Skip to playerSkip to main content
MGA MAGSASAKA SA MACARTHUR, LEYTE, NAGBARIKADA LABAN SA DAMBUHALANG DREDGING SHIP NA SUMIRA SA KANILANG MGA PALAYAN AT PALAISDAAN DAHIL SA BLACK SAND MINING!

Sa gitna ng malawak na lupain, may biglang sumulpot na isang ga-higanteng barko?! At sa nakalipas na mga linggo, ang barko mula sa dagat, tumawid papunta sa lupa! Ang mga dinaanan nito, inararo at sinira!

Ito raw gagamitin sa pagpapalawak ng operasyon ng black sand mining sa Leyte! Kaya ang mga residente ng bayan ng MacArthur, sa takot na masira pa ang kanilang mga lupain, nagbarikada para ito’y harangin!

Sa gitna ng panawagan ng mga residente at paggigiit ng mga kinauukulan na may basehan at permit ang proyekto, pumunta si jessica soho sa Leyte upang imbestigahan ang kaguluhan.

Ang pakikibaka ng mga tiga-MacArthur laban sa black sand mining, madadaan nga ba sa santong dasalan o mauuwi lang sa santong paspasan?

Panoorin ang #KMJS Special Report.

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun

Recommended