00:00Sa kabila ng mga puna, kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na manunood siya ng Formula One race sa Singapore.
00:08Ipinagtanggol din ng Pangulo at ng palasyo ang magiging pakinabang nito sa Pilipinas.
00:14At mula pa rin sa Singapore, nakatutuplay si Jonathan.
00:18Jonathan!
00:21Vicky, tinawag ng Pangulo na Happy Coincidence.
00:25So, nagkataon lang daw na yung pinuntahan niyang event dito para sa 5-day working visit niya rito sa Singapore,
00:30e tumaon din sumabay sa F1 race.
00:34Ngayon po ay day 1 ng F1 race dito.
00:37Nagkakabentahan na po ng ticket niya yun.
00:39Ang pinakamura na nakita ko kanina, 9,000 pesos, sumaabot ng hanggang 147,000 pesos.
00:45Bukod pa yan, doon sa presyo ng ticket para mga naman sa mga VIP.
00:50Narito ang report.
00:51Are you attending F1?
00:53This weekend?
00:54Sa panayam ng Singaporean, the straight times dito sa Singapore,
00:58mesmong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagkumpirma.
01:02Manonood siya ng Formula 1 Singapore Grand Prix ngayong weekend,
01:06na nataon sa limang araw niyang state visit dito.
01:09Yes, happy coincidence.
01:11I once came before I was president a long time ago.
01:14And I came to watch, just to watch the race.
01:16And I was walking around, I met Lee Kuan Yew,
01:19I met this businessman,
01:21and I came to the conclusion,
01:23you come to the Singapore F1,
01:26you can meet anybody, everyone that you want.
01:28Even some of the businessmen from the Philippines,
01:31I had meetings with them because they were there for the F1.
01:33Ang F1 ay sikat na karera ng formula racing cars.
01:39Bahagi ng F1 World Championship,
01:41ang Singapore Grand Prix,
01:42nagaganapin sa Marina Bay Street Circuit.
01:44Mula ng maging Pangulo,
01:46dalawang beses nang nanonood ng F1 race sa Singapore si Marcos,
01:492022 at 2023.
01:51Pero ano nga ba ang pakinabang sa Pilipinas
01:53ng pagpunta ng Presidente sa F1 event?
01:56Because of the contacts that you make
01:58and the discussions that you have.
02:00In the past, for me, it became useful.
02:06The face-to-face meeting is the most important part of any relationship.
02:11Be it a familial relationship, a business relationship,
02:16a political relationship, any kind of relationship.
02:18Sa pagdalo ng Pangulo sa Grand Prix noong 2022,
02:21nagbunga-umano ng mga pangakong investment
02:23ang kanyang panonood ng F1 race.
02:26Nakasama doon ng Pangulo,
02:27sino ay Singaporean Prime Minister
02:28at ngayon Senior Minister Lee Shen Long
02:31at iba pang foreign dignitaries.
02:33Tulad dati, may mga pumupo na sa panonood ng Pangulo sa F1 race
02:37sa gitna ng mataas na inflation rate sa Pilipinas.
02:40Depensa ng palasyo, wala raw gagasosin dito ang bansa
02:43dahil personal na imbitasyon ito kay Marcos
02:46ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong.
02:48Pang Pangulo, ano man ang kanyang atinan,
02:51pang personal man niya,
02:52o pang bayan para sa ekonomiya
02:56at para sa mga kababayan natin,
02:59hindi nawawala kahit isang minuto
03:02o kahit isang segundo
03:04ang pagiging Pangulo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:09Sa bawat galaw niya,
03:11ang isip niya ay para iangat
03:13ang Pilipinas at ating mga kababayan.
03:16Habang nasa Singapore si Marcos,
03:18lumabas naman ang survey ng SWS na nagsasabing
03:20bumagsak sa kategory na poor.
03:23Ang net satisfaction rating ng Pangulo
03:25ngayong third quarter ng 2026
03:27mula sa neutral noong Hunyo.
03:2946% ang nagsabing hindi sila nasisiyahan
03:32sa pagganap ng Pangulo sa tungkulin nito.
03:3535% naman ang satisfied o nasisiyahan
03:37at 20% ang undecided o hindi tiyak
03:40kung nasisiyahan sila o hindi.
03:42Isinigawa ang survey noong September 21
03:44hanggang 27, 2026.
03:46Sa pamamagitan ng face-to-face interview
03:48sa sanlibot limang daang adults,
03:50mayroong plus minus 3% error margin
03:53ang non-commissioned survey na ito.
03:55Kinwestiyon ng Palacio ang timing ng survey
03:57sa Baygate na hindi apektado niyan ang Pangulo.
04:00Very timely lang kasi ang paglabas nito
04:04dahil maraming issue
04:06na kinasasangkutan ngayon ang vice-presidente.
04:10Tuloy-tuloy ang pagtatrabaho.
04:13Hindi nagbabakasyon, nagtatrabaho.
04:16So, again, ang numero ng survey firms
04:20hindi po yan makaka-apekto
04:21sa pagtatrabaho ng Pangulo.
04:23Hanggang sa araw ng linggo
04:24ang working visit ng Pangulo dito sa Singapore.
04:27Bukas, bibisita siya sa Singapore
04:28Nuclear Research and Safety Institute
04:30para matuto sa nuclear energy dito.
04:33Sa linggo, may mga business meeting siya sa umaga
04:35at sa hapon, may press briefing siya
04:37sa Philippine Media Delegate dito.
04:44Vicky, sa sidelines ng F1 race,
04:48inibitahan si Pangulong Bombong Marcos
04:49ng Prime Minister ng Singapore
04:50na si Lawrence Wong para sa isang dinner.
04:52Samantala, Vicky, mabanggit ko lang,
04:54hindi lang halata sa video ko ngayon
04:55pero matindi po ang haze dito sa Singapore.
04:58Unhealthy ang level ng air quality ngayon dito.
05:03Kung makikita mo sa pinadala ko mga video,
05:05parang may sariling blur filter ngayon
05:08ang Singapore.
05:09Ang labo, simula yan ang dumating kami rito,
05:11magiging isang linggo na kami rito.
05:13Ganyan po katinde ang haze dito ngayon sa Singapore
05:16kapag tumagal ka sa labas,
05:18mga siguro, mga limang oras,
05:20makatina sa lalamunan.
05:22Yan muna ang latest.
05:23Mula rito sa Singapore,
05:24balik sa iyo, Vicky.
05:25Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
05:29Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
05:32Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.