00:00Dahil sa sikip ng lugar at double parking ng mga sasakyan,
00:05nahirapan ang mga bumbero sa sunog kagabi sa Novalichas, Quezon City.
00:0970 pamilya na sunugan at isa ang sugatan.
00:12Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:17Ganito kalaking apoy ang sumiklab sa isang residential area
00:21sa Bagong Landas de Jesus Compound sa barangay San Agustin, Quezon City kagabi.
00:26Umabot sa ikatlong alarma ang sunog
00:28dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
00:33Sumaki at sa bubong ang mga residente para maapula ang apoy.
00:36Ang mga apektadong residente nagsilikas sa kalapit na simbahan.
00:41Ayon sa isang nasunugan, naging mabilis ang pagkalat ng apoy.
00:45Dito nagsimula yan, nagsigawan yung mga bata.
00:47Diyan sa may wear dyan. Sobrang lakas ng hangin.
00:50Adamay na itong tindahan.
00:51Yung washing machine lang sa upuan.
00:54Ayon lang na salban na gamit.
00:56Binuksan muna ang barangay hall ng San Agustin bilang evacuation center.
01:01Bali, apat na area meron kami ma-evacuation ngayon.
01:03Nagpaluto na rin ng pagkain.
01:06Bago maghating gabi, tuluyang naapula ang sunog.
01:09Ayon sa Bureau of Fire Protection,
01:11naging pahirapan ang firefighting operation nila.
01:14Naglalabasan po ng mga gamit yung mga residente.
01:17Sinasalubong nila yung paglapit ng ating mga tropang bumbero.
01:21So yun yung isa sa nagpa-delay.
01:22Tapos mapapansin nyo, maikitid din yung kalsada po dito sa pinangyarihan at double parking din po.
01:31Isang 59-anyos na lalaki naman ang nagtamu ng second degree burn sa braso at dibdib.
01:36Sa tala ng BFP, nasa 70 pamilya o tinatayang 200 individual ang nawala ng tirahan sa sunog.
01:44Humigit kumulang 40 bahay ang natupok.
01:47Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhinang sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.
01:53Gabriel Gonzalez, Nakatutok.
01:5624 Horas.