00:01Efectivo na ngayong araw ang panibagong oil price adjustment na sa 1 peso and 30 centavos kada litro ang rollback
00:09sa diesel.
00:11May dagdag naman po na 1 peso and 93 centavos sa kada litro ng gasolina at may taas presyo rin
00:19sa kerosene na nasa 3 pesos and 30 centavos kada litro.
00:24Sa tala ng GMA News Research, nabatay sa datos at mga anunsyo ng oil companies, ang presyo ng gasolina sa
00:31Metro Manila ay nasa 78 pesos and 60 centavos hanggang 113 pesos and 33 centavos kada litro.
00:39Ang diesel naman ay nasa 83 pesos and 70 centavos hanggang 104 pesos and 60 centavos kada litro.
00:47Habang ang kerosene mula 113 pesos and 30 centavos hanggang 145 pesos and 2 centavos kada litro po yan.
00:55Ayon sa Department of Energy, ang paggalaw po sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dulot ng paggalaw sa international
01:02oil market na apektado ng limitasyon sa supply at kondisyon ng mga refinery.
01:07Una na ang sinabi ng oil industry sources na ang rollback po ay dahil sa kasunduan ng G7 nations na
01:15i-release ang emergency oil at diesel stocks para sa susunod na apat na buwan.
Comments