00:00Mga kapuso, matinding pagkatuyo o drought ang posibleng maranasan ng lahat ng probinsya pagsapit ng Marso sa susunod na taon
00:06ayon sa DOST.
00:08Kauwag na iyan, makakapanan natin si Department of Science and Technology Secretary Renato Suridum Jr.
00:14Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:17Magandang umaga Rafi at sa lahat ng inyong taga-subaybay.
00:20Opo, ano pa yung posibleng maging epekto ng Very Strong El Niño dito sa bansa?
00:23Yung Very Strong El Niño na nangyayari sa Dagat Pasipico sa eastern side ay makaka-apekto sa ating bansa una
00:32sa pagbabawas ng tubig ulan.
00:35By March 2027 ay makikita natin na mas dumami na at buong Pilipinas na ang mga kakaranas ng tinatawag nating
00:44hydrometeorologic drought
00:46na kung saan tatlong buwan at least ay may pagkabawas ng more than 60% yung pagulan.
00:52Pangalawa ay siyempre yung pag-init ng ating temperatura dahil po sa El Niño, mayroon po epekto sa ating temperatura
01:01mas mataas kaysa average.
01:04At ang nakikita nga ng Diyos ni Pag-asa, in the months between October 2026 to March 2027,
01:13ang maximum na nakikita nila is around 38.7 degrees centigrade.
01:18At ito po ay mainit kaya kailangan ang pag-ingatan, ang kalusugan ng bawat isa, siyempre yung supply ng tubig,
01:26pagkain, kuryente,
01:28at siyempre yung potensyal na magkaroon ng mga sunog dahil po sa dry ang ating mga kapaligiran.
01:33Pagdating po sa posibleng water crisis, ipinuntun nyo na hindi ito otomatikong mangyayari. Pakipaliwanag nga po ito?
01:41Una-una, yung hydrometeorological drought ay yung kakulangan ng tubig ulan.
01:46Pero kung may mga nakaimbak tayo sa mga dams at meron pa tayo mga underground na mga water sources,
01:53ang kailangan natin gawin ay ikonsarba, magtipid sa paggamit ng tubig upang mapatagal natin ang availability ng ating tubig,
02:02lalong-lalo na sa pag-inom.
02:05At ito naman po ay ginagawa ng ating mga ahensya ng gobyerno,
02:09pero kailangan po ang tulong ng bawat isa sa atin na hindi natin nasasayangin ang ating mga tubig sa paliligo,
02:17sa pagsisipilyo, sa pagka-car wash, no? At iba pang mga pwede naman ating minimum lang na amount ng tubig
02:26ang pwedeng gamitin.
02:28So dapat po ipalala kahit ngayon may medyo muulan sa ilang panig ng bansa,
02:32ngayon pala magsimula ng magtipid ng tubig.
02:34Tama ka, Rafi. At marami po pwede tayong gawin.
02:39Kapag umuulan, pwede nating saluhin ang mga tubig ulan na pwede nating pang diligo,
02:46pwedeng pang car wash. At siyempre yung ating pangaraw-araw na gamit ng tubig ay madami po tayong matitipid
02:53kung conscious po tayo. Ganon din sa kuryente.
02:56Kasi importante din na dahil umiinit yung demand ng kuryente sa pagpapalamig ng hangin
03:01or air conditioning ay napakahalaga.
03:04Importante din po na yung kaya na magkaroon ng renewable energy supply
03:09tulad ng pagkaroon ng solar rooftop energy source ay napakahalaga
03:14para yung matitipid na ating enerhiya ay maghamit ng iba na wala namang renewable energy supply.
03:20Ayon po sa Climate Change Commission, kahit matinding tagtuyot yung hatid ng very strong El Niño,
03:25makakaranas pa rin nga ng matinding ulan at malalakas na bagyo.
03:27Unang-una, pakipaliwanan nga po ito. Bakit nagsasabay itong mga ganitong pangyayari?
03:33Dapat po natin maintindihan na ang ating mundo ay may iba't ibang weather systems.
03:40Ang El Niño weather system ay isa lang na weather system na kung saan humiinit ang dagat pasipiko.
03:46Pero meron din naman mga localized na mga weather systems na kung saan magke-evaporate din ang tubig sa dagat
03:54at pwedeng yung moisture ay pwede pong magkaroon ng pagbagsak sa kalupaan.
04:00Paminsan-minsan pwede rin magkabagyo kasi ang fuel ng bagyo ay mainit na tubig
04:05at pwede itong dumaan sa ating bansa at di kaya ay magpa-enhance ng ulan.
04:10Pero sa tingin ng pag-asa in the next 6 months ay hindi naman ganong karami
04:14ang mabubuong bagyo dito sa ating bansa.
04:18So importante po na maintindihan na dahil po iba't iba ang weather systems na humihiral sa ating bansa
04:24may mga panahon na pwedeng magkaroon ng extreme rainfall
04:28dapat magbantay din tayo sa posibleng epekto ng matinding pagbaha o landslide naman.
04:35Pero overall, on the average, magiging mas konti ang tubig ulan na papatak dito sa ating bansa.
04:42Kung meron lang po kayong informasyon, kumusta po yung pag-ahanda ng iba't ibang probinsya dito sa Pilipinas?
04:47Satisfied po ba kayo sa ganun ginagawa nilang pag-ahanda at sapat ba yung kanilang informasyon patungkol dito sa very
04:53strong El Niño?
04:54Well, ang hinihikayat ng national government talaga is operationally to really focus on the local government's response
05:02pagdating sa pagbibigay ng servisyong maayos sa ating mga babayan.
05:08At ito po yung guidance na binibigay ng national government.
05:11Ang mga national government may focus areas.
05:14Pagdating po sa food supply, meron tayong Department of Agriculture na gahanda niyan at pagtulong sa ating magsasaka.
05:23Guidance din sa mga water supply.
05:27Nagkakaroon din ang pagbisita sa ating mga irrigation system.
05:31But overall, ang aming sinasabi sa LGU, we need to make sure na yung campaign to conserve water
05:38and of course to encourage ang ating mga kababayan na magtanim din sa kanilang mga bahay.
05:45Kasi nga, overall, yung supply ng ating mga pagkain ay maapektuhan ng pagulan.
05:50Pero dahil nga po, noong COVID, nagkaroon tayo ng plantito-plantita craze,
05:56pwede naman tayong magtanim ng mga vegetables para dito sa ating mga bahay
06:00na makakatulong sa supply ng mga pagkain.
06:04E gayong hindi natin mapipigilan, talagang paghahanda ang dapat natin gawin.
06:08Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitang Hali.
06:11Maraming salamat po.
06:12Yan po si DOST Secretary Renato Solidum Jr.
06:20Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitang Hali.