00:28BULKANG TAAL
00:30Ibig sabihin, ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island at pamamalagi sa Taal Lake.
00:36Gayun din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng vulkan.
00:44Nabulabog naman ang mga nasa palengke na yan sa Glan Sarangani nang tumama ang magnitude 5.6 na lindol kaninang
00:51hapon.
00:52Naitala ang episentro ng lindol sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.
00:57Naramdaman ang pagyanig hanggang Davao City at General Santos City.
01:02Sabi ng FIVOX, aftershock ng dalawang magkasunod na lindol nitong Hunyo, ang pagyanig ngayong araw.
01:10Lusot na sa Senado ang panukalang pagbawalan ng mga minority-edad na magkaroon ng social media accounts
01:16sa ilalim ng Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces o Smart Kids Act,
01:24restricted ang mga kabataang edad labing-pito pa baba sa pag-access ng social media
01:29at iba pang harmful digital apps at websites.
01:33Didisable at sususindihin din ang mga account ng mga minority-edad
01:37at pagbabawalan silang gumawa ng accounts.
01:40May kahalintulad na panukalang bata sa kamera na apubado na sa second reading.
01:45Pero sa versyon ng kamera, 13 years old pa baba ang bawal gumawa ng social media accounts,
01:51habang mas maigpit ang restrictions para sa edad 18 pa baba.
01:56Halos triple ang singil ng tatlong nagpapanggap na parking attendants sa Maynila.
02:01Dahil sa kanilang pananaga sa parking fee, naabuking tuloy sila.
02:05May report si Vona Quino.
02:0950 hanggang 100 pesos lang dapat ang bayad para sa walong oras na street parking sa Maynila.
02:18Pero ang mga lalaking ito na nagpapanggap na parking attendant
02:22ng Manila Traffic and Parking Bureau sa May Adriatico Street,
02:25100 hanggang 300 pesos ang singil.
02:28Kaya na makatanggap ng sumbong mula sa mayor's office.
02:31Agad nagkasan ang operasyon ng Manila Special Mayor's Reaction Team.
02:35Mayroong nagpanggap sa amin na ipilag isang manunod doon na dahil may laro nga yung PBE.
02:40So marami nga. So humalo kami doon.
02:42Nagpanggap kami, nagdala kayo ng motor namin.
02:44Nagpanggap kami as manunod din.
02:47Ayun, validate namin talaga na hindi sila member ng MTPB.
02:52Arestado ang tatlo at na-inquest na para sa kasong Usurpation of Authority.
02:56Itinanggi na mga suspect na nagpapanggap silang parking attendant ng MTPB
03:01at nagugulo kapag hindi sila binibigyan.
03:03Nariningil kayo na.
03:05Parking fee?
03:06Hindi po.
03:08Ano lang po, nag-assist lang po kami.
03:10Tapos?
03:11Para magkaroon lang po.
03:12Saan ito, 100 to 300 yung sila binibigyan?
03:15Hindi po, huwag may ganun.
03:16Sinasabi niyo ba na MTPB kayo?
03:18Hindi po.
03:18Hindi po nga.
03:19Paalala ng mga otoridad sa mga magpapark sa lungsod ng Maynila.
03:23Dapat magbayad lang ng parking fee sa mga parking attendant ng MTPB
03:27na may ID, nakauniforme at may ticket.
03:31Vona Quino, GMA News.
03:34Huli ka amang pananakit ng isang police colonel sa kanyang kinakasama.
03:38Tinutukan ng baril ng polis ang kinakasama niyang babae.
03:42Ilang beses rin siyang nanduro at nanghampas ng stick.
03:46Kuha pa noong 2022 ang video pero naungkat ito
03:49nang ireklamo ang live-in partner sa Napolcom ng pamamaril at pananakot.
03:54Ayon sa mga complainant, tinambangan ang kanilang bahay sa utos ng babae.
03:58Nadiskubre umano ang pag-uusap ng babae at ng nahuling gunman.
04:02Dumalabas din sa imbisigasyon ng Napolcom na ginawang bodyguard ng babae ang ilang polis.
04:08Sa hiwalay na reklamo, nagpadala umano ng polis ang polis colonel para takuti ng isang kapitan.
04:15Iniimbisigahan na ng Napolcom ang mga reklamo.
04:18Pag-aaralan din na patawan ang polis ng 60-day preventive suspension.
04:23Tumangging magkomento ang polis ayon sa NCRPO.
04:28Balik mayorya si Sen. Mark Villar.
04:30Sabay niyan, inalal muli si Villar bilang chairperson ng Public Works Committee
04:35at miyembro ng makapangyarihang Committee on Appointments.
04:40Sabi ni Senate Majority Leader Mig Zubiri,
04:43si Villar mismo ang lumapit sa kanila at walang negosasyong nangyari.
04:48Wala rin daw itong kinalaman sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
04:51Sa paglipat ni Villar, meron ng labing apat senators sa mayorya,
04:56habang sampu naman ang nasa minorya.
