00:00Vacation sa Vietnam ang idineklara pero nabistong may employment visa sa Cambodia ang tatlong Pinay na naharang sa Naiya.
00:07Saksi, si Jonathan Nanda.
00:12Biyahing Vietnam, umano, para magbakasyon ang tatlong babaeng nagpakilalang magkakaibigan.
00:17Pero sa interview, naghinala ang mga immigration officer dahil hindi nagtutugma ang sagot nila at hindi nila mapatunayang magkakaibigan sila.
00:26Ang isa sa kanila nagpresenta ng dokumento ng umano'y negosyong magpupondo sa kanyang biyahe pero nang i-check sa
00:32DTI registry, hindi pala ito nakapangalan sa kanya.
00:36Sa huli, nabistong may employment visa sila, hindi sa Vietnam kundi sa Cambodia.
00:42So doon pa lang po nakita na hindi po nagmamatch yung kanilang sinabing purpose of travel doon sa kanilang actual
00:50documentation.
00:51Nabisto rin ang immigration na dati na silang nagkambodya.
00:54Ang isa nagpaalam bilang turista pero inabot ng dalawang taon ang umano'y bakasyon doon.
00:59Kaya natin nakita na posible pong uulitin, aalis at magtatrabaho sa ibang bansa nang walang kaukulang dokumentasyon.
01:08Naharang ang tatlo sa NIA Terminal 1 noong September 25.
01:11At agad ito nun over sa IACAT o Interagency Council Against Trafficking para sa karagdagang investigasyon gaya ng pagtukoy kung
01:18merong mga local recruiter ang mga ito.
01:20Kadikit lang ng Vietnam ang Cambodia na pwedeng tawirin baylan.
01:25Ilang beses nang may nare-rescue ang Pilipino sa Cambodia na biktima ng human trafficking, ginawang online scammer at minsa
01:31'y tinotorture pa.
01:32Dahil dyan, kaya umano'y nagihigbit ang immigration.
01:36Para po ito sa kanilang proteksyon.
01:38Be very cautious po sa mga pangakong, kumbaga too good to be true, yung mga hindi maipaliwanag na mga unusually
01:47high paying jobs,
01:48o kaya po yung mga hindi verifikadong recruitment channels.
01:53Dapat po magdalawang isip tayo.
01:56Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
01:59Dapat po magdalawang isip tayo.