Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, tataas po ang distribution charge ng Meralco
00:04kasunod ng pag-aproba ng Energy Regulatory Commission sa hiling nitong rate reset.
00:09Ang magiging epekto niyan sa mga bill, alamin sa pagtutok ni Von Aquino.
00:17Tataas ang itchacharge ng Meralco na distribution rate
00:21matapos aprobahan ng Energy Regulatory Commission ang rate reset ng Meralco.
00:25Mula 1 peso and 35 centavos per kilowatt-hour na distribution rate,
00:30magiging 1 peso and 48 centavos per kilowatt-hour na ito.
00:34Mas mababa ito sa hiniling ng Meralco na 2 pesos at 34 centavos per kilowatt-hour.
00:40Ang rate reset ay regular na pag-review ng pwedeng singilin ng Meralco sa delivery ng kuryente.
00:46Ayon sa ERC, noong 2011 pa o labin limang taon na ang nakalipas
00:51mula noong huling nagka-rate reset sa distribution rate ng Meralco.
00:54Marami na nag-iba ang expenses, nag-iba ang gastos, nag-iba ang kalaga ng mga bagay-bagay.
01:01So nung nag-apply sila siyempre, iba na rin yung piniklian nila na ganito na po yung gastos namin.
01:09Ayon sa ERC, posibleng sa Nobyembre pa mag-reflect ang increase sa bill.
01:14Pero sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na kailangan nilang masusing reviewin ang desisyon
01:19bago magkomento kaugnay sa impact sa kanilang kumpanya at mga customers.
01:23Pero naniniwala silang makakatulong ang rate reset para sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.
01:30Tiniyak nilang susunod sila sa desisyon ng ERC.
01:33Habang hindi patiyak kung kailan ipatutupad ang mas mataas na distribution rate
01:37at kung tataas ba ang bill ng kuryente sa susunod na buwan,
01:41kanya-kanya nang diskarte ang mga Meralco customers sa pagtitipid.
01:45Hindi po, kailangang pagsabay-sabayin yung gamit, para lang po,
01:49pero kahit ano pong tipid, mataas pa rin yung bill.
01:54Pero nangangamba ang maliliit na negosyo na hindi naman daw kaya makapagtipid
01:58dahil umaasa sila sa kuryente.
02:01Ang tatamaan po nun is yung net income namin,
02:05which is mababa na nga sa ngayon kasi hirap din ang mga tao sa mga basic needs sila
02:10so apektado rin ang mga negosyo.
02:11Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras
02:15Ay, ay, ay, AI!
02:18Napapadali man ng AI ang ilang trabaho,
02:20ang kapalit naman daw ay ang pagkalagas ng trabaho.
02:24Dahil dito kaya nawalan umunan ng project ng isang voice talent.
02:28What you think?
02:29Yan po ang tinutukan ni Dano Tingkungko.
02:34Malamang dumaan na sa iyong social media feeds
02:37si na Mia Hayes, Liam Sterling at iba pang bida ng mga vertical drama.
02:41Ang mga ito gawa gamit ng AI o Artificial Intelligence.
02:46Habang patuloy na nagbubukas ng mga bagong posibilidad ng AI sa iba't ibang industriya,
02:51may mga trabaho rin posibleng maapektuhan dahil dito.
02:55Sa social media post ng voice talent at influencer na si Inka Magnaye,
03:00nawalan ng trabaho ang kanyang inang voiceover artist din dahil daw sa AI.
03:05Naiintindihan daw niyang business decision ito ng isang anyay malaking kliyente.
03:10Pero tanong ni Inka sa mga malalaking kumpanyang may kakayahang magbayad.
03:14Nais ba nilang dumating sa panahon kung saan ang pangkabuhayan at oportunidad ng mga tao
03:19ay kinukuha na ng AI habang sinisira nito ang kinabukasan?
03:23What you think mga kapuso?
03:25Dapat na ba nating paghandaan ang kinabukasan na pwedeng palitan ng AI ang trabaho ng mga tao?
03:30Yung AI kasi nakakatulong din niya sa tao para mapagaan yung trabaho nila or school projects ng mga estudyante.
03:42Pero huwag na sana abusuhin.
03:45I'm working po in the HRO industry. So we're doing like computer jobs po.
03:51It makes us feel na sa HRO which is using computer systems din na.
03:56What if in a few years then, pati kami mawala na ng job?
04:01Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank Institute, malaki ang epekto ng AI sa labor market sa Asia
04:08lalot maraming trabaho ang nanganganib isa ilalim sa automation.
04:12Sa Pilipinas at India, nanganganib daw ang BPO at IT services sa service sector.
04:18Ipinunto ng ADBI study na pinalitan na ng AI ang ilang trabaho tulad ng basic coding,
04:24data entry, document processing at Tier 1 customer support.
04:28Kaya ayon sa ADB, kumukonti ang middle-skill, middle-income jobs at naiwan ang high-wage cognitive roles
04:35at low-wage manual tasks.
04:37Bukod dito, mahigit 60% din ang workforce sa Asia ang nasa informal sector.
04:42Marekomendasyon ng ADB Institute, irepaso ang educational systems.
04:47Halimbawa, isama ang AI o data literacy sa kurikulum at mas tutuka ng project-based learning at lifelong learning systems
04:54tulad ng upskilling kaysa memorization at standard testing na nagagaya na ng AI.
05:00Mainam din palakasin ang social protection measures para sa mga mawawala ng trabaho dahil sa AI.
05:06Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na patuloy nilang pinag-aaralan
05:11kung paano mapapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng pag-unlad ng teknolohiya.
05:17Daan natin ko.
05:18Nakatutok, 24 oras.

Recommended