00:00Samantana, isa ng ganap na recording artist ang suki sa mga television singing contest na si Benedict Villuan.
00:06Ano kaya ang kanyang pakiramdam sa bagong milestone na ito ng kanyang singing career?
00:11Alamin natin yan sa Showbiz Report ni MJ Peranya.
00:16Mula sa iba't ibang singing competition stage, ngayon ay may panibagong milestone sa kanyang music journey
00:23ang rising singer na si Benedict Villuan.
00:25Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay inilabas na niya ang kanyang single na may titulong Sa Gitna ng Ulan.
00:43Hindi basta-basta ang pangalan sa likod ng kantang ito.
00:47Dahil ang nasabing single ay komposisyon ng isa sa kinikilalang hitmaker at songwriter sa OPM industry na si Vennie Saturno.
00:55Para kay Benedict, malaking bagay ang mabigyan ng sariling kanta, lalo na mula sa isang composer na may ilang dekada
01:01ng ambag sa OPM.
01:03At sa paglunsad ng Sa Gitna ng Ulan, umaasa siyang mas makikilala pa siya, hindi lang bilang isang kontisero, kundi
01:10bilang isang artist na may sariling identity.
01:13Sobrang thankful po ako for this opportunity dahil si Sir Vennie Saturno po ito eh.
01:20Hindi ko rin po in-expect na magagawan ako ng kanta at also kakantahin ko po yung ginawa niyang kanta.
01:26Actually, it's my dream and sobrang proud po ako sa sarili ko and also sobrang thankful po kay Lord kasi
01:34binigay niyo itong opportunity na ito.
01:37Labis rin ang pasasalamat ni Benedict sa kanyang pamilya na siyang nag-impluensya at nagbigay ng suporta sa kanyang singing
01:43career.
01:44Ngayon ay available na ang Sa Gitna ng Ulan sa lahat ng online streaming platforms.
01:48I-inimbitahan ko po kayo lahat na suportahan ang aking first song.
01:53Ang title nito ay Sa Gitna ng Ulan composed by Sir Vennie Saturno.
01:58Sana po suportahan niyo po itong first song ko and maraming maraming salamat po. God bless.
02:05MJ Pereña para sa Talk Biz.