00:00Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na sapat ang supply ng ilang pangunahing bilihin sa gitna ng banta ng Supererlinio.
00:06Ayon sa Pangulo, kabilang dyan ang bigas, manok, isda at baboy.
00:11Tatamaan naman daw ng husto ang supply ng mga gulay,
00:14kaya hinihikayat niya ang publiko na bumalik sa pagiging plantito at plantita gaya noong pandemia at mag-ipon na rin
00:22anya ng tubig ulan.
00:25Bumili na kayo ng balde para pag-umulan, makakolekta na ninyo lahat.
00:30Tuturuan namin kayo, we'll give you the filter, we'll teach you how to do everything para hindi kayo magkasakit at
00:39maayos ang pag-treat ng tubig, pag-filter ng tubig.
00:43Balikan natin yung Green Revolution.
00:45Nang pandemic, nabuhay yung plantita. Get everybody to plant their own vegetables.
00:52Kagabi, nanood ng Formula One Singapore Grand Prix si Pangulong Marcos.
00:56Sa isang litratong ipinos ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong,
00:59makikitang magkatabi sa mesa at nag-uusap sila ni Pangulong Marcos.
01:04Nakabalik na sa Pilipinas ang Pangulo matapos ang limang araw na working visit sa Singapore.
01:09Sa kanyang post-visit statement,
01:11ibinida niya ang mga pangakong investment na mga nakilala niyang negosyante sa Singapore
01:15at ang kaalaman tungkol sa nuclear energy.
01:21Nang Mажeja