04:59Sinubukan ang GMA News na hinga ng komento si Villar pero hindi pa siya sumasagot.
05:04Listado sa Cagayan de Oro City ang pagbibenta ng isang dayuhan ng pinaking food seasoning
05:10na posibing makasama sa kalusugan.
05:13Ang tip-talk para hindi mabiktima ng peking produkto
05:16sa report ni James Paolo Yap mula sa GMA Regional TV.
05:28Nagkunwaring customer ang kawaning ito
05:30ng Criminal Investigation and Detection Group Misamis Oriental Provincial Field Unit.
05:36Target ng operasyon ang umano'y nagbebenta ng peking food seasoning
05:41sa Cagayan de Oro City.
05:43Mismong ang manufacturer ng produkto ang dumulog sa pulisya.
05:47Nakabili kami ng one box sa halagang 2,450 which is not normal doon sa suggested retail price
05:55ng company. Ang layo ng presyo doon sa original so it creates doubts sa amin.
06:01Then upon that, ginawa namin, nag-request kami sir ng verification.
06:07Isang Chinese national ang nabilhan na mahigit 100 at 60 kahon ng peking food seasoning.
06:14Aabot sa halos 700,000 piso ang halaga ng mga peking produkto na recover.
06:20From China talaga sir.
06:21Hindi siya locally manufactured?
06:23Hindi siya locally manufactured sir. Parang import from China.
06:26Nakabalon pa nga ito sir sa sako.
06:28Twin pack ito sir. Dalawang box.
06:29Isang sako na nakarap siya sir. Parang mukhang ukay-ukay ang itsura.
06:33Kung ikukumpara rao sa original, mayroong kakaibang amoy ang peking food seasoning.
06:39Iba rin ang kulay nito at laki ng granules.
06:43Nahaharap sa reklamong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang suspect na wala pampahayag.
06:50Payo ng Intellectual Property Office para di mabiktima ng mga peking consumer goods.
06:55Tingnan ang five-piece.
06:57Una, tingnan ang packaging.
07:00I-check kung ang mga detalye ay may grammatical error o maling spelling.
07:05Dapat malinaw ang logo at may product seal.
07:08Dapat din malinaw ang expiration date at maayos ang pagkakabalot.
07:14Pangalawa, tingnan kung justifiable ang presyo.
07:17Kung masyado itong mura, posible raw itong peke.
07:21Pangatlo, suriin ang itsura ng produkto.
07:24Pangapat, mag-ingat kapag too good to be true ang promotional message.
07:30At panglima, place, mag-ingat sa mga ibinibenta online.
07:36Mula sa GMA Regional TV, James Paolo Yap, GMA News.
07:42Hindi umano-tugma ang diniklarang net worth ni Vice President Sara Duterte sa kanyang sal-en
07:47at ang kinita niya at ng kanyang asawa mula 2007 hanggang 2025.
07:52Yan ang ipinunto ng prosekusyon sa pagsalang sa witness stand
07:56sa kinetawa ng Bureau of Internal Revenue sa Day 36 ng impeachment trial.
08:01Base sa dalang mga dokumento ni Atty. Anne Lorraine Garcia Marquez,
08:06kumita ang mag-asawang Duterte at Atty. Manz Carpio
08:09ng 85.4 milyon pesos mula sa taong 2007 hanggang 2025.
08:14Habang ayon sa prosekusyon, 98 milyon pesos ang idiniklarang net worth ng vice sa sal-enya noong 2025.
08:23Sabi niyang prosekusyon, hindi may paliwanag ng net income ang idiniklarang net worth.
08:29Ipinakita rin ang prosekusyon na tumanggap si Duterte ng compensation
08:32mula sa city government ng Davao noong 2023 kung kailan vicepresidente na siya.
08:38Paglabag umano ito sa konstitusyon na nagbabawal sa isang presidente at vicepresidente
08:44na tumanggap ng ibang sweldo bukod sa para sa posisyon nila.
08:50Bago ngayong gabi, idiniklara ng Trial Chamber 3 ng International Criminal Court
08:55na fit to stand on trial si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
09:00Pinagbatay numanon ng korte ang findings ng Independent Panel of Experts
09:04at isinumiting posisyon ng magkabilang panig.
09:07Batay sa findings ng expert panel na binuon ng korte,
09:11may kapasidad umano si Duterte na maintindihan ang kasong crimes against humanity laban sa kanya.
09:16Gayun din ang trial proceedings.
09:18Alinsunod sa desisyon, isinasaayos na rin ng korte ang mga hakbang
09:23para sa nakatakda ang pagharap ni Duterte sa November 30, 2026.
09:28Patuloy din umano nilang minomonitor ang kalusugan ni Duterte habang nakapiit.
09:34Nagkasalpukan ang isang utility van at pick-up sa may intersection sa Lezo, Aklan.
09:39May karga pang bangkay ang utility van na pagmamayari ng isang punirarya.
