00:00Sa ikalawang pagkakataon, hindi na naman natuloy ang dapat sana ipagbasa ng sakdal
00:05kay Vice President Sara Duterte para sa kasong grave threats sa Korte sa Quezon City.
00:11Hindi pa kasi nare-resolva ang ilang karekosyon ng kampo ni Duterte
00:15kabilang ang jurisdiksyon ng QCRTC dahil isang impeachable officer ang BISEC.
00:22Nakatutok si Maki Pulido.
00:27Dumating si Vice President Sara Duterte sa pagbasa dapat ng sakdal sa kanyang kasong grave threats
00:33na nakahain sa Quezon City Regional Trial Court.
00:36Kaugnay ito sa pagbabantao manon ng BISEC sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:41First Lady Lisa Marcos at dating House Speaker Martin Rumueldez,
00:45ang mga nag-aabang na supporters nilapitan ng BISEC.
00:49Maraming salamat sa suporta ninyo. Thank you, thank you.
00:55Ma'am, mahal ko kayo. Maraming salamat sa suporta ninyo. Thank you.
01:02Maraming salamat sa suporta ninyo. At mag-ingat kayo lagi.
01:08We love you so much.
01:09Mahalin natin.
01:11Pero sa ikalawang pagkakataon, postponed muli ang arraignment.
01:15Ayon sa kanyang abogado, kailangan muna kasing resolbahin ang inihain nilang petisyon sa Korte Suprema
01:20na kumekwestyon sa jurisdiction ng Quezon City Regional Trial Court na dinggin ang kasong grave threats.
01:27Ang posisyon nila walang jurisdiction ng QCRTC dahil isang impeachable officer si BP Sara kaya may immunity siya from suit.
01:35Dahil dyan, humingi rin sila sa Korte Suprema ng temporary restraining order.
01:40Dahil daw dito, minabuti ng Korte na ipagpaliban muna ang arraignment.
01:45The Vice President is an impeachable officer na hindi pwede pang kasuhan until siya ay either ma-impeach
01:52or ma-convict by impeachment or mag-resign.
01:57Or bumaba sa kanyang pwesto for any other reason.
02:00Tinatawag po dyan yung limited procedural immunity na hindi lamang yung vice-presidente ang nage-enjoy.
02:08Lahat po ng impeachable officer, yan po ang nakalagay sa saligang batas.
02:11Kailangan din daw resolbahin ang inihain nilang partial motion for reconsideration
02:16para mag-inhibit ang judge na dumidinig sa kaso.
02:19Sabi ng Depensa, appointee daw kasi ni Pangulong Marcos si QCRTC Branch 98,
02:24presiding judge Maria Angelica de Ramos at nagpakita umano ng pagkiling sa prosekusyon.
02:31Pinabulaanan na ito noon ng hukom na tumangging mag-inhibit sa kaso.
02:36Kinal namin ay motion for partial reconsideration para paghingin sa judge na i-reconsider niya
02:42yung part ng order niya na hindi niya pinagbigyan yung aming inhibition.
02:47Maki Pulido Nakatutok, 24 Horas.
02:54Maki Pulido Nakatutok