawa rin yung driver
03:08na mawawala
03:09ng hanap buhay.
03:09Kung ganyan
03:10babawian ka agad,
03:11isang pagkakataon palang
03:12magkasala ka,
03:14pang hindi naman tama yun.
03:16Diba?
03:16Dapat pagbigyan pa
03:17ng mga dalawang bisis.
03:19Kung pasangkot ka,
03:20talagang mali na yun.
03:22Ako si Vona Quino
03:23ang inyong saksi.