09:45Pagmamayari naman ang Department of Environment and Natural Resources ang pick-up.
09:50Tumalabas sa imbisigasyon na parehong mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan.
09:54Sugata ng mga sakay ng utility van.
09:57Nagkausap na ang dalawang pan.
10:00Sugata ng isang residente ng Talisay City, Cebu, ng tamaan ng ligaw na bala.
10:05Kwento ng biktima, natutulog siya pasado alas 4 ng madaling araw kahapon
10:09nang makarinig ng malakas sa kalabog sa kanilang bubong.
10:13Sabay nito, bigla umanong ng manhid ang kamay ng biktima.
10:18Nang buksan ng ilaw, laking gulat niya na duguan na ang kanyang daliri.
10:22Nagtagpuan ang isang basyo ng bala.
10:25Isasailalim nito sa ballistic examination para matukoy ang trajectory at pinanggalingan nito.
10:35Affidavit ni Vice President Sara Duterte para pabulaanan ang mga aligasyon ni Rodolfo Gracioso Jr.
10:41isinumite sa NBI.
10:43Tingin ng abogado ng vice, may sapat na batayan na sampahan ng reklamong libel o perjury si Gracioso
10:50dahil sa mga pinagsasabi niya sa kanyang affidavit.
10:53Nauna ng sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ibabangga nila ang affidavit ni Duterte sa sinumpaang sanaysay ni Gracioso.
11:02Susuriin din daw ng NBI ang mga letrato at iba pang ebidensya na isusumite ng vice.
11:10Desisyon ng Commission on Audit Kaugnay ng Confidential Funds ng Office of the Vice President
11:16idudulog ng kampo ng vice sa Korte Suprema.
11:19Ayon kay Atty. Michael Poa, hinihintay lang nila ang gopya ng desisyon para makapaghain ng nararapat na petisyon.
11:27Sa desisyon ng COA, pinal na ang disallowance nito sa mahigit 70 million pesos na confidential funds ng OVP noong
11:352022.
11:37Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at France, niratipikahan na ng Senado.
11:43Inaasahang palalakasin ng kasunduan ang military cooperation ng dalawang bansa.
11:49Kino Gaston, GMA News.
11:51Inanong na mga negosyante si Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa flood control scandal sa kanyang pagbisita sa Singapore.
11:58Sabi ng Pangulo, kailangan ng pagbago ng sistema at pagbago sa pag-iisip ng tao para labanan ng korupsyon.
12:07When you are a second class citizen for 300 plus years, you find ways to get around the law.
12:15Because you cannot succeed if you just follow the law.
12:19Now we have to change that.
12:21However, again, a cultural shift is much, much harder than what you would say a bureaucratic shift or a systems
12:32change.
12:34Napag-usapan din ang kontrobersyal na Paxilica Project sa Pilipinas.
12:39Sabi ng Pangulo, ipo-formalize na sa November ang Digital Economy Framework Agreement
12:44na magsisilbing gabay ng mga bansa sa AI o Artificial Intelligence.
12:49Excited na raw sa proyekto ang Pangulo at ipinagmalaking magandang lokasyon ng Pilipinas para sa AI.
12:56That is one of the big areas that we're terribly excited about.
13:04Paxilica came along and we saw that it was a grand opportunity for the Philippines
13:09to inhabit more of the value chain that we already had begun.
13:17Makapigil hini nga ang pagsagip sa isang aso na inanod sa isang ilog sa Chile.
13:25Limang beses sinubukan ng mga otoridad na sagipin ang asong si Marocho.
13:29Pero nahirapan sila dahil sa lakas ng agos ng tubig.
13:33Mayigit dalawang oras na natrap sa isang concrete barrier ang aso na matagumpay namang nasagip kalaunan.
13:45Hindi ako si Michael V. Wala kasing taping ngayon ng bubblegum at saka ng bepito.
13:50Bitoy, is that you?
13:53Kinagiliwan ng netizens ang lookalike moment na yan ni Ketchup Eusebio at comedy genius Michael V.
13:59Rumampa ang karakter ni Ketchup sa The Master Cutter na si Emerson bilang miyembro ng Karayong Queens.
14:07Si John Fair ang una nagpakita sa akin ng pictures.
14:09Sabi ko, kabuka ako to. Si Ketchup to, di ba?
14:15Apple V. App. Inaming minsan nang niligawan.
14:18Si Filipino-American na singer Nicole Jerzinger.
14:21One day I was like, you know, I hit up on her.
14:24I'm like, hey, Nicole, do you wanna come over?
14:26I'm gonna cook your chicken adobo, you know?
14:28Pero si Apple, tila na kuya zoned kay Nicole.
14:32She's like, kuya? You're my kuya!
14:34I was like, aww!
14:36You know, when they call you kuya, it's over, you know?
14:39Aubrey Carampel, GMA News.
14:42O
14:43GMA News.
14:44I'm
14:45You