Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sakto sana sa pagtama na epekto ng Super El Niño
00:03ang target na pagubukas ng Kaliwa Dam sa 2027
00:06pero naurong po yan sa 2030
00:10dahil daw sa kakulangan ng pondo.
00:13May unang balita si Maki Pulido.
00:18Sa kabila ng mga protesta ng mga katutubong Pilipino,
00:22natuloy ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project
00:25sa kabundukan ng Rizal at Quezon noong 2023.
00:30Kaliwa Dam Project ang sinasabing sagot
00:32sa kakulangan ng malinis na tubig sa Metro Manila
00:34dahil hindi na sapat ang tubig mula sa Angat Dam.
00:38600 million liters per day ang kapasidad nito
00:41at kayang maghatid ng 2,400 million liters per day
00:45sa mga water treatment facilities sa Rizal.
00:48Huling bahagi ng 2026 target
00:50matapos ang construction ng 12.2 billion peso dam
00:54at dapat sana'y operational na sa unang bahagi ng 2027.
01:00Tamang-tama sana.
01:01Dahil ito ang panahon na tatamaan tayo ng Super El Niño
01:05kaya't makakaranas ang malaking bahagi ng bansa
01:08kabilang ang Metro Manila
01:09ng matinding tagtuyot.
01:12Pero sa halip na 2027 operational date,
01:152030 na ang bagong target
01:17dahil sa ngayon,
01:18sabi ng MWSS o Metropolitan Water Works and Sewerage System,
01:23nakahinto ang proyekto dahil sa kawalan ng pondo.
01:27Nagkaproblema raw kasi ang loan agreement sa China Exim Bank
01:30kaya nahinto ang pagpupondo para sa Kaliwa Dam Project.
01:34Nagkaroon po ng problema po sa loan po natin sa China
01:36so hindi na po in-extend po ng ating po kausap po
01:40from the China Exim Bank yung ating po loan
01:43kaya po nagkaroon po tayo ng mutual termination po
01:46dito po sa ating po kontrata.
01:48Nabanggit din yan sa report ng Commission on Audit.
01:51Nagkulang daw sa pondo dahil hindi na isumite ng MWSS
01:54sa tamang petsa ang request for extension
01:57ng mawalan na ng visa ang loan agreement
01:59noong May 1, 2025.
02:02Dahil daw sa oversight na ito,
02:04umabot sa mahigit 7 billion pesos
02:06na civil works ang hindi mapondohan.
02:09Kaya hindi nabayaran ang nasa 400 million pesos
02:12na bill ng kontraktor.
02:14Hinihingan namin ang reaksyon ng MWSS tungkol dito.
02:18Sabi ng MWSS, mga water concessionaire na
02:21Maynilad at Manila Water na ang magtutuloy ng proyekto.
02:25Hinihingi pa namin ang pahayag ng Maynilad at Manila Water
02:28maging ng Malacanang kaugnay nito.
02:30Yung ating pag-finance po ng itong proyekto na ito
02:33ay it will be shared equally by Maynilad and Manila Water.
02:36Supportive naman po sila na sila na po yung mag-finance po
02:39nitong proyekto.
02:40Napunanan ng COA ang pagkaantala ng proyekto
02:42noong nakaraang taon.
02:44Sa report nito, as of December 31, 2025,
02:47sa halip daw na 54.62% completed na ang proyekto,
02:52nasa 26.25% pa lang.
02:54Nasa kategorya ng araw ito na at risk level 2 critical
02:59ng Department of Economy, Planning and Development
03:02o humaharap sa mga matinding problema
03:04at pagkaantala ang implementasyon.
03:07Dagdag ng COA, isang dahilan ng pagkaantala
03:09ang pagtutol ng LGU ng Infanta
03:11at Provincial Government ng Quezon
03:14kaya't hindi makagalaw ang mga heavy equipment.
03:17Nantala rin daw ang pagdokumento
03:19sa pagpayag ng mga katutubo
03:20na mapaalis sila mula sa kanilang lupain.
03:24Ito ang unang balita.
03:25Maki Pulido, GMA News.

Recommended